Pinagmamasdan ni Venice ang kanyang iniinom, habang nakaupo sa biranda ng isang five restaurant; mag-iisang oras na lumipas nang matapos ang kanyang pakikipagpulong sa tumawag sakanya noong nakaraang araw. Hindi pa din mawala sakanyang isipan ang mga sinabi nito sakanya, malungkot ang kanyang mga mata at tila nagpipigil ng kanyang luha. Tumingin siya sakanyang gilid noong may nag abot sakanya isang puting panyo.
Nagulat pa siya nang marealize Niya kung sino ang nasa gilid niya ngayon, Clarabelle was there giving her the handkerchief she hesitantly take it then thanking her old friend. Nakangiti lang ito sakanya, napansin niya nakasuot itong above the knee na pulang dress nakaayos din ito at tila may hinihintay. Pasilip-silip kase ito sakanyang likuran, Venice was about to open her mouth to say something but she got interrupted by her.
"I saw you while I was heading inside the restaurant, it seems you are upset about something. Whatever you are feeling, you can let that out and I'm willing to listen to you" Clarabelle said while looking at the sky.
Venice simply look at her, mesmerized by her beauty even all those years have passed Clarabelle still remain beautiful in her eyes. She is still that kind old friend she had back in the Monterlert, na-divert ang atensyon nilang dalawa noong may tumawag sa pangalan ni Clarabelle.
Nanlaki ang mga mata ni Venice noong makilala kung sino ang pumanta sa biranda, tinignan siya nito ng mapahiwatig. Sinalubong ni Clarabelle si Deviola nang halik sa pisngi, hindi napansin na nasa iba ang atensyon nito. Ilang saglit pa ay umiwas ang tingin nito kay Venice at pinagbalingan si Clarabelle na nagsisimula na mag rant dahil matagal ito naghintay sakanya.
"You are an hour late, what took you so long?" Clarabelle said while hitting Deviola on his shoulder, hindi manlang nag flinch ito nakatingin lang sakanya ito habang inaayos ang nagulo niyang buhok dahil sa malakas na hangin sa biranda.
"Sorry for making you wait. An emergency happened, but it's all under control for now. Shall we? I know you are hungry, I need to make sure you are well fed before I go" Deviola said while caressing her face, agad naman napahinto si Clarabelle noong marinig ang huli nitong sinabi. Magtatanong pa lang siya kung ano ibig sabihin nito, pero niyakap lang siya nito at tyaka niya narealize ano ang kanyang ibig sabihin.
"Is she okay?" Clarabelle asked while returning the hug, she felt his mood is significantly different from their previous meetings and sa recent phonecall nilang dalawa.
Nakilala na ni Clarabelle ang kambal noong mag-usap sila ni Deviola via video call bago ito lumipad pabalik ng Pilipinas at naramdaman niya din awkward ang mga ito sakanya, pero kahit ganon ang naging treatment sakanya interested pa din siya makita ito personally. Deviola only let out a sigh as he shook his head, she can also feel na nagpipigil lang ito ng luha.
Talagang mahal na mahal nito ang kanyang mga anak sa isip-isip nito. Venice eyes went wide after hearing what Deviola just said. Deviola is the father of Clarabelle's daughters? Is that the reason why Gregory wanted to kill her friend?, That's the question running inside her head. She almost loose a grip on her wineglass after hearing a scandalous news, who wouldn't be surprise on it.
She can feel Deviola eyes on her, Venice look at him as well familiarizing herself on his face. It's a rare occasion to see what he really look like, she can also tell he is surprise to see her here. Deviola mouthed to wait for him, she nodded her head and watch them to walk away from where she was. She let out a sigh and look at the sky while taking a sip of her wine, while trying to comprehend all the information she just learned.
*Franchesca's POV*
Kahit may bonfire, hindi pa din napapawi panlalamig ko. Napatingin ako kay Deviola na nakatingin lang sa baga ng apoy at halata sakanya malalim ang kanyang iniisip. Clarabelle, parang narinig ko na ang pangalan na yon pero I'm not really sure kung saan ko nadinig yon. Napatingin ako sa labas ng kweba salakas pa lang nang buhos ng ulan parang hindi hihinto shuta, kailangan ko na magpalit ng damit kung hindi magkakasakit ako. Nakatakip ng braso ko yung dibdib ko ngayon kase naging see through yung suot ko dahil nabasa ng ulan. Mahirap na kahit tatay ko siya sa panahon namin, hindi naman niya ako kilala ngayon.
Umihip ang malamig na hangin dahilan para mapabahing ako, naramdaman ko napatingin saakin si Deviola. Hinawakan ko ang ilong ko para sana punasan yung tumulo sa ilong ko pero nagulat ako na imbis mucus ang makita ko; dugo ang nasa daliri ko inaangat ko sana ang aking ulo pero naramdaman ko na may humawak sa noo ko nagtama ang mga mata namin ni Deviola, iniyuko niya ako at tyaka umupo sa tabi ko.
"Leaning your head upwards will only make your nosebleed worse, there is also a higher chance your blood will get in your lungs; we don't want that to happen, right?" Saad nito at napatango naman ako sakanyang sinabi. P*ta kung ganito lagi boses ni Deviola sa panahon namin edi sana diko na siya minamalditahan.
Pinich niya din nang bahagya ang malabot na bahagi ng aking ilong habang nakayuko ako, nakatingin lang ako sa mukha niya derterminado siya mawala yung nosebleed ko. Nasa isip kaya niya ngayon baka pagbintangan siya ng makakita saamin dito kapag nakita akong patay kasama siya?, Ilang saglit pa tumigil na yung pagdurugo ng aking ilong binigay saakin ni Deviola yung scarf na suot niya, nag thank you ako at tyaka pinunasan yung dugo saaking ilong. Agad ako napaisip dahil sa ginawa niya, hindi ba dapat sa panahon na'to wala silang alam sa proper way ng first aid. Paano niya nalaman ang right way sulusyunan yung nosebleed?, Nakatingin lang ako sa mga mata niya na pinagmamasdan ako.
"Why you are staring at me like that?" Tanong ko dahil kanina ko pa siya nahuhuli nakatingin saakin.
Hindi manlang nagbago ang kanyang expression, usually kapag may kinkompronta ako lagi sila nagugulat at agad dinedeny ang accusation ko pero etong si Deviola mas lalo lang ako tinignan dahilan para mailang ako. Ako na mismo umiwas ng tingin at tyaka napatingin na lang ako sa labas ng kweba, narinig ko natawa siya bigla dahilan para mapatingin ako muli sakanya unang beses ko nakita yung genuine laugh niya. Noong nasa Switzerland kami genuine din naman yon pero medyo stiff pa din siya kahit nagsasaya kaming tatlo nila Francesca; pero ang Deviola na nasa panahon na ito ay marunong pa magsaya kumpara yung nasa panahon ko.
He patted my head then went back on his previous seat earlier, shuta ha bakit bigla ako nakaramdam ng pag-iinit ng mukha? Ganito ba feeling kapag close kayo ng tatay mo? Yung nasa panahon ko kase napaka weird kaya lagi ako lumalayo pero yung kapatid ko naman amp*ta kulang na lang magpalit sila ng mukha dahil sa sobrang clingy ni g*go. Ilang saglit lang nakaramdam ako ng antok, pinipilit ko pa labanan yung antok pero kusa na pumipikit ang mga mata ko. Napasandal ako sa bato saaking likod, at bumulong saaking sarili na iidlip lang ako aba mahirap na ah baka kung ano gawin saakin ni Deviola kapag binaba ko guard ko.
*Third Person POV*
Deviola noticed Franchesca had fallen asleep, he walk towards her and fix the hair that had fallen on her face, he can see a resemblance between Franchesca and Clarabelle. The only difference between them is her hair and their personality, this girl act more liberated than Clarabelle who is well reserve. Napansin niya din uncomfortable ang posture nito, agad siya tumabi dito at isinandal ang ulo nito sakanyang balikat inayos din niya ang coat niya na nakalagay sa likuran nito; inilagay niya yon sa harapan para magsilbing bilang kumot ng dalaga nakayakap din siya dito at tyaka siya pumikit. Tansya na magdamag ang magiging pag-ulan minabuti na magpalipas sila sa loob ng kweba for sure naman hahanapin naman siya ng kanyang mga tauhan kapag sumikat na ang araw, at tumila na din ang pag-ulan.
