"Go on a date with me." He said.
What? Is he serious? Ugh. He's crazy.
I immediately turned to him, scowling.
"Are you crazy?!"
"Nope. I'm just helping you, Sab." He said while smiling.
Oh, that smile. I haven't seen that in years.
I shook my head, lightly in disbelief. What am I thinking? Focus, Sabrina.
"How is that going to help?" I don't like where this is going.
"In any way it can. I just want you to forget everything that happened, back then. I want you to smile again and be happy." I hate this. This.. This feeling.. My heart is beating like a drum and I can't seem to breathe.
Damn it, Andrew. Why are you doing this to me?
"I don't know. I can't risk getting hurt again, Andrew. I don't think this is a good idea." Why am I over thinking this? I should say, no. Right? I should... Right..?
"Sab, I know how hard this is for you.. But I just want to help. I'm still your friend and I'm really sorry." He's face is serious. I just can't find the sincerity in his voice. Maybe it's because of all the pain... I just don't see him as the same Andrew, that I met five years ago.
"I.. I'll think about it." His eyes met mine.
It's been so long... But I never moved on. I immediately let go of his gaze.
I just can't... Not yet..
"Great." He walked towards me but I immediately stepped back.
I saw how his expression changed.
"You do know that you don't have to do this right? It's not your responsibility.. And I'm not an important person. And for you to waste your time with someone, like me.. Well, that's just inconvenient." I saw his brow creased.
"I'm not wasting my time. Believe me. This will help." He pasued. "Think about it. Right now, I have to go. I'll see you, soon" I nodded in response.
He got into his car and drove off, leaving me here.. Confused.
How am I going to cope up with all these?
Hindi ba dapat iniiwasan mo siya, Sabrina? Bakit parang mas gusto mo pa atang mapalapit ulit, sakanya?
Hindi ko na alam ang gagawin ko. Gulong-gulo na naman ang isip ko.
Si Kate.. Tatawagan ko si Kate.
Agad kong kinuha ang cellphone ko at dinial ang number niya.
"Hello?"
"Kate, busy ka ba?"
"Sab! Omg, hindi. Bakit?" Ang kulit lang ah haha.
"Pwede ba tayong magkita? Lunch, maybe?"
"Hmm... Okay! See you at noon!"
"Okay, bye."
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
"He's back." Kumunot naman bigla ang noo niya. Halatang nakalimutan na niya.
Nandito kami ngayon sa Sbarro at naglalunch date.
"What..? What do you mean? Who's back?" Nakita ko ang expression ng mukha niya. Parang hindi niya alam ang tinutukoy ko.
Tinignan ko siya ng mata sa mata at doon ko nakita kung paano, unti-unting nag bago ang itsura o expression ng mukha niya.
"Y-You mean..." Naiwan naman sa ere ang tinidor niya dapat sana ay isusubo niya palang.
"Yes." Sabi ko at saka sumubo ng baked ziti na inorder ko.
"Pero.. Kailan pa?!" Nagkibit-balikat lang ako.
"Hindi ko alam. Basta three weeks ago nung una ko ulit siyang makita. Sumunod ay nung party.." Sabi ko.
"Party? Yung charity ball?" Halata sa boses niya na hindi siya makapaniwala. Pero sandali, hindi niya ba nakita si Andrew, nung gabing iyon?
"Hmm, oo. Tapos nung nagpa-surprise game si Ysabel ay hinalikan niya ako.. Yun din ang dahilan kung bakit nagkaroon ng gulo kagabi. Hindi ko naman alam na siya pala ang "most awaited date" ni Eunice. Hindi ko rin inexpect na makikita ko ulit siya.. At doon pa talaga." Napanganga na lang siya sa sinabi ko.
"Omg.. Hinalikan ka?! Bakit?!" Medyo napataas ang boses niya kaya agad kong tinakpan ang bibig niya.
"Ano ka ba naman, Kate! Hinaan mo nga yang boses mo, nakakahiya. At hindi ko alam kung bakit." Mahinang sabi ko.
"Tss. Kaya pala naging ganun na lang si Vince, kagabi. Tsk, tsk." Madiin kong kinagat ang labi ko.
"Tapos.. Nagkita ulit kami.. Kanina."
"Kanina?! As in kanina na ngayong araw na to?!" Tumango lang ako bilang sagot.
