Senna's P.O.V
Dumako ang tingin ko sa pintuan nang may marinig akong kantok. Napangiti ako nang makita ko si Lyanez kung saan dala na niya ang pinapadala ko.
Tumayo ako at lumapit sa pinto para pagbuksan siya. Kaagad siyang pumasok at inilapag sa table ko ang dala niya.
"Ano ba ang laman ng box na 'yan?" agad na tanong niya sabay baling ng tingin sa akin.
Isinara ko ang pinto at lumapit sa kaniya. Sumandal ako sa table sa may tabi ng box. Tumingin ako sa box at sa kaniya.
"Why? Hindi mo ba binuksan?" tanong ko.
"No." mabilis niyang sagot.
"Kabilin-bilinan ng junakis mo na huwag ko raw tangkaing buksan at tingnan ang laman. Hindi ko naman ginawa kahit kating-kati na ang kamay kong buksan ang mahiwagang kahon na 'yan. Takot ko lang sa mga anak mo." mahaba niyang dagdag.
"At saka pala, dahil hindi ka makakauwi. Pinadalhan ka ng pagkain ng sweet mong kambal." saad niya pa sabay abot sa akin ng isang bag.
Kinuha ko naman agad ito. Pumunta ako sa swivel chair at umupo. Binuksan ko ang bag. Malawak na napangiti ako dahil tatlong tupperware ang laman nito. Binuksan ko ang bawat isa saka pinagtapat-tapat. Pagkatapos, kinuha ko ang cellphone ko at pinicturan ang mga ito.
Saka ko sinent ang picture sa kambal ko para sabihing na-receive ko ang padala nilang lunch.
Sa one hour break ko, umuuwi ako ng bahay para makasabay ko sa lunch ang kambal ko. Kung minsan, ang kambal ko mismo ang nagdadala saka rito na kami kakain. Nakasanayan na kasi namin na sabay-sabay dapat kaming kakain mula breakfast hanggang gabi. Kaya lang hindi nangyari ngayon. Hindi na ito ulit mangyayari.
"Ay wait! Ito pa pala." sabay patong ng isang plastic na ang laman ay ang pinabibili ko.
"Nga pala, sino na ang boss mo ngayon? Balita ko dumating na siya ngayon." Rinig kong tanong ni Lyanez, saka umupo siya sa isang chair na dinala niya sa front ng table ko.
Nagsubo muna ako bago siya sagutin.
"Mr. Tuarez," simpleng sagot ko pagkatapos kong lunukin ang nginuya kong pagkain.
"Tuarez?" tanong niya ulit.
"Zayaner," sagot ko sabay subo ulit.
"What?" Napatingin ako sa kaniya dahil bigla siyang tumayo sa gulat niya.
Anong nakagugulat doon?
"As in Zayaner Tuarez? Your famous ex?" nanlalaking mga matang tanong niya.
Tumango ako bilang sagot sa kaniya. Puno ang bibig ko kaya hindi ako nakapagsalita. Hindi makapaniwalang marahang siyang naupo sabay lingon sa harapan kong office, tapos tingin ulit sa akin.
"Tsk! Tsk! Tsk! Tingnan mo nga naman. Ilang taon mong hindi nakita tapos ngayon, araw-araw mo na siyang masisilayan." naiiling niyang komento.
Nang matapos na ako sa pagkain. Kaagad na tinakpan ko ang mga tupperware at ibinalik sa dati. Kumuha ako ng mineral water sa pangalawang drawer ko. Binuksan at uminom. Pagkatapos ay itinapon ko ito sa trash bin na nasa gilid ng mesa.
Tumayo na ako at pumunta sa harapan ng table ko kung nasaan si Lyanez.
"I'm done eating. Pakisabi sa kambal ko na wala akong sinayang at kinain ko lahat." ani ko sa kaniya.
Sumilip ako sa wristwatch ko.
"May last business pa ako bago matapos ang break time ko." saad ko,
"Okay, babalikan ko na sa bahay ang kambal." Tumayo na siya saka kinuha ang bag na dala niya.
Inilagay ko sa bulsa ng coat ko ang isa sa pinabili ko sa kaniya habang iyong isa ay pinasok ko sa loob ng box. Binuhat ko na ito at sabay na kaming tumungo sa pinto. Si Lyanez na ang nagbukas nito at ako ang unang lumabas.
Nagpaalam kami sa isa't isa ni Lyanez saka kami naghiwalay ng daan na dalawa. Tumungo ako sa pinakadulo at pumasok sa isang pintuan. Pagkapasok ko ay binagtas ko ang hagdan paakyat hanggang sa marating ko ang isa pang pinto para sa rooftop.
Marahan na binitiwan ng isang kamay ko ang box saka binuksan ito. Agad naman akong humakbang palabas ng pinto.
Pagharap ko pa lang sa buong rooftop. Nakita ko na agad ang pigura ni Zayaner na ikinataka ko naman.
Narito na pala siya? Akala ko ako ang mauuna sa amin.
