CHACHI'S POV'
Dalawang oras na ng makabalik kami sa mansyon, kasalukuyan kaming kumakain ng Bangtan sa sala. Katabi ko si Jhope sa kaliwa at si Taehyung naman sa kanan ko. Hindi ko alam pero nakakaramdam ako ng kakaibang tensyon sa buong bahay. Parang iba, hindi ko ma explain. Parang hindi sila magkakakilala ganun.
"Anyare sainyo? Bakit ang tahimik niyo?" Pagpuputol ko ng katahimikan. Nakita ko si Jin na ngumuso kay Taehyung na mukhang badtrip. Ngayon ko lang nakitang seryoso ng ganito si Taehyung. Should I be bothered?
"Taehyung, okay ka lang ba?" Hinawakan ko naman ang kamay ni Taehyung kaya biglang napatingin ito saakin tsaka sa kamay ko na nakahawak sa kamay niya. Napansin ko din sa peripheral vision ko na napaupo ng maayos si Jimin.
"Tss. What a lame move." Rinig kong bulong ni Jimin. Problema ng isang yun?
Napangisi naman si Taehyung. Okay??? Anong nangyayare? Magkaaway ba yung dalawa?
"May problema ka ba saken Jimin?" Sarkastikong tanong ni Taehyung. Inalis ni Taehyung ang kamay ko saka siya tumayo kaya tumayo na din ako.
"Oh oh oh ano na naman yan!" Sigaw ni RM.
"Lagi nalang kayong ganyan. Kung may problema kayo sa isa't isa mag usap kayo. Nakakasawa kayong pagmasdan." Sabi ni Suga saka ito nag walk out at umakyat.
Hindi pa din umiimik si Jimin nakatitig lang ito sa baba habang magkahawak ang dalawang kamay niya. "Oo nga naman Jimin, kung may problema ka sabihin mo hindi yung puro ka dada at puro parinig duwag ka naman." Napanganga ako sa sinabe ni Taehyung.
Naguguluhan ako. Napasigaw naman ako ng bigla nalang napahiga si Taehyung sa sapak ni Jimin. Napatingin ako kay Jimin na galit na galit ang itsura habang nakakuyom ang kamao nito. "Ano bang nangyayare sainyo?!" Sigaw ko.
Nakita kong napailing iling nalang si RM at ang ibang miyembro. "Let them Miss Chachi. Mahirap awatin ang dalawang yan." Sabi ni RM.
"Pero.." Hinila naman ako ni Jungkook paalis sa lugar na yon. Nasa may balcony kami malapit sa pool ng magsalita si Jhope na naka cross arms.
"Pabayaan muna natin silang dalawa Miss Chachi, mas makakapag usap sila ng maayos kung malalabas nila sama ng loob nila sa isa't isa. Kilala ko na mga yan, laging mag aaway pero magkakaayos din agad. Pero to be honest, this is the first time na nagkaron ng pisikalan." Napakunot noo naman ako.
Hindi ko alam kung ano pinagmulan ng pag aaway nila. Wala akong maisip na ibang dahilan kung bakit sila mag aaway.
"Alam niyo ba dahilan kung bakit sila nag away?" Nagkatinginan silang lahat.
"Not sure. Pero nakakasiguro ako na malala to. Hayaan na muna natin sila, mamaya ko sila kakausapin." Rinig na rinig ko ang pag andar ng sasakyan at nakakasiguro ako na sasakyan ni Jimin yun. Nandyan na pala ulit ang sasakyan niya, makakaalis na naman siya kung kailan niya gusto.
I'm sure si Minah na naman ang pupuntahan non.
May narinig akong nabasag sa sala kaya agad akong tumakbo papunta doon. Si Jin naman ay tinatawag ako pero hindi ko nalang pinansin yun.
Napahawak ako sa bibig ko ng makita ko si Taehyung na may hawak na baso na basag at dumudugo ang kamay nito. "V!" Sigaw ko.
Nagulat naman siya ng makita niya ako saka niya tinago ang baso sa likod ng kamay niya. "Wag kang lalapit! Masusugatan ka." Napatingin ako sa sahig na puro bubog at may mga tulo ng dugo. Anong nangyare?!
"A-anong.."
"I'm sorry.." Rinig kong sabi ni Taehyung. "You might think that I'm childish pero.." Lumapit siya saakin saka niya binitawan ang baso na basag. Napatingin ako sa kamay niya. "Chachi.." Nakita ko ang mga mata ni Taehyung na naluluha.
"I-I like you Chachi. I really like you.. I'm sorry." Napayuko ito at humikbi.
O_____O
Hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam kung ano sasabihin ko.
Para akong napipi. Anong kinalaman ng pag amin niya saakin sa away nila ni Jimin.
"V.."
"Shhhhh." Umiling iling siya. "I know you like him, I know he's the one you like but can you give me a chance? A chance to like you." Nananaginip ba ako?
Totoo ba to?
"V ano bang?.." Hindi niya ako pinapatapos magsalita.
