抖阴社区

Taming The Mother of My Twins...

By TheKnightQueen

943K 14K 1.1K

Bago pa masabi ni Senna na siya ay nagdadalang-tao sa kaniyang nobyo ay naunahan na siya nito sa pakikipaghiw... More

Chapter #1
Chapter #2
Chapter #3
Chapter #4
Chapter #5
Chapter #6
Chapter #7
Chapter #8
Chapter #9
Chapter #10
Chapter #11
Chapter #12
Chapter #14
Chapter #15
Chapter #16
Chapter #17
Chapter #18
Chapter #19
Chapter #20
Chapter #21
Chapter #22
Chapter #23
Chapter #24
Chapter #25
Chapter #26
Chapter #27
Chapter #28
Chapter #29
Chapter #30
Chapter #31
Chapter #32
Chapter #33
Chapter #34
Chapter #35
Chapter #36
Chapter #37
Chapter #38
LAST CHAPTER
EPILOGUE
Pasasalamat ni Author

Chapter #13

23.6K 374 20
By TheKnightQueen


Senna's P.O.V

Marahan kong isinara ang pinto pagkapasok ko. Maingat din ang pagkakahakbang ko patungo sa kama namin habang dala ko ang isang tray kung saan nasa ibabaw nito ang dalawang glass of milk ng kambal ko.

Napangiti naman ako dahil agad na isinara ng kambal ang kanilang binabasang libro at sabay itong itinabi.

"Thank you, mommy/mom!" sabay na pasalamat nila pagkatapos nilang makuha ang kanilang sariling glass of milk.

Nakangiting pinapanood ko sila habang inuubos nila ang laman ng kanilang hawak na baso.

Ang naunang makaubos ay si Zayan. Ibinigay niya sa akin ang kaniyang baso, pagkatapos ay nagpasalamat siya ulit. Hindi nagtagal ay ganoon din ang ginawa ni Sayner. Pareho silang binigyan ng tissue saka sabay na inilapag ko sa ibabaw ng tray ang dalawang baso.

Sandali ko itong itinabi at humarap sa mga anak ko.

"Can we talk?" I asked politely.

"Of course, mommy!" Sayner quickly replied.

Sumampa at tumungo ako sa ibabaw, sa gitnang parte ng kama. Sabay na umayos ng upo sa tapat ko and kambal.

"What are we going to talk about, mom?" Zayan asked.

Ngumiti ako sa kanilang dalawa. Sabay na kinuha ko ang kanilang tig-isang kamay.

"Alam natin na ilang weeks na lang is pasukan ni'yo na ulit." panimula ko.

Sabay silang tumango bilang tugon.

"That's why gusto ko sanang malaman at itanong kung homeschool pa rin ba ang gusto ni'yo, or gusto ni'yo ng pumasok sa real school?" saad ko,

Sabay na nakalingonan ang dalawa sa isa't isa.

"Whatever you want. Whatever your decisions, I'll accept and respect that." pahabol ko.

Tumingin muli sa akin ang dalawa.

"Honestly, mom, we would like you to talk about it too." Zayan politely stated.

"Kuya and I talked about it, and we both decided to enroll in a real school this time." sambit naman ni Sayner.

Nagulat naman ako sa sinabi ni Sayner.

"Really?" hindi makapaniwalang saad ko.

Nakaramdam ako ng excitement for the both of them. Finally! They decided to go outside.

"We got a list na nga po ng mga elementary school na magandang pasukan." patuloy na sambit ni Sayner.

Binitiwan ko ang kamay ni Sayner dahil mukhang mayr'on siyang kukunin.

"Be careful," mahinang paalala ko kay Sayner habang bumaba siya ng kama.

Mabilis siyang tumungo sa kaniyang study table at kinuha ang kaniyang Ipad, pagkatapos ay bumalik kaagad siya sa inuupuan niya sabay lahad sa akin ng kan'yang Ipad. Kinuha ko naman ito tiningnan.

"Noble Sky Elementary School?" basa ko sa nakalagay na school name.

I slide the screen pakaliwa. A picture of the school appeared.

"Iyan po ang school na napili po namin ni Kuya. That school is the best on the list. They teach well there." Sayner explained.