Naalimpungatan si Franchesca noong may naririnig siyang faint na boses na tumatawag sa isang pangalan, binuksan niya ang kanyang mga mata at napansin na wala sa harapan niya si Deviola. Agad siya nagtaka dito at napaisip na hypocrite ang kanyang ama dahil nagawa siya iwan nito despite sa sinabi nito kagabi na ayaw nito may mangyari masama sakanya kapag nanatili siya sa gubat mag-isa. Ilang saglit lang ay naramdaman ni Franchesca na tila may naka yakap sakanya at yung ulo niya ay nakahiga sa malambot na bagay napatingin siya sa gilid niya; muntikan pa siya mapasigaw dahil napagtanto niya na sobrang lapit ni Deviola sakanya. Hindi niya napansin na nagising ito, nakasandal pa din siya sa balikat nito habang nag-iisip siya ng mga ways na umalis sa pagkakayakap nito na hindi nadidisturb ang pagtulog nito. Narinig niya tumikhim ito dahilan para mapasigaw siya.
"Ay gwapo!" agad napatakip ng bibig si Franchesca at tyaka napatingin sa nakakunot noong Deviola, inalis nito ang pagkakayakap niya kay Franchesca at tyaka inalis din ang pagkakaunan sakanyang balikat.
Tinignan niya lang si Franchesca na nakatakip pa din ang bibig habang pinagmamasdan siya, he heard that word before way back when he was traveling in the Philippines. Naririnig niya mga salita na yon habang naglalakad siya sa kalsada kasama ang kanyang mga amigo, magsasalita pa lang siya pero inunahan siya ni Franchesca he can only understand a few words sa ranting na ginagawa nito.
"Teka ha?! wag ka mag assume na sinasabihan kitang gwapo, oo gwapo ka naman talaga kung hindi ko lang talaga alam na tatay kita baka mistakenly nakipag landian ako sayo. Ano ba to pinagsasabi ko ngayon, shuta ka babaita kung ano-ano na agad iniisip mo" nakahawak pa to sakanyang ulo habang nakatingin sa ibaba, namumula din ang dalawang pisngi nito.
He tilted his head on the side at tyaka lumapit kay Franchesca na distress pa din hanggang ngayon, he saw something na nasa balikat nito at dahil distracted ito hindi na napansin na may nasa balikat niya. She didn't notice na malapit ang mukha nito sakanya. Nag assume agad siya na balak nitong halikan siya noong napagtanto niya na sobrang lapit ng mukha nito sakanya, nagpumiglas si Franchesca na nagresulta pagka out of balance nilang dalawa. Titili pa lang siya pero agad tinakpan nito ang kanyang bibig at kinuha ang gumagapang na gagamba sakanyang balikat. Hindi nila napansin na may ibang tao na pumasok sa kweba, hinahanap si Deviola and from that angle akala ng mga to ay gumagawa silang dalawa ng milagro.
Napansin lang ni Deviola may ibang tao nang marinig ang tibok ng puso nila, napatingin siya sa mga to na agad umiwas ng tingin sakanya. He looked at Franchesca na nakahiga sa sahig habang siya ay nakapatong dito agad siya tumikhim at tinanggal ang kanyang kamay sa bibig nito. Nag-gigilid ang luha nito dahil sa tindi ng takot, agad siya tumayo at pinagpaggan ang kanyang sarili at tinayo si Franchesca na nanginginig pa din sa takot hanggang ngayon. Tumingin siya sa kanyang mga tauhan na hanggang ngayon ay umiiwas ng tingin sakanya, nang marinig siya tumikhim agad naman sumaludo ang mga to sakanya at Isa-isa nagsalita tinatanong kung kumusta ang kanyang kalagayan. Nang malaman na ayos lang silang dalawa, agad sila naglabasan sa kweba nakasunod lang sakanila si Deviola. Napansin ni Deviola na tulala si Franchesca at talagang natakot kanina sa nangyari sakanila he wonder if muntikan ba may mangyari kay Franchesca na masama dahil halatang sobrang natakot ito sakanya kanina.