"Anong nangyare? Bakit nag away kayo ni Jimin?" Umiling lang siya.
"Wala yun. Wag mo ng intindihin yun. Wag kang mag alala hindi ko siya ginantihan ng sapak." Natawa siya. "Alam kong malulungkot ka kapag nagalusan ko ang mukha niya." Sinamaan ko siya ng tingin kaya medyo natawa siya.
"Hindi naman sa ganun V."
"It doesn't matter. Sige na, umakyat ka na mag pahinga ka. 10pm na. Ako ng bahala magligpit dito." Binitawan na niya ang kamay ko. Napatingin ako ulit sa kamay niya na tuloy pa din ang daloy ng dugo. Kailangan kong gamutin ang sugat niya. Tumakbo ako paakyat para kuhanin ang first aid kit sa kwarto ko.
TAEHYUNG'S POV'
Pinagmasdan ko si Chachi na tumakbo paakyat kaya inumpisahan ko na ang pagpulot ng mga basag na baso. Pagkatapos kasi umalis ni Jimin sa sobrang galit ko nabasag ko pala ang baso sa kamay ko sa sobrang higpit ng pagkakahawak ko don.
"You can't have her Taehyung. Kahit gaano ka pa mag effort, she'll end up choosing me. Why? Cause she likes me no scratch that. She loves me."
Naaalala ko na naman ang sinabe ni Jimin kanina bago siya umalis kaya napaigting na naman ang panga ko. Hobby niya talagang bwisitin ako no? Hindi ko na talaga siya maintindihan.
Akala ko ba ayaw niya kay Chachi? Pinaglalaruan niya lang si Chachi.
"V! Wag mo hawakan yan! Papatawag ko nalang si manang. Wag mong hawakan yan." Nanlaki naman ang mga mata ko kay Chachi na tumatakbo pababa ng hagdan habang may bitbit na red na bag.
Don't tell me..
"First aid kit! Upo ka." Turo niya sa sofa. Napangiti naman ako ng makita ko siyang ngumiti ng malapad. She really looks like an angel. Lalo ko lang siya minamahal sa mga ngiti niya lalo na ang dimples niya. Hindi ako umaalis sa pagkatayo ko kaya naman hinila niya ako paupo. Eto na naman yung puso ko. Fvck!
Bakit ba tuwing hahawakan niya ako parang may kuryente? Kailangan ba lagi akong masusugatan para lang mapansin mo ako Chachi?
Pinatong niya ang kamay ko sa lap niya na may twalya saka niya ako sinimulan gamutin kaya nagkaron ako ng chance para titigan ang mukha niya. Para ko tuloy pinag aaralan at minememorize ang mukha niya.
"Ano ba kasing pinagtalunan niyo ni Jimin para umabot kayo sa ganito? May gusto ka ba sa gf niya?" Wtf? After I confessed my feelings to her iniisip niya may gusto ako sa gf ni Jimin? What the hell?
"WHAT?!" Napatakip naman siya sa tenga.
"V naman! Ayan parehas na parehas kayo ni Jimin laging nakasigaw malapit na mabasag eardrums ko sainyo sa totoo lang." Napailing ako na lihim na napangiti. Ang cute niya talaga.
"Hindi ko magugustuhan ang babaeng yun." Sabi ko sa kanya. "Diba sinabe ko naman sayo kung sino ang gusto ko?" Nakita ko na namula siya at napatigil sa pagpapahid ng betadine.
"I-ikaw talaga. Ang lakas mo magbiro, wag ka nga nagbibiro ng ganyan." Hinampas niya ako ng mahina sa braso. Napatawa ako ng makita ko na nag fafake smile siya hahaha.
I bet naiilang siya ngayon saakin.
CHACHI'S POV'
It's been 3 days since hindi ko nakikita si Jimin hindi ko alam kung intentional or sadyang busy lang ba talaga siya, nagawa ko pa nga matulog sa sala para lang antayin siya makauwi kay lang inaabutan ako agad ng antok hindi ko siya naaabutan.
Pag tinatanong ko sa Bangtan kung nasaan si Jimin sinasabe lang nila lagi na busy si Jimin.
Busy ba saan? Andito mga ka grupo niya bakit kelangan mag solo? Andaming issue na nangyayare. Pabago bago ng desisyon si Jimin, nagalit ang Director ng We Got Married dahil nadedelay daw ang taping kaya naman bukas matutuloy na daw talaga.
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig ang sasakyan ni Jimin, kasalukuyan kaming nasa sala at nanonood ng reaction videos sa mga music video nila.
Omg! Si Jimin na nga yun! Nakaramdam ako ng tuwa at pagka excite ng marinig ko ang pagbukas ng gate.
"Yo." Bati ni Jungkook kay Jimin. Napawi naman ang ngiti ko ng makita na kasama niya si Minah. Wth?
Napatingin saakin si Jimin saglit pero agad ito nag iwas ng tingin more likely parang umirap. Hayyy.