Nagpatuloy ako sa pag-slides ng mga pictures. Malawak at maganda ang school. Sa lawak nga nito ay parang hindi maliliit na bata ang papasok sa paaralan.

Sinuri kong mabuti ang nasa picture.

Malinis nang mabuti ang kanilang cafeteria. Maayos din ang kanilang mga classrooms.

"The one that you are looking at, mommy, is just for grade one and grade two buildings." Rinig kong sambit pa ni Sayner.

"Mayr'on po silang three buildings, and each of them has two grade levels. Kuya and I checked everything about the school, and honestly, we both like the school." Sayner added.

Totoo nga ang sinabi ni Sayner. Magkasama ang grade three and four sa isang building, habang grade five and six naman sa isa pang building.

Maraming students ang Noble Sky Elementary School. Agad akong tumungo sa iba pang information ng paaralan. Lihim na nakahinga naman ako dahil kaya ko naman ang tuition fee. Napaghandaan ko na rin naman ang bagay na ito.

"But there's a problem." Rinig kong wika ni Zayan na nakakuha ng atensiyon ko.

Dumako ang tingin ko sa kaniya.

"What is it?" kunot-noong tanong ko.

"It's about the owner of the school." seryosong patuloy ni Zayan.

Mas naguluhan naman ako sa kaniyang sinabi. Dumako rin ang tingin ko kay Sayner na naging tahimik at hinahayaang magsalita ang Kuya niya. Marahang tumango sa akin si Sayner.

Medyo kinabahan naman ako kasi sa kanilang dalawa. Kapag sa seryosong bagay, nakatuka iyon kay Zayan. Tahimik ang anak kong si Zayan pero kapag siya nagsalita, direct to the point.

At kapag siya ay nagsalita, tahimik namang nakikinig lamang si Sayner sa Kuya niya.

Yes, Sayner is a talkative, sometimes makulit but honest child, and Zayan is the opposite of him. Zayaner is a cold, silent and prank child.

"What's wrong with the owner?" takang saad ko naman.

"The owner is him." seryosong sagot sa akin ni Zayan.

"Zayaner Tuarez," he continued.

Nagulat ako sa kaniyang sinabi.

Like what the! Nagpatayo rin ng isang paaralan si Zayaner?

"Are you sure?" paniniguro ko.

"Yes, mommy." Kay Sayner naman ako bumaling.

"He is the owner of the school, and he built it six years ago. Dahil sa ganda ng turo ng mga teachers sa paaralan ay nakilala ito at naging sikat hanggang sa naging number one elementary school in nationwide, then and now." Sayner explained again.

"We honestly like the school, mommy. But the owner is our father." naging malungkot ang boses ng anak ko.

Naging malambot naman ang ekspresiyon ko. I knew it. Kusa silang umiiwas sa kanilang ama.

"At ano naman ang problema kung ang may-ari ng paaralan ay ang iyong ama?" mahinahong sambit ko.

Hindi kaagad nakasagot ang kambal ko.

"Don't tell me na ang dahilan ng kagustuhan ni'yong mag-homeschool ay dahil sa inyong ama." pagdududa ko.

"Definitely not, mommy!" mabilis pa sa segundong sabay na sagot nilang dalawa.

Binigyan ko sila ng hindi ako kombinsidong look.

"Masiyado pong mainit sa labas kaya ayoko pong lumabas." mabilis na paliwanag ni Sayner.

"You know me, mom. I am not a social person." mabilis din na segunda ni Zayan.

Namana sa akin ni Zayan ang pagiging ayaw sa maingay at crowded na lugar. Mas gusto niya sa tahimik lamang. Kaya lang kung minsan, hindi siya nagkakaroon ng tahimik na lugar dahil minsan hindi siya tinitigilan ng kaniyang kapatid.

Pero nakikita ko naman kong bakit iyon ginagawa ni Sayner. Gusto lang na maglambing ni Sayner sa Kuya niya bagay na naiintindihan naman ni Zayan.

Opposite man sa personality ang dalawa pero nauunawaan nila ang isa't isa. Alam nila ang limitations na mayr'on sila sa isa't isa. I even noticed how they understand and love each other.

Ngumiti na ako sa kanila. Mahinang natawa pa nga ako kasi nakita ko sa mga mukha nila ang kaba habang nakatingin sa akin.