Alam kong medyo may pagka-OA tong si Kate pero kahit anong mangyari ay siya pa rin ang best friend ko. Tinuring ko na siyang parang kapatid. Simula ng mangyari ang lahat ng yon sa akin, ay nandyan siya sa tabi ko. Kahit anong pagdaanan ko ay handa niya akong damayan. Kaya, sakanya ko lang lahat nasasabi. Hindi ko rin naman kayang hindi sabihin sa kanya kasi pag tinago ko at sinarili ko lang to ay sasabog ang puso ko. Alam niya na din pag may problema ako.
Sa apat na taon naming magkasama ay sapat na para makilala namin ang isa't-isa. Sa totoo lang, hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala siya.
"Nag-usap ba kayo? Anong sabi niya? Anong sabi mo?" Simula naman ng mangyari yun ay hindi na kami nagkaroon ng matinong usapan.
"Tulad ng dati. Nagkakasagutan lang kami. Pero, may sinabi siya eh." Napabuntong hininga na lang ako.
"Ano?"
"Tutulungan niya daw akong kalimutan, lahat-lahat ng nangyari noon.."
"At paano naman niya gagawin yun?" Nagkibit-balikat lang ako.
"Tutulungan ka kamo? Sige nga, Sabrina, paano ka tutulungan makabangon ng taong mismong sumira sayo? Paano kung mas dumoble lang lahat ng nangyari noon?" Napabuntong hininga na lang siya. "Sabrina...Your first mistake was an accident and it served as a lesson. Your second one was a choice and you chose to make a mistake, again. And if you're going in again for the third time.. Well, that's just being stupid." Nakapako lang ang mga mata niya sa akin habang seryosong seryoso siya sa mga sinasabi niya.
Hindi na lang ako umimik dahil totoo lahat ng sinabi niya. Masakit man aminin, pero yun ang totoo.
Oo, alam ko namang napaka-tanga ko para ulit-ulitin yung isang pagkakamali na yun. Pero.. Ang pagkakamali ko lang naman doon ay... Yung nagmahal ako.
Nagmahal ako sa maling tao... Sa maling pagkakataon.
"Ngayon, sagutin mo ako. Paano ka niya tutulungan?" Napakagat-labi na lamang ako.
"M-Makipag date daw ako.." Mahinang sabi ko.
Here comes mommy Kate and her nagging skills.
"What?! At anong sabi mo?" Rinig na sa boses niya ang pagka-frustrate.
"I said, I'll think about it.. But I didn't say yes."
"My god, Sabrina! Saying "I'll think about it" means that there's a chance, at least 1% that you will agree to his proposition. You should've said no. Just a plain old, NO." Inemphasize niya pa yung huling "no" na sinabi niya.
Kahit ako, hindi ko alam kung bakit ko sinabing, pag iisipan ko. Pero hindi ko rin naman kasi kayang humindi... Mahirap ding tumanggi..
"Kate, please..."
"Okay, I'm sorry. Hindi mo maiaalis sa akin na wag maging ganito. Nakita mo naman siguro ang sarili mo five years ago, hindi ba? Ayokong mangyari yun ulit. Sab, ayokong makita kang nahihirapan ulit. Masakit din para sa akin yun." Medyo huminahon na ang boses niya.
"Alam ko, pero ang gusto ko lang naman ay tapusin na lahat ng to. Putulin na lahat ng nag-uugnay sa aming dalawa. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako nakaka-move on, Kate. Gusto ko ng harapin ang taong pinaka iniiwasan ko.. Ang kahinaan ko." Napabuntong-hininga na lamang ako. "Kate, I want you to trust me. Hayaan mo muna akong ayusin to. Malalaman ko naman pag hindi ko na kaya, tsaka nanjan ka naman diba? Kahit sa skype na lang ulit tayo mag-uusap dahil babalik ka na ng France. Trust me, Katie, okay?" I gave her my sweetest smile and she did the same.
"Kung yan ang gusto mo, pero pag may nangyari pa ulit ay hindi na ako magdadalawang isip na ipagulpi yan." Nagtawanan na lang kaming dalawa. "Pero ha, kapag kailangan mo ako, isang tawag lang. Ikaw parin ang sister ko from a different mother." Tumango na lang ako at saka siya niyakap.
Alam kong nag-aalala siya pero kailangan ko ng gawin to.
"Okay, masyado ng madrama. Haha, by the way, bukas na ang alis ko. Pinayagan lang ako ni mom, umuwi pero ang totoo napaka hectic ng schedule ko doon." Haay, buti pa siya, busy.