Nagsimula na akong humakbang patungo sa gitna kung saan naroon ang kakausapin ko. Mabuti na lang nauna na siya. Hindi na ako magsasayang ng oras sa kakahintay sa kaniya.
Tumigil ako nang marating ko na siya. Agad niya akong sinalubong na may ngiti sa labi. Tumingin ako sa kaniya tapos hindi sinasadyang mapabaling ang tingin ko sa kaliwang direksiyon ko. Nakita ko roon ang isang table na mayr'ong mga pagkaing mga nakalatag. A table for two.
Mayr'on yata siyang lunch date. Kung ganoon ay bibilisan ko na lang ang last business na mayr'on ako sa kaniya.
"Ahm, I'm hoping that we could eat l---" Inihakbang ko ulit ang mga paa ko at tumungo sa isang sementong bench na mauupuan.
"Don't worry, darating siya ng hindi na niya ako makikitang kausap ka." wika ko sabay lapag ng box na dala.
"Huh?" pagtataka niya.
Pagtingin ko sa kaniya ay bakas sa kaniya na nalilito siya. Bumaling pa nga siya ng tingin sa box, tapos sa akin ulit.
"Wala akong ibang pakay dito kun'di kausapin ka sa huling pagkakataon about sa issue related to our past." pauna ko.
"First, about sa ginawa ko last night sa event sa pinakamamahal mong lover." I added.
Seryosong tumingin ako sa kaniya, dahil seryoso akong ang last business ko ngayon sa kaniya ang huling connection na mayr'on kami sa isa't isa.
Tingin ko kasi ang usapan namin noon ay hindi pa tapos. Hindi iyon natapos dahil sa sakit na dala ng dibdib ko. At sa wakas, ngayon ay matatapos na ng wala akong nararamdamang sakit sa aking dibdib.
"Hindi ko pinagsisihan ang ginawa ko kay Dulcie. Wala akong paki sa sasabihin mo, pero siyempre tatanggapin ko ang mga iyon nang maluwag sa aking kalooban. Hindi ko alam kung ano ang sinumbong niya sa iyo. At kung gusto niyang magdemanda, sabihin mo lang agad sa akin, dahil tatawagin ko ang kakilala kong abogado ng siya ang magharap sa inyong dalawa." mahabang sambit ko sa kaniya.
Napansin ko ang pagkunot ng kaniyang noo dahil tila patuloy pa rin siyang nalilito sa sanasabi ko.
"Pangalawa, tungkol dito," Tumingin ako sa box na dala ko. Tinanggal ko ang takip nito at inilapag sa tabi nito. Kinuha ko sa loob ang isang mineral bottle na may laman.
Nagtataka naman siyang lumapit para silipin ang loob ng box.
"What is it?" he asked, muli siyang tumingin sa loob ng box.
"All pictures, gifts, clothes, love letters, and remembrance from our past relationships." casual na sagot ko.
"Are you planning to give it back to me?" pagtataka niyang tanong ulit.
"No," I quickly replied.
"Then what are you planning to do?" he asked once more.
"Honestly, matagal ko na dapat itong ginawa pero mas ginusto kong makita ka muli bago gawin ito." ani ko, saka kinuha ang mineral bottle na mayr'ong lamang gas.
Marahan ko itong ibinuhos sa loob ng box. Tiniyak kong lahat ng nasa loob ay mababasa ng gas.
"Senna, what are you doing?" malakas na tanong niya.
"Narito ang lahat ng nasa loob ng box na iyan ay dahil sa ating dalawa. Magkasama natin silang binuo at inipon." saad ko, kumuha ako ng isang larawan.
Ang nakuha ko ay ang larawan na kinuha ko pa noon sa amusement park. Kusang napangiti ako ng makita ko ulit ito. Sa huling pagkakataon ay tinitigan ko ito at pinagmasdan.
Kung titingnan sa larawan, masasabi mong they are perfect couple dahil sa malawak na ngiti nila sa litrato, pero sa likod ng ngiti na iyon, ang milyon-milyong kutsilyong nakatusok sa puso ng babaeng nakaraang ako na kung saan bulag na bulag sa pag-ibig.
"I am not here to give them back to you." Kinuha ko ang lighter na nasa bulsa ng coat ko, saka marahang itinapat ito sa dulo ng picture.
"I came here to burn them,,," Tumingin ako sa kaniya. "--- with you." tapos ko sabay buhay ng lighter. Agad na kumapit ang apoy sa litrato.
Binitiwan ko ito sa loob ng box. Dahil sa may gas ito mabilis na nagliyab ang apoy sa loob nito.
"Sabay natin silang binuo, kaya naman, sabay din natin silang tutunawin." ani ko habang nakatingin sa nasusunog na kahon.
Susunugin ko na sana ang mga ito, pagkarating ko galing sa alumni event pero na-realize ko na mas better na sabay namin itong makita na naglalaho dahil hindi lang naman ako ang siyang bumuo at umipon ng mga alaala na mayr'on kami.
Humakbang ako paatras sa kahong tuluyan ng kinain ng apoy. Nakita kong ang kaniyang mga tingin ay hindi nawala sa nangyayari sa kaniyang harapan.
