抖阴社区

Forced Marriage With The Bill...

By BlackHeart__03

166K 2.3K 389

SPG[R-18]...... Meet Rave Rather 23 years old and he's a demon. Lahat kinakatakutan siya.Kaya niyang pumatay... More

Authors Note
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Twelve

Chapter Eleven

10.3K 246 147
By BlackHeart__03

Hi guys!Tinupad ko promise ko😃..Pinagtiyagan ko itong chapter na ito tapusin kahit naga hang cp ko....

Sorry  sa wrong grammar and typos error..😔

Hindi ko pa ito na proofread....sa totoo lang kakatapos ko lang ito type.Hinahabol ko ang load eh baka maubos ang MB naka data lang kasi ako.Poor na poor ako sa pera kaya hindi ko maloadan ang wifi😔.

Mabasa ko lang mga comment niyo guys,masayang masaya na ako.😁😁

Thank you sa palaging nag-aabang ng update ko....😁😁😁

I dedicated this chapter to all my readers and supporters😁💖...Hindi ko kayo maisa-isa dedicate kasi naga hang talaga cp ko pero kapag ok ang mood ng cp ko try ko eedit name niyo.....

🌺🌺🌺🌺      

🌸Evina's Pov🌸

Matapos kong maihain ang mga pagkain sa lamesa ay nagsalin ako ng tubig sa baso.Habang umiinom ako nakarinig ako ng ungol ng isang tao at parang hirap na hirap itong huminga.Nang maubos ko ang laman ng baso ay dali-dali ko itong inilapag sa lamesa.

Patakbo akong lumabas ng kusina.Nilapitan ko so Rave na nakahiga sa sofa.Nakahawak ang isang kamay nito sa kaniyang dibdib.Napansin kong pawisan na ito.

Pinatay ko muna ang t.v bago ko hinawakan ang balikat niya.Inalog-alog ko ito pero hindi parin siya nagigising.

Paano ko kaya ito magigising?

Sabi ng matatanda kapag ang taong binabangungot mahirap gisingin at kapag hindi ito nagising siya ay mamamatay.

Hindi pwedeng mamatay si Rave sa bangungot baka ako pa ang pagbintangan nila na pumatay.Kawawa naman yong mga anak ko.

Lumuhod ako sa sahig at ipinantay ko ang mukha ko sa balikat niya.

Akmang kakagatin ko na ang balikat ni Rave ng may biglang nagsalita"Mama,ano pong ginagawa niyo?....Hahalikan mo ba ang salbaheng lalaking yan?"Napatayo ako ng wala sa oras ng marinig ko ang sinabi ni Sahara.

"Hindi ko siya hahalikan,Sahara.Ginigising ko si Rave dahil binabangungot siya."Lumapit silang tatlo sakin at tiningnan nila si Rave.

"Hayaan mo siyang bangungutin,Mama,salbahe naman yan eh."Hinila ni Sahara ang laylayan ng damit ko."Oo,nga Mama.Umalis na po tayo dito.Ayoko dito sa bahay nila salbahe ang lalaking yan."Nanlaki ang mata ko ng sinuntok ni Sued ang ulo ni Rave.

"Sued,bakit mo ginawa yon?Alam mo bang masama ang ginawa mo.Huwag mo ng uulitin yon ha."Tumingin ito sa akin sabay yuko."Mama,salbahe siya kaya magiging salbahe din kami sa kaniya."Galit na tumingin si Syed kay Rave.Akmang susuntukin din nito si Rave ng hawakan ko ang kamay niya.

"Gusto niyo bang tatlo na maging masama katulad niya?"Tanong ko sa kanila.

"Ayaw po namin maging kagaya niya,Mama."Sabay-sabay na sagot nilang tatlo sakin.Si Sued na nakayuko tumingin at umiling-iling sakin.

"Mama,ako na lang po ang gigising sa kaniya."Napayuko ako ng biglang magsalita si Sahara.

"Ako din po tutulong,Mama."Sabay na nagsalita si Sued at Syed.

"Ako na ang gigising sa ka-----"hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng makarinig ako ng mura.Sabay kaming tatlong napatingin kay Rave ng bumangon at umupo sa sofa.

"What's your problem,Sahara?!Bakit mo hinila ang buhok ng kili-kili ko!"Galit na sigaw ni Rave kay Sahara.