"At least nakakapag skype pa rin tayo kahit papano." Ngumiti lang siya at saka tumango.
Napakarami naming pinagusapan. Namasyal pa kami sa BGC dahil nga, aalis na siya bukas, ulit.
Kahit papaano medyo lumuwag ang pakiramdam ko ng masabi ko sa kanya, lahat. Kailan kaya matatapos lahat ng to?
Nandito na ako ngayon sa apartment ni Vince, kakaalis lang ni Kate, na siya mismong naghatid sa akin dito.
Mukhang wala pa si Vince. Dumiretso na ako sa kwarto ko at agad na humiga sa kama. Nakakapagod tong araw na to. Salamat naman at---
Napatigil ako sa pag-iisip ng biglang mag ring ang cellphone ko. Kinuha ko kaagad ito at tinignan kung sino ang tumatawag.
Unregistered phone number? Sino naman kaya to?
"Hello?"
"Hey, it's Andrew." Halos mabato ko na ang cellphone ko dahil sa sinabi ng nasa kabilang linya.
"A-Andrew?" This is shit.
"Yeah, hi Sab."
"S-Saan mo n-nakuha number ko?" Narinig ko siyang tumawa sa kabilang linya. Napakagat labi na lang ako. Ano ba naman tong lalaking to? Bakit ba siya ganyan?
"I have my resources. So, date tomorrow?" Resources? Anong resources ba pinagsasabi nito? At ano daw?
"Date? Tomorrow?"
"Yes. Remember?" Wala kang sinabing, bukas!
"You didn't say, tomorrow." Bakit ba ang ganda ng boses niya?
"Well, I'm free tomorrow and I assume that, you are too." I can feel that he's smiling, right now.
This is it.
"Fine, tomorrow."
"Really?"
"Yeah." Whatever.
"Great. I'll pick you up at 11:30. Maybe a lunch date?" Agad namang lumaki ang mga mata ko. Hindi niya ako pwedeng sunduin!
"Sure. No! I mean, you can't.."
"What? Why not?" Think, Sabrina. Think!
"I mean, sure about the lunch thing and no about picking me up, b-because it's messy. I-I'll just meet you at Seattle's best."
"Ohh. Alrighty then. See you there, Sab."
"Okay. See you. Bye." With that, I hanged up.
Shit! Di ko kaya to! Parang ayoko na ata! Wala pa nga, pero nagpapanic na ako! Paano pa kaya bukas?!
Tsk. Bakit ba ang bilis ng tibok ng puso ko? Daig ko pa nag jogging ah.
Umiling-iling na lang ako at saka humiga muli sa kama.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Nandito na ako ngayon sa Seattle's best at 11:30 na. So in a couple of minutes.. Nandito na siya.
Shit! Nagpapanic na ako! Hindi ko alam gagawin ko! Kahit kanina, hindi ko alam ang isusuot ko at inabot pa ako ng isang oras! Parang nagha-hyper ventilate ata ako!
"Sabrina."
"Shit!" Nandito na pala siya. Bigla-bigla na lang sumusulpot.
"Sorry kung nagulat kita pero mukhang ang lalim ng iniisip mo." Ayan na naman, naka-ngiti na naman siya. Tsk! Just stop smiling.
"Ahh, sorry. Gutom lang to." He chuckled, slightly then shook his head.
"Shall we go, then?" Tumango na lang ako at tumayo na.
Nauna na siyang naglakad patungo sa sasakyan niya habang ako ay nakasunod lang.
"Get in" Sabi niya.
Binuksan ko na ang pinto sa may likurang banda ng sasakyan pero agad niya itong isinara.
"Ano ba? Bakit?"
"I'm not your driver." Ano? Aba!
"Well, you do have a car and you offered me a ride. Doesn't that make you a driver?" Kumunot lang ang noo niya sa sinabi ko. Hah! Kala mo ah!
"Your sarcasm never did fade away after all these years." So personalan na ngayon?
"Yeah, I know. And that's what you've always hated about me, remember?" Tinaasan ko siya ng kilay pagkasabi ko nun.
Napabuntong-hininga na lang siya at saka tumingin sa akin ng diretso.
"Just get in the shotgun seat, so we can go." He shook his head before entering the other side of the car.
I think this is going to be a long day for the both of us.
NOTE: Please share your thoughts about the story for every update. Your reactions are highly appreciated! Thanks.
P.S. I'm open for any comments, suggestions or violent reactions.
-Scripter