Senna's P.O.V
Marahan kong binuksan ang pinto, pagkatapos ay dahan-dahan din akong pumasok sa loob ng bahay.
Pagkasara ko ulit ng pinto ay tinanggal ko ang suot kong heels saka dumeritso na sa loob hanggang sa marating ko ang living room.
"Lyanez? You are still awake?" pagtataka kong tanong sa kaniya.
Narito pa kasi siya sa living room, at dito na lang din bukas ang ilaw. Dumako ang tingin ko sa taas, then balik sa nakaupong Lyanez.
Bumaling siya ng tingin sa akin. "You're here?" Tumingin siya sa wall clock. "Too early," nagtatakang dagdag niya.
Lumapit na rin ako sa kinaroroonan niya. Umupo ako saka inilapag ang hinubad kong heels.
"How is it? Enjoy ba? Or boring? Umuwi ka kasi nang maaga. Hurry, kuwento ka na dali!" excited niyang sambit pagkaupo ko pa lang.
"How's the twin?" tanong ko bago sagutin ang kuryusidad niya.
"No need to worry, mahimbing na silang natutulog. Natulog sila sa tamang oras at pinainom ko sila ng gatas bago ko sila pinatulog. Ginawa ko ang dapat gawin kaya huwag mo silang isipin. Dali na, kuwento ka na!" mabilis niyang sambit habang naroon pa rin sa mukha niya ang excitement na makasagap ng tsismis.
Naiiling na sumandal ako sa sandalan ng couch pero napanatag naman ako dahil sa kaniyang sinabi.
"But before we start, let me change this kind of gown. I can't breathe properly because of it." reklamo kong wika sabay tayo.
Nararamdaman kong magiging matagal ang pag-iintriga sa akin ni Lyanez.
"Can you please make me a cup of coffee." dagdag ko saka tumungo sa hagdan.
Agad ko namang narating ang kuwarto ko. Marahan kong binuksan ang pinto. Napangiti ako nang bumungad sa akin ang kambal kong mahimbing na natutulog.
Dahan-dahan ko ring isinara ang pinto at walang ingay na lumapit sa kanila.
Ang himbing ng tulog nila. Tinotoo talaga nila na huwag akong mag-alala sa kanila. Hindi sanay na matulog ng hindi sila nakatitiyak na kasama at katabi nila. Gusto rin nilang nahahawakan nila ako bago nila ipikit ang kanilang mga mata. Bata pa lang ay ganiyan na sila kaya hindi ako nagpapagabi or never akong nagkuha ng overtime na oras kahit pa iyan double or triple pay, dahil mas mahalaga sa akin ang mga anak ko.
Gusto ko na bago nila ipikit ang kanilang mga mata ay nakatitiyak akong komportable sila para walang maging sagabal sa pagtulog nila.
Magkakasama rin kami sa iisang kuwarto. Mas gusto kasi naming magkakatabi kaming matulog. Mas panatag kasi ang loob ko kapag alam kong nasa tabi sila. Sinusulit ko na rin habang maliliit pa sila. Kapag malaki na sila, impossible ng mangyari na nasa iisang kuwarto pa rin kami. Alam kong darating ang araw na magkakaroon sila ng kani-kanilang kuwarto.
Marahan na nilapatan ko ng halik ang kanilang mga noo, pagkatapos ay inayos ko ang pagkakakumot sa kanila ng kumot.
Walang ingay ulit akong kumilos. Kumuha ako ng damit pantulog saka nagbihis. Mabilis naman akong natapos. Mabilis na ligo na ang ginawa ko para fresh ang pakiramdam ko para ba rin kaagad na matanggal ang make-up na nilagay sa mukha ko.
Tinapos ko na agad ang pag-aayos ko dahil nakatitiyak akong hindi na mapakali si Lyanez habang naghihintay.
Nang matapos ako ay lumabas na ulit ako ng kuwarto at kaagad na bumalik sa sala.
