抖阴社区

CHAPTER 16

497 23 0
                                    

YAZMAINE's POV

Nadischarge na agad ako ng hospital kanina lang. Ayaw kong tumagol doon, hindi ko gusto yung amoy. And isa pa, maayos naman ako. Kahapon lang hindi dahil nadehydrate at nalipasan lang daw ako ng gutom.

Ayos naman kami ni baby kaya walang dapat na ikabahala.

Ihinatid muna ako ni Sejun dito sa condo ni Ate Angelique dahil sabi niya ay pupunta lang siya ng ShowBT.

I know that he will talk to their bosses. Ano pa bang gagawin niya doon sa ganitong sitwasyon? Edi kakausapin niya sila.

Pero nag-aalala ako para sa kaniya. What if makasira ako sa career niya? Pag nalaman na buntis ako. Ano nalang sasabihin ng family niya? Malaki ang utang na loob ko kay Sejun dahil sa mga ginawa niya. Same on his family, tinuring nila akong parte ng pamilya nila simula nung ipakilala ako ni Sejun sa kanila.

Ayokong masira lahat ng iyon. Yung magandang image ko sa family niya, yung pangarap niya. Ayokong masira iyon ng dahil lang sa akin.

"If you have something in your mind. Share it to me. Nakakadepress kapag sinasarili ang problema sige ka, makakasama sa baby mo." Ate Angelique said.

"Wala lang 'to." sabi ko sa kaniya.

Nandito ako ngayon sa condo niya, kukunin lang din ako mamaya ni Sejun.

She is throwing a look at me na parang hindi siya naniniwala. Naiirita ako kapag ganon kaya nagsalita nalang ako.

"Fine! I'll tell you." I said with no choice.

She just smiled at me and signaled me to talk.

"Nag-aalala lang kasi ako kay Sejun. Pupunta siya ngayon ng company and alam ko na kakausapin niya yung mga boss nila. Paano kung magalit? Paano kung makaapekto sa career niya? Hindi ko kayang mawala nalang bigla dahil sakin lahat ng paghihirap ni Sejun matupad lang ang pangarap niya." sabi ko sa kaniya.

Ate just looked at me.

"Look Yaz, alam kong mahal ka ni Paulo. Sa tingin mo ba papayag siya na may mangyari sainyo kung hindi ka niya mahal at alam niyang maapektuhan ang mga pangarap niya?" she stated.

Napa-isip naman ako dun at agad na umiling.

"Diba hindi? Kasi alam niyang sigurado siya sa nararamdaman niya sayo. Hindi ko pa man matagal na kilala si Paulo, alam kong mahal ka niya. I can see it. Tignan mo na lang kung pano siya magmalasakit at mag-alala sayo. And diba, sinabi niyo na tanggap ka ng family niya. Doon pa lang, malalaman mo talaga na seryoso siya sayo." she said.

Nakikinig lang ako sa kaniya, may point naman lahat ng sinasabi niya.

"Let's just hope for the best. Everything will be just fine Yaz." sabi ni Ate at hinawakan ang kamay ko.

Tumango-tango nalang ako at ngumiti.

Ate Angelique is right. Everything will be fine.

Kahit papaano ay nabawasan ang pag-aalala ko dahil sa mga sinabi ni Ate. Mabuti nalang nandito siya para may nakakausap ako. Nagdadalawang-isip naman ako icontact si Pat dahil baka makaistorbo lang ako, hindi ko pa nga pala nasasabi sa kaniya na buntis ako.

Dito lang sa condo ni Ate Angelique ako nagpalipas oras habang hinihintay si Sejun. Patuloy pa nga ako pinagsasabihan ni Ate ng bagay na makapagpapagaan ng loob ko kahit sinabi kong ayos na ako.

Sa kaniya ko lang talaga naranasan kung paano magkaroon ng kapatid. We always have each other's back kahit noon pa man.

Habang nag-uusap kami ay siya naman ang tinanong ko.

Saved By HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon