Chapter 03
Her [P.O.V]
Pagkamulat ng mga mata ko Bumungad Naman sa akin ang napakagandang tanawin. maraming paru-paro sa paligid, mga puno na iba't iba ang mga bunga, mga bulaklak na iba't iba ang klase, at isang tree house. Kumunot ang noo ko. I stood up. "Where am I...?" I whispered.
"Andito ka sa tahanan ko, sa loob ng katawan mo." Agad akong napalingon sa likod ko at nakakita ng isang batang babae. Mukhang sampung taong gulang siya. "Anong sampung taon? Isang daan na ako, noh!" Nanlaki nmn ang mata ko at hindi makapaniwalang napatingin sa kanya.
"Seryoso ka?" Tumango naman siya. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. "Bakit mas mukhang bata ka pang tingnan kesa sa akin?" Napabuntong-hininga siya. "Hindi kasi masyadong malakas ang mana mo kaya batang katawan ang nagawa ko. Pero ayos lang, at least may katawan." Napataas ang kilay ko dahil sa sinabi niya. "Anong ibig mong sabihin?"
"Ako yung bolang kausap mo kani-kanina lang." Napatango-tango ako. Kaya pala pamilyar ang kanyang boses. "May alam ka ba kung bakit ako nandito?" Tumango naman siya kaya napatayo ako nang tuwid. "Kung ganoon, bakit ako nandito? Bakit nasa katauhan ako ni Tazhia? Anong nangyari sa katawan ko? Hindi ba dapat ako ay patay na?"
"Nakalimutan mo na ba ang sinabi sa iyo ng diyosa?" Napakunot ang noo ko. "Sinong diyosa?" nagtataka kong tanong. "Hindi mo ba maalala ang huling tinig na narinig mo bago ka mamatay? Iyon ang diyosang tinutukoy ko." And when she said that, I closed my eyes, iniisip ko kung may narinig ba akong tinig bago ako mamatay.
'Aimie Cha, bibigyan kita ng pagkakataong mabuhay, ngunit hindi na sa katauhan mo, kundi sa katauhan ni Tazhia. Nais kong baguhin mo ang kapalaran niya. Hindi nararapat sa kanya ang kanyang sinapit. Wag mo sana akong bibiguin, Aimie...'
Agad kong naimulat ang mga mata ko nang biglang nag-replay sa utak ko ang huling tinig na narinig ko bago ako mamatay. Napatingin ako sa batang babae na nakaupo sa damuhan habang kumakain ng chocolate.
"Naalala ko na." Tumango naman siya. "Mabuti naman kung ganoon." Umupo ako sa harapan niya at kukuha rin sana ng chocolate nang tabigin niya ang kamay ko at sinamaan ako ng tingin. Kaya napanguso ako. "Bakit nga pala ako ang napili ng diyosa?" Inubos niya muna ang tsokolateng kinakain niya bago siya nagsalita.
"Dahil ikaw lang ang totoong taong nagmahal sa kanya." Napataas ang kilay ko. "Anong ibig mong sabihin?" Kumuha siya ng chocolate milk saka ininom iyon. "Noong unang inilabas ang libro, marami kaagad ang nagalit kay Tazhia nang lumabas siya sa kwento. Oo, at may naaawa sa kanya, pero hanggang doon lang iyon. Samantalang ikaw naman, buong puso mo siyang minahal at kahit kailan hindi ka nagalit sa kanya. Maybe, yes, naiinis ka sa kanya dahil sa mga katangahang ginagawa niya, but you never stop loving her. Kaya ikaw ang napili ng diyosa para baguhin ang kapalaran ni Tazhia."
"Eh si Tazhia? Hindi ba niya kayang baguhin ang kwento o ang kapalaran niya?" Umiling naman siya. "Tazhia tried it. Tatlong beses siyang nabuhay para baguhin ang kapalaran niya, pero sa tatlong beses niyang pagkabuhay, paulit-ulit lang ang nangyayari: sa huli, mapupugutan siya ng ulo at mamamatay." Kumuha siya ng tissue saka pinunasan ang gilid ng labi niyang may mga chocolate bago ako tiningnan nang seryoso.
"Kaya ikaw, Aimie Cha, wag mo sanang bibiguin ang diyosa. Gusto niyang mabago ang kapalaran ni Tazhia. Hindi niya iyon kayang gawin kaya ipinasa niya sa iyo, sa isang ordinaryong tao. Walang pakialam ang diyosa sa kung paano mo babaguhin ang kapalaran niya, basta ang hiling niya lang ay bigyan mo ng magandang ending ang kwento niya. Hindi pwedeng mamatay muli si Tazhia sa pagkakataong ito dahil paniguradong may mangyayari." Napakunot ang noo ko.
"Anong ibig mong sabihin?" Pero imbes na sagutin niya ang tanong ko, nginitian niya lang ako at sumandal siya sa pinakamalapit na puno sa kanya. "Kailangan mo nang bumalik. Wag kang mag-alala, magkikita pa tayo. Nasa loob lang naman ako ng katawan mo. Basta tawagin mo lang ang pangalan ko kung kailangan mo ako. Pero tandaan mo, isang beses mo lang ako pwedeng makausap at tawagin. Kaya kung tatawagin mo man ako, siguraduhin mong importante ang sasabihin mo sa akin."
"Ano bang pangalan mo?"
"Zhina. Zhina ang aking pangalan..."
Nagising ako dahil sa mga iyakan at ingay na naririnig ko sa paligid, pero hindi ko idinilat ang mga mata ko. "Tazhia! Nagmamakaawa ako sa iyo, wag kang mamamatay!" sabi ng isang boses babae.
"Tazhiaaaaa! Bakit kailangan mong mamatay sa ganitong paraan? Sniff Namimili lang naman kami, tapos pagbalik namin, patay ka na? Huhuhu Gumising ka diyan, Tazhia! Diba sabi mo sasampalin mo pa ako? Dahil tinapunan ko ng juice ang damit mo? Please naman, Tazhia, gising na, huhu." Sabi naman ng isa pang boses babae.
"Lil sis, wag ka naman magbiro ng ganto. Gumising ka na, please." Sabi naman ng boses ng kuya ni Tazhia. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at kinunutan ng noo ang tatlong nag-iiyakan sa harapan ko.
"Bakit kayo umiiyak? Para kayong namatayan, eh." Sabay-sabay silang tatlong napaangat ng tingin. At nang makita nila akong dilat ang mga mata habang kunot-noo silang tinitignan, bahagyang nanlaki ang mga mata nilang tatlo.
"UWAAHHHH TAZHIA, BUHAY KA, HUHU!" Sigaw ng babaeng may pink na mga mata at agad akong dinambahan ng yakap.
"Tazhia?! Damn, you're alive!" Sabi naman ng babaeng may green na mga mata saka niya rin ako dinambahan ng yakap.
"Lil sis!" Sabi naman ni Tyros at dinambahan din ako ng yakap, dahilan para hindi ako makahinga. "S-Stop it, guys, I c-can't breathe." Agad silang napahiwalay sa akin nang sabihin ko iyon. At nang makabawi, bigla akong sinamaan ng tingin ng babaeng may green na mga mata.
"Nakakainis ka! Buhay ka naman palang babae ka! Tapos pinaiyak mo pa ako!" Singhal niya sa akin. Umupo ako at tiningnan siya.
Green na mga mata, brown na mga buhok, at kung makaasta siya, parang close sila ni Tazhia. Hmm, kung hindi ako nagkakamali, siya si Ryleen Surquia, ang Amazona. Tinaasan ko siya ng kilay. "At bakit? Sino bang nagsabing patay na ako? At saka, hindi ko naman sinabing umiyak ka." Sabay irap ko sa kanya. Lumapit naman si Ryleen sa babaeng may pink na mga mata saka ito binatukan.
"Bwesit kang babae ka! Akala ko ba patay na si Tazhia? Bakit mulat na mulat? At humihinga pa?" Napanguso naman ang babaeng may pink na mga mata at yellow na mga buhok. Kung hindi ako nagkakamali, siya naman si Primrose Rendell, ang isip-bata. "Totoo naman kasi, eh. Nung tiningnan ko ang pulso niya kanina, hindi na tumitibok, hindi na rin siya humihinga, tapos maputla pa ang katawan niya. Kaya malaki ang posibilidad na baka patay na siya. Pasensya na." Nakanguso niyang sabi.
"Stop it. Ang mahalaga, buhay ang Prinsesa ko." Nginitian ko si Tyros. Should I call him Kuya? Hmm, that sounds good. Tutal naman nasa katauhan ako ni Tazhia, sisimulan ko muna ang pagbabati nila ng kuya niya. Lumapit ako kay Tyros saka ko siya dinambahan ng yakap, dahilan para matigilan siya. Pero kalaunan ay niyakap niya rin ako pabalik. Pero napahiwalay rin kami sa isa't-isa nang may marinig kaming isang malamig na boses na nanggagaling sa pintuan ng kwarto ko.
"Tazhia, can I talk to you?" Agad kaming napatingin sa pintuan ng kwarto ko. And then I saw a man with blue eyes—ang lalaking suminghal sa akin kanina sa Dean's office, ang lalaking bida sa kwento, the one and only Creed Aze Carbonell...
Dahan-dahan akong tumango. Tumingin siya sa mga kasama ko, senyales na gusto niyang kami lang ang mag-usap. Agad namang tumayo sina Primrose at Ryleen. At kahit na nag-aalangan silang lumabas, ginawa pa rin nila. Samantalang si Kuya ay lumapit kay Creed.
"Just talk, Creed. Don't f*cking hurt my sister, kahit ngayon lang." Tyros said. Binangga niya muna ang balikat ni Creed bago siya lumabas ng kwarto ko. Tumikhim ako. "Anong gusto mong pag-usapan natin?" Tiningnan niya ako nang malamig bago siya magsalita.
"Our wedding is coming soon." Tinaasan ko siya ng kilay. "And?" Bumuntong-hininga siya saka namulsa. "I decided to back out pagkatapos ng ginawa mo kay Haily. Hindi na kita kaya pang pakasalan." Nginisian ko siya. "At sa tingin mo ba magtatagumpay ka? Alam mong hindi ka pwedeng umatras sa kasal maliban na lang kung sasang-ayon din ako sa gusto mo." Umigting ang panga niya at magsasalita na sana nang agad ko siyang unahan.
"Pero wag kang mag-alala, nagbago na rin ang isip ko." I crossed my arms. "Umaatras na rin ako sa kasal. I don't want to go to a loveless marriage. Ayaw kong magpakasal sa taong hindi kayang suklian ang pagmamahal ko. I think loving you is a f*cking big mistake."
SIANA Y LD