Nagulat ako sa biglang paghawak ni V sa kamay ko kaya napatingin ako sa kanya saka niya ako binigyan ng ngiti niya. Omg napaka pogi ni Taehyung!
"Bakit ngayon ka lang umuwi?" Tanong ni RM.
"Out of town." Tipid na sagot ni Jimin saka niya pinaupo si Minah sa may dulo ng sofa. Napairap naman ako. Okay ang bitter ko.
"Going somewhere?" Tanong naman ni Suga. Tumango si Jimin.
"Umuwi lang ako dito to get some of my things aalis din ako agad." Sabi niya habang may kinakalikot sa cellphone. Tumango naman si Suga.
Hindi ako makapag salita hindi ko alam ang gagawin ko kaya naman umakyat nalang ako para magkulong sa kwarto. Sasaktan ko lang sarili ko kapag nag stay pa ako sa baba. Nagpaalam ako kay Taehyung dinahilan ko nalang na magkakabisado ako ng lyrics.
Nasa kwarto na ako ng makarinig ako ng pagsara ng pinto. I'm sure si Jimin yon.
Napabuntong hininga muna ako saka tumayo at inayos ang buhok ko. Napag pasyahan kong puntahan siya sa kwarto at kausapin.
It's now or never Chachi.
*knock knock*
"Come in." Malamig ang tono ng boses niya. Hindi talaga ako sanay ibang iba sa Jimin na napapanood ko. Naabutan ko siyang naglalagay ng damit sa black bag niya, gaano ba siya katagal aalis?
"Are you just going to stand there or what?" Nagising naman ako sa ulirat ng magsalita siya hindi pa din niya ako pinapasadahan ng tingin. Umupo siya sa kama saka nagkalikot sa cp.
"I-uh..k-kamusta ka?" Ugh Chachi! Bakit ka ba nauutal???
Tumingin naman siya sakin ng diretso. Wala pa ding reaksyon sa mukha niya.
"Good. Why?" Umiling naman ako. Umiwas siya ng tingin. "If you're not going to say anything you may leave." WHAT?!
"Jimin." Napatigil siya sa pagaayos sa bag niya.
"Oh and don't forget to lock the door." Ano bang problema niya?
"Hindi ako aalis." Tumingin naman siya saakin with an annoyed look.
"Leave. Baka kung ano pang isipin ni Minah na nandito ka sa kwarto ko. I know this is your house but this is still my room." Pinipigilan kong umiyak.
Ayoko ng maging mahina sa harap niya. Wala akong ginawang masama sa kanya pero bakit ba ang cold niya saakin? Okay naman kami nung mga nakaraang araw.
"Are you mad at me?" Tanong ko sa kanya.
"No." Mabilis na sagot niya.
"Then why are you like that? Okay naman tayo nung--" Pinutol niya ang sasabihin ko.
"Wag mong bigyan ng meaning yon. If you're not going to leave, I will." Tumayo na to saka kinuha ang bag at mabilis na lumabas ng kwarto.
Napaupo ako sa sahig at yumuko.
I tried to talk to him pero wala talaga akong makukuhang matinong sagot.
I sobbed quietly. Tumayo ako saka humiga sa kama ni Jimin, naaamoy ko pa ang pabango niya saka ko niyakap ang unan niya.
I may look like a really obsessed fan pero wala na akong pake. I'm hurt.
Namiss ko siya yan ang gusto kong sabihin sa kanya kanina pero pinangunahan ako ng kaba at takot.
Takot na baka pagtawanan niya ako.
Hindi ko nalang namalayan na nakatulog na ako sa sobrang pagod sa pag iyak.
TAEHYUNG'S POV'
Napasandal ako sa labas ng kwarto ni Jimin. I know Chachi's inside and crying. Narinig ko din ang usapan nila kanina nagkasalubong din kami ni Jimin kanina at lalo lang akong nanggigil sa sinabe niya.
"I told you." Alam ko kung ano ibig niya sabihin. Na kahit anong effort ko si Jimin pa din ang mapapansin niya.
Pero mas lalo lang ako nalulungkot sa pag iyak ni Chachi. It's been hours na nasa loob siya ng kwarto ni Jimin and she didn't even eat dinner.
Flashback
"Saan ka pupunta? Aalis ka na ba dito?" Tanong ko kay Jimin bago siya bumaba ng hagdanan. Sinamaan niya ako ng tingin.
"You're quite nosy aren't you? Wag kang umasta na parang hindi pabor sayo na wala ako dito? I'm sure tuwang tuwa ka dahil masosolo mo siya." Agad ko siyang hinawakan sa kwelyo pero agad naman niyang naialis yon.
"You're the worst Jimin. Now I know your true colors." Sabi ko dito pero mukang alang siya pake sa sinabe ko.
"Do I look like I care?" Kumaway naman siya bago bumaba ng hagdan.
End of Flashback
Gagantihan kita Jimin.
Sinisuguro ko na kakalimutan ka ni Chachi, at pag nangyare yon ikaw ang papahirapan ko.
*smirk*