Hawak-hawak niya ang kamay nito habang nakasunod silang dalawa sa mga tauhan niya, na halata nagpipigil magtanong sakanya. Naglalakad sila papunta sa karwahe, nakatingin pa din si Franchesca sa paanan nila at pinupunasan ang mga luha nito. Deviola keep stealing glance on her, at hindi yon napansin ni Franchesca dahil clouded ang thoughts niya ngayon. Iniisip niya ngayon paano siya makaalis sa panahon na'to wala si Francesca sa tabi niya para ibalance ang kanyang kapangyarihan at lalo na hindi niya pwede sabihin kay Deviola sa panahon na'to na taga ibang panahon siya dahil pagkakamalan lang siyang baliw nito. Ilang saglit pa ay narating na nila ang bungad ng kweba, nakita na din nila ang karwahe Franchesca look at it and saw someone familiar. Kumunot ang kanyang noo nang mamukhaan ang kutsero.
"Jennifer's father?" Bulong niya dahilan para mapatingin sakanya si Deviola, dahil sa pagkakaalam nito nasa propesiya pa lang ang pangalan na yon.
"You can see the future?" Saad nito dahilan para mapatingin siya kay Deviola na masama ang tingin sakanya, humigpit ang pagkakahawak nito sakanyang wrist.
Agad siya hinila nito pasakay ng karwahe, pinaalis pa ni Deviola si Scythe dahilan para kumunot ang noo nito magtatanong pa lang siya pero agad siya nito inilipat sa isang carriage na dala nila noong susunduin nila si Deviola. Tinignan lang nila na nagmamadali ito umalis kasama si Franchesca na nag-aalala sa magiging resulta ng pagiging careless niya, she knows Deviola despise the ministry and the only monster who can see the future in their world is the sorceress. Huminto sila sa secluded place kung saan hindi sila makikita ng mga tauhan nito, hinila siya nito pababa at ibinalibag sa may puno napangiwi siya sa sakit. Sa isip-isip niya ngayon paano siya magpipigil ng galit kapag nakabalik na siya sa totoo niyang panahon, aba hindi siya papayag na kawawain ni Deviola tapos hindi siya makakaganti mali yon. Magsasalita sana siya pero tinakpan nito ang kanyang bibig habang pinapanood nila ang lumagpas na karwahe na sakay ang mga tauhan nito. Nang makalagpas ito, nagtinginan silang dalawa, kitang-kita nito sa mga mata ang matinding galit at pandidiri sakanya.
Tinanggal nito ang kamay sakanyang bibig, Franchesca still looking at him gusto niya na sabihin na taga-future siya para naman irespeto siya nito. Pero naalala niya bigla ang sinabi sakanya ng Deviola nang kasalukuyan.
"Beware Franchesca once they know who you are and where you come from, there is a possibility you will unleash the people of that past and bring them here in our present timeline. Time is precious thing not only for us Monterlertnaigo but also to people of this world" nakangiti pa ito sakanya habang tinutulungan siyang i-practice ang time traveling niya.
"What are you thinking?" Tanong ni Deviola sakanya dahilan para matigil ang reminiscing niya ng memory na yon.
Umiiling-iling siya at muli sila nagtinginan ni Deviola na hanggang ngayon masama pa din tingin sakanya, medyo nawala yung pandidiri. Bubukas pa lang sana ang kanyang bibig para magpliwanag sa nangyari kanina, pero tinaas nito ang kanyang kanan kamay para huminto siya sakanyang sasabihin. Palihim niya sinamaan ito ng tingin dahil naiinis na siya sa ugali nito, kung siguro buhay siya nung panahon na'to baka sinakal niya na si Deviola dahil sa ginagawa nito sakanya. Hindi na siya nakapag-pigil tinignan niya ito ng masama, dahilan para maagaw nito ang atensyon nito.