"Listen, mga anak ko." Siguro oras na rin para muling ipaalala sa kanila ang tungkol sa kanilang ama.

Ayokong magtanim sila ng galit kay Zayaner.

"Sobrang nagpapasalamat ako dahil sa edad na mayr'on kayo ngayon ay nauunawaan ni'yo ang situation na mayr'on kami ng iyong ama." Simula ko.

"Pero lagi ni'yong tatandaan na anuman ang nangyari sa amin ng iyong ama ay labas kayo roon. Walang kaso sa akin kahit pa magkita-kita kayo. Hindi ko rin naman kayo tinatago sa kaniya." dagdag ko.

"Alam ni'yo namang ayokong magtanim kayo ng galit sa kaniya, 'di ba?" dagdag ko pa.

Mabilis silang tumango sa akin na ikinangiti ko naman.

"Mom," tawag sa akin ng panganay ko.

Tumingin naman ako sa kaniya.

"I know you want us to give me and Sayner a complete family." he stated.

"And we are aware that it impossible to happen." Naging malambot ang puso ko sa narinig ko mula sa aking anak.

"I'm sorry," hingi kong tawad sa kanila.

Hindi ko napigilang hindi tumulo ang mga luha ko.

"You don't have to do that, mom." sambit ni Zayan habang marahan niyang pinunasan ang mga luha ko.

"We don't need a complete family because we never felt that we were not a complete family." Zayan added.

"Kuya is right, mom. Kailanman ay hindi namin naramdaman na may kulang sa atin, na hindi tayo complete family. Aanhin naman po namin ang complete family na katulad ng iba kung hindi naman po maganda ang samahan ng bawat isa." mahabang payahag bi Sayner.

"In fact, kahit hindi po namin kasama si Dad, ang malaman po na mayr'on po kaming ama ay sapat na." Mas lalo akong naluha sa kaniyang sinabi.

Ang suwerte-suwerte ko naman sa mga batang 'to.

"We both know that you are scared for us, mom." muling saad ni Zayan.

"We might not know what will happen in the future, but one thing that we are sure about,"  Tumingin si Zayan sa kapatid niya.

Nakita ko ang malawak na pagngiti ni Sayner.

"Whatever happen, hindi ka po namin ipagpapalit sa kahit na sino. We are always be by your side, and we'll protect you no matter what." Sayner seriously stated.

"You will always be our mother and father, and no one can change that. We will always love you because you are our favorite queen." Zayan stated too.

Hindi maawat ang aking luha sa kakaiyak. What did I do to deserve this two little angel in front me.

"And I will always love you. Both of you are my life. I can't live without the both of you." saad ko sabay yakap sa kanila.

"Hala ka, Kuya. Pina-iyak mo si mommy." Biglang saad ni Sayner , tila pinapababa niya ang kadramahan ko.

Kaagad akong binigyan ni Sayner ng tissue na kinuha ko naman agad saka pinunas sa mga luha ko.

My gosh! Mas iyakin pa ako sa mga anak ko.

Hindi naman nagtagal ay tumila na ang mga luha ko. Muli akong humarap sa kanila.

"Alright! So our decision for your upcoming school year was that I was going to enroll you at Noble Sky Elementary School." I declared as we go back to our first topic.

Nakangiting tumango ang dalawa.

"And we approved that." biglang wika ni Sayner sabay taas pa ng kaniyang kanang kamay.

TheKnightQueen 🍀

Continue Reading

You'll Also Like

124K 3.2K 73
Makabagong pagmamahalan sa makabagong panahon. This is a 31st Century Love Story where everything has changed. Mula sa paligid, sa mga tao, at halos...
137K 1.6K 59
Gusto lang naman niyang magkaroon ng simple at malayang buhay. Labas sa karangyaan at pangalan ng pamilya niya kasi pakiramdam niya ay nakakulong siy...
103K 2.3K 42
Matagal nang nakapag-move on si Swan kay Kyle. Two years na nga, in fact! Kaya kahit na mas lalo itong gumuwapong tingnan ngayon dahil sa suot nitong...
282K 11.4K 39
Laking mahirap si Rhett samantalang laking mayaman naman si Zaid. Sa hindi inaasahang pagkakataon, minahal nila ang isa't isa-kahit na bawal-kahit na...