"Ang salbahe mo talaga!Ginawa ko lang yon para gumising ka!....S-sabi ni Mama binabangungot ka raw."Umiiyak na yumakap si Sahara sa bewang ko.

"Bakit mo sinisigawan ang kapatid namin!...Ang salba-salbahe mo talaga!"Galit na tiningnan ng masama ni Sued si Rave.

"Mama,halika na umuwi na tayo.Ayaw namin maging masama kagaya niya."Yaya sakin ni Syed.

"Sahara,pasensiya na kong nasigawan kita.Nabigla lang ako."Napatingin ako kay Rave ng magsalita ito.

Totoo ba ang narinig ko si Rave humihingi ng pasensiya.

Alam kong nagbabait-baitan lang siya.

"Weh?Totoo yang sinasabi mo?"Kumalas sa pagkakayakap si Sahara sakin at hindi makapaniwalang tumingin kay Rave.

"Sahara,huwag kang maniwala sa kaniya.Nagkukunwari lang yan."Rinig kong bulong ni Syed kay Sahara.

"Kuya Syed,nagsasabi ata siya ng totoo."Sagot na bulong ni Sahara kay Syed.

Nagbulungan pa ang dalawa eh rinig na rinig naman namin ang mga pinagsasabi nilang dalawa.

"Ok, pinapatawad na kita."Nginitian ng malapad ni Sahara si Rave gumanti naman ng ngiti si Rave.

Pekeng ngiti!

Ang mga bata talaga ang daling mauto.

"Basta Papa na ang itatawag ko sayo.Simula ngayon Papa na kita."Dugtong ni Sahara.

"Sahara,ano yang pinagsasabi mo.Hindi mo pwedeng tawaging Papa si Rave!"Hindi ko napigilang sigawan si Sahara.

"Mama,kamukha naman namin siya eh.Gusto ko siya maging Papa.Kapag Papa na namin siya hindi siya magiging salbahe sa amin.Di ba ang Papa hindi nananakit ng anak?"

Porket kamukha niya lang si Rave gusto niya na maging Papa ito.

"Ayoko siya maging Papa,Sahara!"Sabay na sigaw ni Syed at Sued.

"Gusto ko nga siya maging Papa eh!"Naiinis na pumapadyak-padyak si Sahara."Gusto ko magkaroon ng Papa!"Sigaw pa nito.

"Pero Sahara----"Hindi na natuloy ang sasabihin ni Syed ng lumapit at yumakap bigla si Sahara kay Rave.

"Ok lang di ba sayo na maging Papa ka namin?"Mahinang tanong ni Sahara kay Rave.Akala ko hindi papayag siya kaya ikinagulat ko ang sagot niya.

"Ako ang Papa niyo.Kaya gusto kong dito na kayo tumira.Inilihim sa akin ng Mama niyo na anak ko kayo."Tumingin si Rave kay Sued at Syed.

Rave ano bang pinagsasabi mo!

Gusto kong sigawan si Rave bakit siya nagsisinungaling sa mga anak ko.Ginawa niya pa akong masama.

"Mama,totoo po bang siya ang Papa namin?"Hindi agad ako nakasagot sa tanong ni Syed.

"Evina,tell them the truth."Tiningnan ko siya ng masama.

Truth trutin mong mukha mo Rave!

Ang sarap mong sipain sa bayag!

"O-oo siya ang Papa niyo.Patawarin niyo sana ako."Ikinuyom ko ang kamao ko matapos kong magsalita.Nanggigigil talaga ako kay Rave.

Kumalas si Sahara kay Rave at tumalon-talon.

"Yehey!May Papa na kami."Sigaw niya.

Si Rave naman todo ang ngiti.

"Papa,samahan mo naman akong pumunta ng cr.Natatae na ako eh.Gusto kong kargahin mo ako."Napawi ang ngiti ni Rave ng magsalita si Sahara.Napansin ko pang umigting ang mga panga nito.Alam kong nainis siya sa sinabi ni Sahara.

Hindi parin tumatayo si Rave sa kaniyang upuan.

"Papa."Tawag ni Sahara kay Rave habang nakataas ang kamay.