"Finally! Akala ko tinakasan mo na ako. Susundiin na sana kita." Lumapit siya sa akin at tinangay na ako saka sabay kaming umupo sa couch.
"Ano na? Bilisan mo na! Sobra ka namang pabitin, e." hindi makapaghintay niyang sambit sa akin.
Napailing na lang ako.
"Tsk! Ito na nga. Well, the usual event. People, drinks, noises, and random chats. Kumustahan, kuwentuhan, and talking about current life. Mga gan'on lang ang nangyari kanina." bagot na wika ko sa kaniya na ikinasimangot ng mukha niya.
"Iyon lang? Wala ng iba?" Bumuntong hininga siya. "Ano pa nga bang makukuha ko sa'yo? You hates crowded places, especially the noises."
"Exactly?" mabilis kong tugon.
"Nakita mo ba siya?" tanong niya ulit.
Napabaling ang tingin ko sa kaniya. Nagliwanag ang kaniyang mukha na parang nakuha niya ang atensiyon ko.
"Your ex? The father of your twin." dagdag niya pang wika.
"I did," tipid kong sagot.
"Not only him. Kasama niya rin sina Emery, Zannix, and his wife, Dulcie." I simply added.
Bigla kong naalala ang ginawa ko sa babaeng iyon kanina. I'm sure magsusumbong iyon kay Zayaner na parang siya ang biktima at para makuha rin niya ang simpatya ng tatlo.
"Woaa! That's sound interesting! So, ano pa ang nangyari? Have you talk to each other? Lumapit ba siya sa'yo? Is he still hot and gorgeous?" sunod-sunod na tanong ulit niya.
"Woahh, easy girl! Hinintay mo ba talaga ako para sa mga tanong na 'yan?" hindi makapaniwalang saad ko.
"Of course!" mabilis niyang sagot.
"Hindi ako makatutulog ng hindi nalalaman ang nangyari sa gabing ito. Lalo pa at alam kong magkikita kayo ngayong gabi ng ex mo." malawak na dagdag niya na ikinataas ng kilay ko.
"You know?" I asked.
"That's the reason why you want me to go there." mapanghinalang dagdag ko.
Tila nahinto naman siya dahil na-realize niyang nabuking ko siya. Alanganin siyang napangiti at napakamot pa sa kaniyang ulo. Napailing na lang ako.
"If you really that curious. Alright! Lets satisfy your curiosity." nakangiting sambit ko.
Tumango-tango naman siya na parang bata.
"When I saw him," Sandali akong tumigil at muling binalikan sa isipan ko iyong mga oras na nakita ko si Zayaner. At sinuri kung ano ang naramdaman ko ng oras na iyon.
Nang tumingin ako kay Lyanez. Inaabangan niya ang sasabihin ko.
"I felt nothing." sincere na dagdag ko.
"What do you mean by nothing?" naguguluhan niyang wika.
"I really felt nothing. Hindi kumabog or bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ako kinabahan, no blushes, no sparks, no bitterness, no butterflies in my stomach. For me, he seems like a normal person. A normal guy friend." pagpapaliwanag ko.
"Of course, I am happy when I see him again after so many years." I added.
"So, both of you are like strangers again? You know, typical na nangyayari sa mag-ex." she asked.
I shrugged my shoulder.
"I can't fully say that we are strangers. Yes, he is my ex-boyfriend, pero mas nakasama ko siya ng ilang years din as a friends, kaya I can't just ignore it because he is my ex. After all, I swore to him that if ever we met again, nothing would change. " tanging tugon ko.
At masaya akong nagawa ko ang pangako ko sa kaniya noon na kapag nagkita kami ulit. Hindi na ako iyong taong desperada at martyr na babaeng umaasang mamahalin niya ako.
I am sure of myself that I no longer love him. At napatunayan ko iyon sa aking sarili ngayong gabi.