Lumapit siya dito at tyaka ito sinampal, nanlaki ang mata nito sakanyang ginawa bubuka pa lang ang bibig nito para balaan siya pero sinampal niya ulit ito at tyaka nagsalita.
""I'm trying so hard to stay civil with you, but your ego keeps ruining the bond that we have already built since the moment we shared that night in the cave. I find myself constantly trying to justify all of your actions by claiming that you are only acting that way because you have been through a lot of hardship." Franchesca said while wiping her own tears due to her frustration, isang araw at isang gabi pa lang itinatagal niya dito; pero dahil sa mga naransan niya feeling niya one week na siya trap sa panahon na'to.
"But I won't allow you to disregard my dignity as women; men and women are on equal footing. There is no such thing as a superior gender; in order for this society to function, both men and women are necessary." She said with a firm tone, if Deviola is only amused at her earlier for her bold movement slapping him across the face. Now, he is interested to get to know her this is the type of women he wanted. He won't bother to stop Clarabelle and Gregory's union now that he find his perfect match.
Narealize lang ni Franchesca ang kanyang ginawa matapos niya sabihin yon, nakatingin lang ito sakanya dahilan para mailang ulit siya. Mag so-sorry pa lang siya pero narinig niya tumawa ito, agad siya napatingin dito. Ayan na naman ang nakakalokong pagtawa nito, she really admire his laughter sa isip-isip niya kung palagi ganito ang Deviola sa panahon nila siguro makukumbinsi niya ito mamuhay na lang silang tatlo ng normal. Parang useless kase kung gaganti pa sila sa ministry, at isa pa mas maganda ang buhay nila kung mananatili sila sa mundo ng mga tao. Deviola look at her with a smile on his lips, she can't help but to be mesmerize by his beauty. Agad naman shinake ni Franchesca ang kanyang ulo dahil kung ano-ano na naman pumapasok sakanyang isipan, naramdaman niya din namumula ang dalawa niyang pisngi ngayon.
Hindi niya napansin na nakatingin sakanya si Deviola habang may mga ngiti sa labi, he is also admiring Franchesca's beauty. Nakahawak si Franchesca sakanyang ulo habang shinashake niya ito, magulo na din ang buhok niya pero in his own eyes all he can see is her perfection. Franchesca's truly get his attention, he is done loosing a lot of important people in his life. He won't let her go this time, he will do anything to keep her to his side even it will cause him his life. Deviola felt they are being watched, he looked at his back and saw a few mythical creatures hiding from him. He can tell they smelled her scent; their eyes are wide while their saliva pouring down their mouth all the way to the ground. The ghouls are waiting for them to be distracted; so that they can devour her body and soul. But too bad for them, Deviola won't let them get her or even near her; not when he is around.
Agad nagsisuguran ang mga ito sakanila, agad naman niyakap at hinarangan ni Deviola si Franchesca na nagulat sa biglang pagsulpot ng mga ghouls sakanila. Isa-isa ito inihanda ang mga nagtatalasang kuko at akmang susugatan si Deviola pero naparalisado ang mga to sa ere at hindi namalayan na nadukot na ni Deviola ang mga puso nila, pagkabagsak ng mga ito sa lupa napatingin si Franchesca sa kinaroroonan ni Deviola hawak-hawak ang mga tumitibok na puso ng mga halimaw. Nagsmirk ito at pinanood niya paano to dinurog, Franchesca look at him horrified not because he just brutally murdered a monster in front of her but to think she didn't even catch how he slice their throat, or how he even decapitated some of their heads. The only action she saw is how he easily abducted their hearts without even letting them comprehend on what just happened.
He walk towards her and immediately check if she get injured, when he saw there is no single scratch on her body. He immediately pulled her in a tight hug, nanlaki lang ang mga mata niya dahil sa ginawa nito. Naramdaman na naman niya ang pamumula ng kanyang pisngi, at feeling niya din matatae siya. Gusto na lang niya umuwi, naloloka na siya sa ugali ng Deviola dito.