Walang nagawa si Rave ng hilahin ni Sahara ang laylayan ng damit niya.Napakamot muna ito sa ulo niya bago niya binuhat si Sahara.

Nang makaalis na sila akmang uupo na ako sa sofa ng biglang may humila sa buhok ko.





🌸Marlyn's Pov🌸


Pagbaba ko ng taxi matapos kong bayaran ang driver pumasok agad ako ng gate.

Miss na miss ko na si Rave.Hindi manlang ako dinalaw sa hospital.Si Raze lang ang pumupunta sakin.

Gusto kong magalit kay Rave at Raze dahil alam nilang ngayong tanghali ang labas ko ng hospital hindi manlang nila ako sinundo pero hindi ko magawa dahil mahal na mahal ko siya.

Assumingera na kong assumingera!Wala kayong paki sakin.Alam kong maid lang nila ako.Gagawin ko ang lahat para mapasa akin si Rave.

Rave is mine.Only mine!

Alam kong may gusto din sa akin si Rave.Baka nga mahal niya ako.

Nang makarating ako sa pintuan.Namula ako sa galit ng marinig ko ang sinabi ni Evina.

"O-oo siya ang Papa niyo.Patawarin niyo sana ako."

Walanghiya talaga ang babaeng yon!Gusto niya pang agawin si Rave sakin.

Papatayin ko siya!

Akala niya maniniwala ako sa sinabi niya na si Rave ang ama ng anak niya.

Hinintay ko munang umalis si Rave bago ako pumasok sa loob.

Nakatalikod si Evina sakin at yong dalawang batang lalaki.Dali-dali akong lumapit sa kaniya at hinila ko ang buhok niya.

"Sinungaling kang babae ka!Ang landi-landi mo talaga!....Sinabi mo pa talaga sa mga anak mo na si Rave ang ama!"Hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa buhok niya para hindi siya makawala sakin.

"Mang-aagaw ka!.....Napakalandi mo!Nawala lang ako saglit nilandi mo na si Rave!"

"Ano ba bitawan mo nga ang buhok ko,Marlyn!"

"Papatayin kitang babae ka!"Sigaw ko sa kaniya.

"Bitawan mo ang Mama namin!"Napatingin ako sa sumipa sa paa ko.Galit kong tiningnan ang batang lalaki.Akmang sisipain ko ito ng makaramdam ako ng matigas na bagay na tumama sa noo ko.Binitawan ko ang buhok ni Evina dahil kumirot ang noo ko.Akmang hahawakan ko ang noo ko ng may tumamang matigas na bagay sa ulit sa ulo ko.Napatingin ako sa sahig ng bumagsak ang matigas na bagay na tumama sa ulo ko.

Saan galing ang batong ito?

"Pangit na babae huwag mong saktan ang Mama at kuya Syed ko!"Napatingin ako unahan ng makita ko ang galit na batang babae na may hawak na tirador at kasama nito si Rave na nakapamulsa.

Teka ang batang babae ang tumirador sakin!









👉Follow me guys!🌸
I'll follow you back!🌸

👉Please vote and comment...😊😊😊

Love lots guys!😊🌺🌺🌸

Continue Reading

You'll Also Like

307K 1.5K 34
"Dont worry I wont tell anyone that your are just a desperate slut, well my desperate slut."
244K 7.8K 33
"LOVE THE WAY YOU PUT IT ON. GIRL, YOU GOT MY ATTENTION. ALL OF MY ATTENTION, YES." nic x oc
793K 71.5K 31
Heer sharma, a smart and intelligent girl who lives with her mother, and has no idea about her father. What will happen when one day , she has to liv...
992K 46.9K 65
喽亨侗喾喾 喽编陡喾 喽编窋喽 喽堗董 喽窋喽秽稓喽 喽膏锭喽穵 喽编窚喽氞窉喽亨陡 喽编窚喽戉侗喾娻侗 喽窋喽о窋喾喾溹董喾掄侗喾 喾冟冻喾喽窉喽 喽呧穭喾冟窔 喽亨侗 喽窅喽编稓 喽董喾 喽氞窉喽亨侗喾娻侗 鈿斤笍 喽秽窋喾佮窂喽洁穵 喾喾掄穪喾斷动喾娾嵿逗 喽窓喾佮窂喽氞穵鈥嵿逗喽溹窓 馃弿