"Finally, I am free." nakangiting wika ko.
Medyo lumapit ako sa kaniya na may ngiti pa rin sa labi.
Tumingin muli ako sa tinutupok ng apoy.
"It was nice to see them burning. Watching it melt in the fire with you is relaxing. I feel relieved and refreshed by everything." I said with a big smile.
"I can now say that I am finally free from my past self. I'm free from being blindly in love with you. I didn't break my promise, Zayaner." saad ko, sabay lingon sa kaniya.
"I am hundred percent sure that I am not in love with you. The pain that you gave me was actually good for me. Tinulungan ako nitong magising sa reyalidad. With that, sa lumipas na taon, natutunan kong unti-unting kang bitiwan mula sa pagmamahal ko, at nagtagumpay ako." patuloy ko,
Hinanap ko ang sakit na nararamdaman ko noon sa tuwing alam kong hindi niya ako kayang mahalin, na may mahal siyang iba at hindi ako, at ang sakit na iyon ay wala na. Hindi ko na ngayon na nararamdaman pa. Ngayon, wala na sa akin kung may mahal na siyang iba, or kung hindi niya ako kayang mahalin.
At sa totoo lang, napakasarap sa pakiramdam ang nararamdaman ko ngayon. Walang sakit o bigat sa aking dibdib. Napakagaan sa pakiramdam.
At isa pa, hindi ko kailangan na magtanim ng galit sa kaniya sa ginawa niya noon. Oo nasaktan ako, pero ginawa niya ang tama para sa aming dalawa. Pinili niya lang kung ano ang ninanais ng kaniyang puso. Pinili niya kung sino ang gustong makasama niya.
Bukod pa roon, sinaktan niya ako, pero tinulungan niya rin na maghilom ang sugat sa puso ko. Binigyan niya ako ng dalawang batang nagbigay ng pagmamahal sa akin. Isang bagay na hindi niya binigay sa akin noon.
Nang lumingon ako sa kaniya ay siya ring paglingon niya sa akin. Ngumiti ako sa kaniya, but this time, walang halong kapeke-an. Iniharap ko ang katawan ko sa kaniya at nakipag-face to face sa kaniya.
"I guess this is the real goodbye for the both us. Years ago, ikaw ang pinalaya ko, and now, ako naman ang magpapalaya sa sarili ko." I stated in front of him, direct into his eyes.
"Let's forget the past, Zayaner." Napansin kong kung gaano siya katahimik bago siya nakipaghiwalay noon, ay kagaya rin siya ngayon. Hindi siya nagsasalita. Nakatingin lang siya sa akin.
I can't understand what he has in his eyes. I see different emotions in him, which he tries to cover. I ignore it because it is not my business anymore. Whatever emotions he has, I am sure they're not for me.
"Let's fucos to our current life, but I can't be your friend again. I'm sorry about that. Alam mo namang seloso ang babaeng mahal mo, kaya we better, you know? Have distance to each other ng walang gulo. At ngayon pa lang sinasabi ko na sa iyo, please lang, make her stay away from me, dahil hindi ko maipapangako na hindi mauulit ang ginawa ko sa kaniya." mahabang salaysay ko.
Tumingin ako sa wristwatch ko. Sinulyapan ko saglit ang naka-prepare na lunch date niya. Baka parating na ang hinihintay niya. I better go now para hindi magsalubong ang landas namin ni Dulcie.
"I have to go." pagpapaalam ko. "Malapit ng matapos ang break time ko. At saka, baka dumating na hinihintay mo. Masira ko pa lunch date ni'yo. See you around, Sir." I politely stated.
Marahan akong tumalikod sa kaniya, pero napahinto ako sa paghakbang ng mayr'ong humawak sa kamay ko.
Mabilis ako ulit napaharap sa kinaroroonan ni Zayaner. Dumako ang kamay kong hawak niya. Tumingin ako sa mukha niya.
"Don't," mahina pero narinig ko nang malinaw.
Hinintay ko ang sunod niyang sasabihin pero lumipas ang ilang minuto pero wala pa rin akong narinig mula sa kaniya.
Marahan kong binawi ang kamay kong hawak niya.
"I --- I am,,, not waiting for someone else. The table and foods,,," Dumako ang tingin niya sa table na nakahanda. Tumingin siya ulit sa akin. "I prepared it for you."
Mabilis akong napalitan sa table.
"Oh, I'm sorry, Sir Tuarez." mabilis kong sambit.
"Thanks, but no need, Sir. Kumain na ako bago ako pumunta rito. Next time, please don't do this again. Don't waste your time on me. Please give it to your loved ones." mabilis na dagdag ko.
Magsasalita pa sana siya pero hindi na natuloy dahil tumunog ang cellphone ko. Agad ko itong kinuha at sinagot. Nagsenyas ako na mauna na akong umalis. Hindi ko na hinintay ang response niya. Tinalikuran ko na siya at tuluyan ko na siyang iniwan.
TheKnightQueen 🍀