"What if, just what if, Senna." Umayos siya ng upo. Pa-indian sit siyang umupo sa harapan ko.
"Paano kong maging friends kayo ulit? As in iyong parang katulad ng dati ni'yong samahan. I know you don't want it to happen, pero paano kung siya mismo ang mag-insist na maging friends kayo ulit?" tanong niya.
"No! No! Zayaner is a part of my past, at hangga't maaari ay ayoko na siyang ma-involved pa sa kasalukuyan kong buhay. But I am aware that it is impossible to happen sa buhay ng mga anak ko. That man is a father of my twins, Lyanez." mabilis kong tugon.
Sa totoo lang ay natatakot akong narito si Zayaner. Hindi sa sarili ko, kun'di para sa mga anak ko.
"You are aware that I don't want to fall in love again. Kaya nga hanggang ngayon ay hindi ako pumapasok sa isang relationship, not because I still love Zayaner, or what." ani ko,
Mabilis siyang tumango-tango sa akin.
"Iyon ay dahil mas gusto mong ibigay ng ang lahat ng pagmamahal mo sa mga anak mo. At sa kanila din umiikot ang mundo mo. Don't worry, I understand that." nakangiting tugon niya.
"But you know what," Naging malambot ang expression ng mukha ko.
"I am sad that I can't give them a complete family. My sons deserves it, Lyanez. And as their mother, I can't give that to them, and it was damn hurt." pag-amin ko.
Gustong-gusto kong bigyan sila ng kompletong pamilya katulad ng ibang bata. At ang nakalulungkot pa ay alam nila ang bagay na iyon. Sa kanilang kasalukuyang edad, naiintindihan nila kung bakit.
Wala akong itinago sa kambal. Alam at kilala nila kung sino ang kanilang ama. Hindi ko iyon inilihim sa kanila. Ngunit, ipinaliwanag ko ng mabuti sa kanila ang aming relasyon at ang dahilan kung bakit hindi nila kasama ang kanilang ama.
"Ayokong maramdaman ng mga anak ko ang naranasan ko sa kanilang ama. Ayokong masaktan sila. Ayokong maranasan nila iyong feeling na unwanted ka sa isang tao. Ayokong maramdaman nila iyong napipilitan lang silang mahalin dahil wala siyang choice." saad ko,
Hindi ko iyon kakayanin. Hindi ko kakayanin na makitang nasasaktan ang mga anak ko. Hindi bale ng ako na lang, huwag lang sila.
"Hindi ko tinatago ang kambal sa kanilang ama. Wala rin sa akin kung magkita sila. Pero alam mo ba na kung puwede lang, na sana hindi niya malaman ang tungkol sa anak ko. Na sana hindi sila magtagpo-tagpo, pero alam nating imposibleng mangyari iyon." patuloy ko.
"Imposible talaga!" mabilis niyang pagsang-ayon.
"Sa dami ba namang ninong at ninang ng kambal. Isa lang sa kanila ang magsalita, boom! Instant malalaman agad ng ex mo ang tungkol sa kanila. At saka, hindi lang basta-basta ang ama ng dalawa. Isang mayaman na nilalang ang ex mo. Pagdating sa connection at sources, marami siya no'n. Isang pitik lang ng kamay niya, minuto lang makukuha niya na ang gusto niya." mahaba niyang wika.
"Idagdag mo pang, kamukha ng kambal ang kanilang ama. Kahit hindi na sila dumaan sa DNA test. Isang tingin pa lang sa kanila, malalaman niya agad. Sa kulay pa lang ng mata, nakatitiyak na siyang sa kaniya ang kambal." naiiling na dagdag pa niya.
Handa ako sa lahat ng mangyayari, lalo pa ngayon na bumalik na siya. Isang bagay lang ang hinihiling ko, sana hindi na mag-cross pa ang landas naming dalawa.
TheKnightQueen 🍀