Claire Klerskin
4:30 PM
Claire:
Musta na thesis
Claire:
Ay mamaya ka papala magoopen
Joshua:
Pano mo nasabe
Claire:
Wow andyan na ate mo?
Joshua:
Uu
Joshua:
Binigay ko na sakanya yung mga bata
Claire:
Mga?
Claire:
kala ko isa lang pamangkin mo
Joshua:
Pano mo nasabe
Joshua:
Twins solid mahilig maglaro ng tae
Joshua:
Solid mahilig sa cocomelon
Claire:
Vlog mo baka sumukat ka
Joshua:
ayoko magkakaroon ka ng kaagaw saken
Claire:
Corny mo talentado
Claire:
Anyways asan yung papa ng pamangkin mo?
Joshua:
Bakit liligawan mo?
Claire:
gagi hindi
Claire:
tatanong ko lang bakit hindi sya magalaga sa pamangkin mo?
Joshua:
nakakainis yon parang walang pake sa magiina nya quarantine pa naman walang sasakyan
Claire:
Ano yun di sya natulong sainyo magalaga ng mga anak nya?
Claire:
Buti sana kung isa lang eh twins yun
Joshua:
Yun nga
Joshua:
Di man lang nya man lang ihatid sundo si ate
Claire:
Dyan sya nauwi sainyo yung asawa ng ate mo?
Joshua:
Di
Joshua:
Okay na din yun, gagawin lang naman nun dito manonood ng tv tas dagdag pa sa hugasin pag andito sya
Claire:
Talentado ka yan talaga naisip mo? HAHAHAHA
Joshua:
Oo nakakapagod parang ako yung tatay ng mga pamangkin ko nakakainis
Joshua:
kung bat kase di pumili ng magandang ugali si ate
Claire:
ano ba trabaho ng ate mo?
Joshua:
yung sa parlor nagaayos ng buhok
Claire:
ah
Anong pwede isagot sa ah? Tanong ko sa aking sarili. Matagal ko pa itong tignan pero agad akong ngumisi ng makaisip ng panibagong topic pero badtrip lang ng tawagin ako ng ate ko para alagaan nanaman ang dalawa kong pamangkin.
Renz
8:00 PM
Renz:
Joshua Gawin mo yung RRL
Renz:
Isa kang under na kachat
Renz:
Isend mo sakin bukas para mapasa na