Away
Time flies so fast, Christmas and New year is approaching. Bakasyon na rin namin, kaya makakapag-unwind na kaming lahat. We're now preparing for Mom and Dad's arrival. Sinabihan namin silang hindi kami makakapuntang airport para sunduin sila kasi busy kami. Oo nga naman, busy kami kasi naghahanda para sa pagdating nila.
Balak naming surprisahin sila, kaya imbis na sunduin sila ay naghanda kami. When Mom texted me that they're on their way home. I gestured our maid to turn off the lights.
Nagtago kaming dalawa ni Kuya sa kusina nang makarinig kami ng busina hudyat na dumating na sila. Hawak-hawak ko ang cake at si Kuya naman ay nasa gilid ko nakabusangot ang mukha.
"Why the lights are turned off? Manang!"
I chuckled the moment that I heard mom's voice. Nang walang sumagot ay nakarinig ako nang yapak, at bumukas ang ilaw.
"WELCOME HOME!!!" bati naming lahat.
I saw how shock filled on my Mom's face and Dad was just amused. They didn't except that of course. I ran to Mom and gave her a tight hug.
"I miss you mom!"
"I missed you too, sweetie..."
Nakita kong ginulo ni Dad ang buhok ni Kuya kaya bigla iyong nagalit, pero kalaunan ay nawala rin kasi tinukso siya ni Daddy.
"Oh my big boy! Come here..." saad ni Mommy at saka niyakap siya.
"Sana naman ay hindi mo talaga pinabayaan 'tong kapatid mo, Sai" si Dad.
"Nako hindi talaga Dad!" ako na ang sumagot roon, totoo naman yun hindi naman talaga ako pinabayaan ni Kuya.
Tumango lang si Dad at tumungo na kami sa hapag para makakain na. Napuno ng tawanan, kuwentohan, at asaran ang paligid. Ibang iba ang bahay kapag kompleto kaming nasa hapag.
"So, how's school?" Mom asked.
"Still school, mom" walang ekspresyong saad ni Kuya.
"Eh si Avi? Did you got a lot of admirers?" nakita ko ang panunuyong tingin ni Mommy.
Nagkatinginan kami ni Kuya, tinangoan niya ako. Ibig sabihin nun ay sabihin ko na sa kanila na may boyfriend na ako.
"Why? Did you already got a boyfriend?"
Nagulat ako sa tanong ni Mommy, nakuha ko rin ang atensyon ni Daddy sa akin. Naghihintay sila isasagot ko. Dahan-dahan akong tumango, nakita ko kung paano nabalot ng gulat ang mukha ni Mommy. Pero kalaunan ay napalitan iyon ng saya.
"Honey, look, our baby girl is a grown woman now!"
Napayuko ako sa sinabi ni Mommy, binalingan ko si Kuya at nakita kong nakangisi na siya.
"Sino naman ang boyfriend mo, Avi?" si Daddy.
"It's a M-Moore, Dad..."
Naalala kong sinabi pala ng Daddy ni Max na magkaibigan sila ni Daddy back in college. Nakita kong nagulat si Dad sa sinabi ko.
"So that must be the son of Mr. Giovanni Moore?"
Tumango ako ng marinig ko ang pangalan ng Daddy ni Max. They indeed knew each other.
"Did you know that their family is one of the most richest people in the Philippines, Avi? His grandmother owned the biggest company here in the Philippines,"
Nagulat ako ng marinig ko iyon alam kong mayaman sila, pero hindi ko akalaing ganito pala sila kayaman...
"I hope that their family is treating you well, Avi"
Bigla akong napatigil dahil doon, hindi naman nila ako tinatratong masama... ayaw lang talaga nila ako para anak nila.
"Finn... You know that you're our one and only princess,"
"If you love that man... then go, pero wag naman sanang umabot sa puntong masasaktan kana na ng sobra dahil sa kanya"
Ngumiti ako kay Mommy para ipaalam sa kanya na okay lang ako, at hindi ako nasasaktan ng sobra dahil kay Max. At kung masaktan man ako dahil sa kanya ay okay lang... kaya niyang bitawan lahat para sa'kin, kaya, kaya ko ring tanggapin ang ano mang sakit para sa kanya.
"Grant is a good man, Mom. I knew him." si Kuya.
"I truly hope that..."
Ngumiti lang ito nabalot kami ng katahimikan kaya ako na ang nagsalita.
"S-Saan tayo sa pasko, Mom?"
"States anak, your tita's and tito's are excited to see you both" sabi nito ay ngumiti.
Ngumiti lang ako at may kung anong lungkot rin ang bumalot sa akin kalaunan. Ang ibig sabihin nito ay hindi ko makikita si Max ng mga isang linggo.
Nang matapos kumain ay nagpaa-alam na rin sina Mommy na magpapahinga na kaya pumunta na kami sa kaniya kaniyang kwarto.
-
Lumipas ang araw at bukas na ang alis namin papuntang States, kaya napagplanohan namin ni Max na magkita ngayong gabi dahil maaga pa kami bukas at hindi na ako magpapahatid sa kanya.
Niyakap ko siya ng mahigpit pagkarating namin sa Tower Ville. Malalayo ako sa kanya ng isang linggo, para sa akin ay matagal iyon. Kaya umiyak ako sa kanyang damit dahil parang ayokong mawalay sa kanya kahit na isang araw lang.
"Hey... don't cry..." saad niya habang hinaplos ang aking likod.
