Starting today, SB19 will be busy so I expect Sejun will come home late or he will sleep in their condo, SB19's condo. He said that they're preparing for new endorsements, they will be the ambassadors for some big brands, and they will be making some advertisement videos.
I understand him being busy. I'm actually proud of him. Simula kasi nung nagkakilala kami ay ikinwento niya na wala pa masyado sa kanilang kumukuha for endorsements and they're focusing on their training, and him in creating their group's music.
Malayo na ang nararating nila and I'm praying that they will continue to go up. Gusto kong makamit nila ang pangarap nila na world domination.
Kaya ngayon ay kami lang nila Ate ang nandito sa condo. Maaga umalis si Sejun kanina. He just said na wag kaming lalabas and he will call me to check us kapag may oras siya.
Ngayon ay kung ano-ano nalang ang ginagawa ko dito para lang malibang ang sarili ko. Nilalaro ko si Faye, nakikipag-usap kay Ate about random stuffs, and mamaya ay balak kong linisin itong condo. At kung may oras pa ako mamaya ay maglalaba na din ako.
Habang naglilinis ako sa kwarto ni Sejun ay may nakita akong mga scratch papers. Lyrics ng mga kanta ang nakasulat doon pero wala pang title so I assume that Sejun is composing another song again. Kinuha ko iyon at tinago sa drawer niya.
Nang matapos ako sa kwarto ni Sejun ay sa kwarto ko naman kung saan muna natutulog sina Ate. Hindi ito masyadong madumi dahil palagi ko itong nililinis kaya madali lang ako doon.
Pakatapos sa kwarto ko ay sunod ko namang nilinis ang sala. At pagkatapos non ay nagpahinga na ako. Hinayaan ko na si Ate magluto kanina dahil nagpresinta naman na siya, and medyo gumagaling na ang sugat niya.
I rest for a while before deciding to take a bath. Tinignan ko ang orasan at nakita kong hapon na pala. I checked my phone if there's a call or text from Sejun. Meron lang doon isang text galing sa kaniya at ni-remind niya lang ako na kumain na. There's no call from him, they're probably busy kaya hindi siya nakakagamit masyado ng phone.
Nakapagpahinga na ako at napagpasyahan na maligo na. After taking a bath ay tinext ko si Sejun kung makakauwi ba siya kahit alam ko namang malabo.
M: Hey, makakauwi ka ba?
I texted him. Mukhang ilang araw siyang hindi makakauwi dito dahil sobrang daming ganap nila.
"Yaz, let's eat. Dinner is ready." napatingin ako kay Ate nang pumasok siya. When I glanced at the time ay alas syete na pala. Tinignan ko rin ang phone ko kung may text na ba si Sejun, nang wala pa ay sumunod na ako kay Ate.
We ate dinner at ako na ang nagpresenta na maghugas ng pinagkainan namin. Si Ate na nga ang nagluto alangan naman na siya pa ang paghugasin ko rito. Inaasikaso niya pa si Faye kaya hinayaan niya nalang ako.
Nakapaghugas na ako kaya pumunta na ako sa kwarto. I checked again my phone at nakita kong may text na galing kay Sejun.
S: I can't come home tonight. Why? Is there a problem?
Agad namang akong nag-type ng reply.
M: Nothing. Just take care of yourself.
I replied to him.
Lumabas ako ng kwarto tsaka nilock ang pinto at pinatay yung ilang ilaw. Pumasok muna ako sa kwarto ko kung nasan sila Ate. I checked on them and see what they are doing.
Binibihisan na ni Ate si Faye ng pajamas niya. They are ready to go to sleep.
"Uh, ready to go to sleep?" I asked them. Faye nodded and Ate answered yeah.
Lalabas na sana ako at babalik na sana sa kwarto nang tawagin ako ni Ate.
"Yazmaine" she called me.
I turned to her and mouthed what.
"Are you the one who gave Josh my number?" she asked me so I gave her an apologetic smile. "Ah yes" I said.
She frowned at me. "Why is that?" I asked her.
"He keeps on texting me kagabi, kaninang umaga tsaka ngayon lang, bago ka pumasok dito." reklamo niya.
Napatawa naman ako ng mahina. "Don't worry about him. He's nice." I said.
Hindi siya sumagot pero nakasimangot pa rin siya kaya nagpaalam na ako na babalik na sa kwarto at matutulog na.
Nahiga na ako at matutulog na sana pero ilang minuto na ang lumipas ay hindi pa rin ako makatulog. Yung kaninang antok ko ay parang nawala na. Kaya naman bumangon muna ako sa pagkakahiga at naghanap ng mga libro na pwedeng mabasa.
Nakaugalian ko na ang pagbabasa ng mga libro tuwing wala akong magawa, pampalipas oras lang. Kaya naman parati akong bumibili non. Nang makahanap na ako ay umupo muna ako at sumandal sa headboard ng kama at nagbasa.
Nalibang ako sa pagbabasa kaya natagalan ako. Nang makaramdam na ako ng antok ay tinago ko na ang libro at matutulog na. I checked first my phone at tinignan ang oras, alas onse na pala. Napansin ko rin na may message, and it's from Sejun.
S: Goodnight, sleep well. Love you.
Napangiti naman ako, at nag-reply.
M: Goodnight!
Nang makapagreply na ako ay nilagay ko na sa side table ang phone ko at matutulog na sana nang bigla itong mag-ring. Sejun is calling me.
"Still awake huh" Sejun said on the other line. Ni walang greeting man lang.
"Di ako makatulog e, kaya nagbasa-basa muna ako kanina" sabi ko sa kaniya.
"And?" he said.
"And, matutulog na sana ako kaso napatawag ka." pangangatwiran ko. "Nasan ka ba? Nakauwi na kayo?" tanong ko sa kaniya.
"Kakauwi lang. Tapos bukas maaga ulit kami." he tiredly said.
"Oh, you should sleep. I know you had a tiring day." I said.
"Ikaw nga e, hindi ka pa natutulog" sabi niya.
I rolled my eyes kahit na hindi niya iyon nakikita.
"I'm going to sleep after this call" sabi ko.
Matutulog naman talaga sana ako e, kaso bigla siyang tumawag. Alangan namang hindi ko sagutin.
"Okay, goodnight. I love you" he said softly on the other line so I smiled.
"Goodnight." I said.
Papatayin ko na sana ang tawag dahil inaantok na ko kaso nagsalita pa siya.
"Where's my I love you too?" parang bata niyang reklamo kaya napatawa ako ng mahina.
"I love you too, Babe" I said and I immediately ended the call.
Hindi ko na siya hinayaan pang sumagot at pinatay ko na ang tawag. Alam kong nagulat siya dahil sa sinabi ko. Well, minsan lang kasi ako kung magsabi ng I love you sakaniya but that doesn't mean na hindi ko siya mahal. I'm not a very vocal person and he knows it.
Napagpasyahan ko nang matulog talaga kaya naman nilagay ko na sa side table ang phone ko. At hindi rin nagtagal ay nakatulog na ako.

BINABASA MO ANG
Saved By Him
FanfictionFrom the very start of Yazmaine's darkest times, Sejun is always there for her. Even not physically at first, they have their ways to share their problems to each other. Simula nung lumayas si Yazmaine sa puder ng magulang niya simula nang mawala a...