"o niel anong nangyare sa kamay mo?"
"po? ah nahulog po ako sa kama..."
"bah! ang lakas naman ata ng pagkakabagsak mo't nagkaganyan!!"
"haha ou nga po"
un lang ang nasagot ko sa nanay ko matapos niyang mapansin ang bali kong braso
siguro nga malakas ang pagkabagsak ko mula sa punong malapit sa bintana ni jaja....
sa tuwing naaalala ko ang nangyare halos mapakamot ako sa ulo ko...hindi ko alam kung ano na mangyayare....bakit ko ba naman kasi ginawa yun?? siguro ito na ang katapusan ng pagkakaibigan namin....ou....magkakailangan na...mas malala....baka hindi na kami mag usap nun.....hala...baka kulitin pa ako ni nanay....lagot.....hindi ko alam ang gagawin ko,,,,,....
"nay sige po aalis na po ako"
"ah...hindi mo ba kasama si jaja?? me practice ba kayo ngayon??"
"ah opo...geh po alis na po ako.."
"geh ingat ka"
JAJA POV
grabe buong gabi ata akong hindi nakatulog
anong nangyare
ano na mangyayare???
hindi ko alam kung ano sasabihin ko
kung paano siya kakausapin
ah!!!
uuna na lang ako pumasok
masaya akong lumabas ng bahay syempre hindi na ako mamomoblema
nakangiti pa akong naglalakad e
pero pagtungo ko
siya na agad ang nakita ko
hala
pano na?
NIEL POV
hindi ko man lang inasahan na makikita ko pa rin sa kabila ng pag iwas ko
nakangiti pa siya noong nakita kami
hindi ko alam kung bakit
pero nahihiya talaga ako sa kanya
sa buong buhay na magkasama kami ngayon ko lang naramdaman to
JAJA POV
sinasabi na nga ba eh
ano na?! hala ang hirap naman pag nandito sa situasyon na to...hindi naman pedeng iwasan ko
pero hindi rin tamang palabasin na nagustuhan ko ung nangyare kagabi
babae ako ang landi ko naman
pero siguro nga ganito talga sa simula
pero hindi rin maiiwasan ang magnet na nagdidikit sa ming dalawa....
mukang hinintay pa niya akong makatapat sa kanilang bahay
ako namang si tunggek eh tumigil sa tapat niya humarap
pero mukang ito na ang tamang panahon para pag usapan yun
lalong walang mangyayare kung hindi namin mapag uusapan kung ano na nga
"aga mo ata" sabi niya...
"hehe napaaga ng gising e...kaw?"
"ganon din...."
yun lang ang napag usapan..... ano ba yan?! sabi ko ito na ang oras para pag usapan eh pero bakit ala sa ming dalawa ang nag sisimulang buksan ang topic na yun
nararamdaman ko na ang lumalaking pader sa pagitan naming dalawa .....wala man lang kwento wala man lang asaran wala wala!!
asar talaga!! hanggang kelan kami magiging ganito??
nakarating kami sa skul nang ganoon wala as in wala lang.... pero kinabahan ako buong byahe....hindi ko alam ang gagawin....nagkukunwari nga akong tulog sa bus eh.... siya naman nagbabasa lang ng kung ano man yun....pero wala pa rin talaga
pero napansin ko ung braso niya mukang bali
kanina pa kasi niya inaangat angat mukang hirap na hirap siya sa kalagayan niya ...gusto ko sana alalayan kaso naiiilang talaga ako .... mahirap pala talga pag nagsimula na ang ganito sa pagitan ng dalawang magkaibigan........
NIEL POV
shit!! ano na gagawin ko??
kung tutuusin kanina pa siyang nagkukunwaring matulog ako naman kanina pa din nagkukunwaring nagbabasa
nagkakailangan na kami pero hindi din naman namin kayang iwasan ang isa't isa
mahal ko nga siya pero hindi ko alam pero natotorpe na naman ako
gusto ko siyang isandal sa balikat ko pero mula noon nahihiya na ako tsk kabado din ako dahil kami lang talga ang magkatabi sa upuan...syempre 2 seats ang bus e....pero ewan kahit madami pa namang ibang upuan ba't sa tabi pa rin niya ako umupo
pero mas mamawis ako ng balde balde nang may lumapit na nag aalok ng pagkain
"tutoy bili ka na!"
"geh po busog pa po"
"sige na tutoy kahit ibili mo na lang yang gf mo"
".........ehem.....ano po.....hindi na lang po...."
"sigurado ka? ineng sige na ililibre ka naman ng bf mo e"
"po?? ahhhh....psensya na po busog pa po ako hehe"
ang kulit din ng magtitindang yun a!
pero mas narealize ko mas nakakailang na nga ito kesa dati
before parang wala lang kung pagkakamalan kami ngayon halos hindi na kami makapagsalita
ang dali naman itanggi e
pero ewan hindi talga makaimik e
JAJA POV
nakarating kami ng skul nang ganon lang pero kahit halos sagad sa buto ang ilang na nararamdaman namin, hindi pa rin niya ako iniwan .....inihatid pa rin niya ako sa rum.....
pero bago siya umalis....
ibinalabal niya sa kin ang kanyang jacket....
"kanina ka pa singhot nang singhot sa bus eh...baka siponin ka kung magbababad sa aircon....napakahina pa naman ng katawan mo..."
dahan dahan niyang inilagay sa kin ang jacket......
parang ang bagal bagal ng oras nun.....parang hindi gumalaw ang mga tao....parang kami nga lang nun.....hindi ko maipaliwanag ang pakiramdam ....parang sasabog ako sa sobrang pula at kaba........
pero sa hindi inaasahan.....bigla na lang niya ako hinalikan sa noo....nabigla din ako....pero siya mabilis din niya inilayo sa s=kin ang muka niya lumingon agad sa malayo sabay takip ng bibig.......tas tumalikod na.......
samantalang ako....
eto tulala nung pumasok sa rum
hawak hawak ang noo.....
parang namatay na ako pero humihinga pa rin.......
pag pasok ko saka ko na lang nalaman na pinapanoon pala kami ng mga kaklase ko mula sa loob kaya naman kilig na kilig sila
halos hampasin na ko ni angelica
ako naman hawak hawak ang pisngi at pilit iminantataklob ang jacket na ibinigay niya...nakakahiya pero ang saya sa pakiramdam.............
......
......
...
.....
..
mula noon....
nagsimula na akong magtanong sa sarili ko......
ano na nga ba kami ngayon???
magbest friend pa rin ba o hindi na????
~~~~~~~~~
hehehe
ang weird ng chapter na to