Hindi ko siya pinansin patuloy pa rin akong umiyak sa kanyang damit.
"Wag kanang umiyak... ampanget mo"
Napatigil ako sa sinabi niya, kumawala ako sa yakap niya at saka tinignan siya. Tumawa siya at saka pinunasan ang mga luha sa aking mukha. Tinignan ko siya ng masama at kitang kita ko kung paano siya natawa dahil doon.
Bahagya kong sinuntok ang kanyang braso.
"Parang tanga naman 'to eh..."
Hinagkan niya ako ulit sa kanyang bisig, naramdaman ko ulit ang init ng kanyang katawan. Pakiramdam ko tuloy ay para akong lalayas at iiwan ang mga nakasanayan ko rito.
"One week is quite long... just think that it'll last in a snap, Finn"
Kahit na napipilitan ay tumango ako, parang gusto ko tuloy siyang isama o magpapaiwan nalang ako rito. Pero hindi naman puwede yun!
That night ended smoothly, kahit sa pag-uwi namin nun ay umiiyak pa rin ako. Napapatigil lang ako kapag sinabihan niya akong ampanget ko daw umiyak.
Para hindi ako umiyak ay iniisip ko nalang ang mga pabaon niyang halik sa akin sa mga oras na yun. I can feel against his kisses that he want me to stay... but in the other hand, he told me that I must go, wag ko lang daw isipin para hindi ako matagalan.
Nang makarating kami sa bahay namin sa States, ay agad sumalubong ang mga kapatid ni Daddy roon.
"Avi!"
"Mygoodness, you look stunning!"
Sambit ng isang kapatid ni Daddy, Tita Annabelle. Siya ang tipo kong Tita na sa t'wing nakikita niya ako ay talagang hindi mawawala ang compliment.
"You look amazing too, Tita!" sabi ko at saka niyakap siya.
Nagtuloy-tuloy ang kamustahan hanggang sa napagpasyahan naming magpahinga na. Agad-agad ko namang tinawagan si Maximus nang makitang Online siya.
Sumimangot ako agad ng makita kong ang lapad ng kanyang ngiti. Parang nararamdaman ko tuloy na masaya siyang malayo ako sa kanya.
[Hey baby... you're sad... why?] his soft voice filled in me.
"You look so happy,"
[Of course I'm happy, you called!]
Agad ko siyang inirapan, at nakita kong tumawa siya dahil don.
"You're happy because I'm away!"
[No... I really want to see you, I want to hug you, and... kiss you.]
Nang marinig ko iyon ang naramdaman ko ang pamumula ng aking pisngi. Damn Maximus!
Hindi ako sumagot, nanatili akong nakatingin sa kanya.
[Don't look at me like that, Finn. Baka magulat ka kapag nakitang nand'yan na ako]
Ngumisi ako ng marinig ko ang sinabi niya, I really love teasing this man!
"Bakit, baby? Punta ka ba dito?" I said playfully.
[You want me to go there?]
Nagulat ako ng biglang nagseryoso ang kanyang mukha. Gustong gusto Max, pero hindi... kailangan mong manatili para makasama mo ang pamilya mo.
"Just wait until I got home, Max"
[Ayaw mokong makita?]
"Gusto!"
A smile plastered on his lips.
"Pero kailangan mong manatili d'yan sa Pilipinas para makasama mo ang pamilya mo Max."
He tilted his head.
[You're also my family, Finn.]
"Kahit na,"
Ang totoo'y gusto ko talagang pumunta ka Max, pero kapag naiisip ko ang pamilya mo. Ayokong isipin nila na nilalayo kita sa kanila...
He sighed then I saw how his expression change.
[Okay, then. Just behave there, Finn]
Natawa naman ako sa sinabi niya. Kapag nandito ako hindi naman ako lumalabas ng hindi kasama sina Mommy, kaya behave talaga.
"Kahit saan naman behaved ako, Max" pagmamayabang ko sa kanya.
[Yeah you're behaved. What about those assholes? They won't behave if they sees you]
Mas lalo akong natawa sa sinabi niya, tinignan niya ako ng masama dahil doon.
"Hindi naman lahat ng lalaki magugustuhan ako, Max..." I said amused.
[Yun ang akala mo... assholes are looking at you like they're eye-rapping you Finn]
"How did you know that?! Did you do that to me too?" I raised my brow.
"I don't do eye-rapping, Finn. If I want you, I'll rape you right away"
"What?!"
Napasigaw dahil sa sinabi niya. Parang gago 'to ah? Ano Max, suntokan nalang oh?
[Just kidding!]
Tinignan ko siya ng masama at saka inirapan. This man is really unbelievable!
[You're such a precious gem, Finn. I won't do that to you, I'll be needing your assent before I'd do that.]
His sincerity is killing me help! Mygoodness!
Umiwas ako ng tingin at hindi na lamang siya sinagot. Narinig kong tumawa siya kaya napatingin ako sa kanya.
[I'll be needing your whereabouts, Finn. No man after me, while you're there. Understand?]
Para akong bata na pinagbibilinan ng tatay niya!
"Yes daddy!" then I gave him a salute.
Kahit na hindi mo pa ako sabihan Max, hinding hindi naman ako maghahanap ng iba. Kapag naghanap ako ng iba ay para ko lang tinapon ang isang diamante at naghanap ng bato.
I want you to trust me, even if I'm physically away, my heart is locked on you and you got the keys Max...