Kinaumagahan, nagising nalang ako dahil may kumakatok sa pinto ng kwarto. Malamang ay si Sejun iyon pero hindi ko iyon pinansin. Maya-maya ay tumigil na siya sa pagkatok at nagsalita na. "Yaz, I know you're already awake, I prepared breakfast for you. Kumain ka nalang, aalis na 'ko. Bye" he said.
When I glanced at my phone, it's already 7:05 AM. Tinignan ko ang sinugatan ko kagabi at nakita kong natuyo na yung konting dugo na lumabas doon. I'll just clean it later.
Nang wala na akong marinig na ingay sa labas ay bumangon na 'ko sa pagkakahiga at pumasok sa CR para maghilamos at para gamutin at linisin din ang sugat ko. Nilagyan ko na din iyon ng band aid. Pakatapos ay lumabas na ako ng kwarto.
Nang makarating ako sa kitchen ay naroon nga sa lamesa ang inihanda niyang almusal ko. May fried rice, hotdogs, and tocino doon. Kinain ko iyon dahil nagutom na 'ko dahil naalala kong hindi pala ako kumain kagabi. Pakatapos ay hinugasan ko ang pinagkainan ko at naglinis ng condo ni Sejun though hindi naman siya madumi, inayos ko lang yung mga nakakalat na mga gamit.
Habang naglilinis ay narinig kong tumunog ang phone ko, hindi iyon nagtagal kaya alam kong text lang 'yon. Tiningnan ko kung kanino galing yung text at nabasa kong galing pala iyon kay Sejun.
S: I forgot to remind you, wag kang lalayo kung sakaling lalabas ka man. Baka nakakalimutan mo kung anong sinabi ng pinsan mo sa'yo kahapon. Take care of yourself.
I rolled my eyes when I read his message. Isa ito sa dahilan kaya hanggang ngayon ay hindi ko maihinto ang nararamdaman ko sa kaniya.
Ang turing namin sa isa't isa ay hindi lang parang magkaibigan, na para bang magkarelasyon kami. He's so nice when it comes to me, hindi niya ako pinapabayaan. One time nga nung nagkasakit ako nang tatlong araw ay hindi siya nag-attend ng practice at rehearsals nila ng SB19 dahil inalagaan niya ako. Pinipilit ko sa kaniya noon na kaya ko naman but he insisted kaya wala na akong nagawa. Walang mangyayari kung magtatalo lang kami non.
Kaya kagabi, I had the courage to tell him about it. Hindi ko alam kung anong sagot niya pero mas mabuti na nasabi ko sa kaniya ang totoo, na gusto ko siya. I'll accept his answer kahit ano man iyon because I respect him, I like him, and maybe I love him now.
I don't know what to reply to him so I chose not to.
Nang matapos kong mailigpit ang mga kalat ay nagpahinga muna ako tsaka naligo na. I decided to wear a long sleeves blouse to cover my wound on my wrist and a maong shorts. Wala akong pake kung bagay man ang suot kong long sleeves blouse sa maong shorts ko basta matakpan lang non ang sugat ko.
Nagpalipas lang ako ng oras sa condo at hindi lumabas. By 1:00 PM earlier ay tumawag si Ate Angelique sakin at nangamusta. Pinaalalahanan niya din ako na wag masyadong lumabas. We just catched up to each other, nagkwentuhan lang kami.
Hindi ko namalayan na alas sais na pala, maggagabi na. So I decided to cook adobo for our dinner. Mabuti nalang may manok sa ref at may mga ingredients din.
Natapos akong magluto at kumain na, hindi ko na hinintay si Sejun gaya ng nakagawian. Habang hinuhugasan ko ang pinagkainan ko ay hindi ko maiwasang makaramdam ng hapdi dahil nababasa ng tubig ang sugat ko. Itinaas ko ang sleeves ng blouse ko tsaka inihipan 'yon. Nagulat nalang ako ng may magsalita sa likuran ko. "What did you do again?" pagtingin ko sa likod ko ay si Sejun na pala iyon. Hindi ko namalayan na nandito na pala siya.
Agad ko namang tinago sa likuran ko ang may sugat ko tsaka umiling-iling sa kaniya.
"W-wala" sabi ko tsaka bumalik na sa paghuhugas. I heared him tsked but I just ignored it.
Napansin ko din na napa-aga siya ng uwi ngayon. Alas syete palang at usually ay 8:00 PM siya dumadating or kaya naman sa dance studio na nila sa company nila sila natutulog kapag sobrang hectic ng schedule.

BINABASA MO ANG
Saved By Him
FanfictionFrom the very start of Yazmaine's darkest times, Sejun is always there for her. Even not physically at first, they have their ways to share their problems to each other. Simula nung lumayas si Yazmaine sa puder ng magulang niya simula nang mawala a...