Sumilay ang ngiti sa aking labi paglabas ng sasakyan at bumungad sa akin ang bahay na kinalakhan ko. Ilang linggo pa lang ang lumipas pero miss ko na agad 'tong bahay namin. Feeling ko nangibang-bansa ako!
Kagagaling lang namin ng simba at kasabay namin sila Mommy. First mass parati ang dinadaluhan namin. Sabi ni Crane ay nagsisimba din daw silang magpipinsan pero third mass. Mga late daw kasi magsigising ang mga pinsan niya.
Inaya kami nila Mommy na sa bahay na kami magtanghalian.
"Mom. Dad." bati ko sa aking magulang pagkapasok namin ng bahay at sinalubong kami.
Niyakap ko si Mommy ganoon din kay Daddy. Bumeso si Mommy kay Crane habang si Daddy tinapik ang balikat nito. I smiled at Crane who has a small smile on his face.
"Nasa sala ang mga kapatid mo" ani Mommy.
Naroon nga sila. Si Clea ay tahimik na naka-upo sa single sofa habang hawak ang phone. Si Cleo naman ay mukhang may nilalaro sa kaniyang phone.
I went to my siblings. Umangat ang tingin ni Clea sa akin. I smiled at her and I'm surprised that she gave me a small wave!
We really are having progress! Si Cleo na lang talaga ang hindi ako pinapansin. Tahimik at laging naglalaro sa phone niya.
Tumabi ako sa kaniya na hindi pa rin natatanggal ang tingin sa kaniyang phone. Sumilip ako sa kaniyang laro na ikinaigtad niya bigla. Inis siyang bumaling sa akin.
"Talo! Panira ka—" agad siyang natigil at sumulyap sa likod ko. I was confused so I also look behind me.
Oh. It was Crane. Nagkatinginan kami. I smiled and held his arm that is lying on the headrest of the sofa.
"Dito kayo magla-lunch?"
Napabaling ako kay Cleo na nagtanong. Nagliwanag ang mukha ko at masayang tumango.
He started a conversation!
"Oo, tsaka para bisitahin na rin kayo. Namiss ko kaya kayo!" Hindi ko mapigilan ang sayang nararamdaman ko ngayon.
Nanatiling nakatingin lang ito sa akin tsaka nagkibit-balikat. Tumayo ako at lumingon kay Crane na nasa malaking picture sa pader namin ang tingin.
It was a family picture of us. It was Mommy's 40th birthday. Last year. It's a grand celebration kaya formal ang suot namin doon. I wore a red embellished tulle gown. Malalim ng neckline nito pero ayos naman. Kahit na nakaheels ako ay ang liit ko tignan kumpara sa kapatid kong si Cleo na mas matangkad pa sa akin.
"Let's go upstairs. Papakita ko sa'yo kwarto ko" aya ko kay Crane.
Hinila ko siya patungo sa hagdan. Nilingon ko siya nang makarating kami sa second floor. Kunot-noo na siyang nakatingin sa akin. Binuksan ko ang pinto ng kwarto ko at agad na napangiti.
I miss my room! Hindi pa rin nagbabago ang ayos nito at malinis. Bumitaw ako kay Crane para tuluyang makapasok. Sumunod din naman siya, nakapamulsa.
"Ang ganda ng kwarto ko, noh?" Pagmamayabang ko at nilingon siya.
Nahlilibot ang kaniyang tingin at wala sa sariling tinanguan ako.
Nagtungo naman ako sa walk-in closet ko ngunit napangiwi nang makitang wala ang mga damit ko doon. Oo nga pala, ipinadala ni Mommy lahat.
"Grabe, wala talagang tinira si Mommy!" Sabi ko at tumawa.
"Fair enough" ani Crane sa likod ko.
Natawa akong muli at nginisihan siya. "Halos palayasin ka rin ng Mommy mo?"
He smirked and wet his lips. Tumango siya at nagtungo sa malaking salamin. I pursed my lips to hide my smile. I feel butterflies everytime he smiles. Ang dalang kasi niya ngumiti!

BINABASA MO ANG
Tangled under the Stars (AS#2) [completed]
RomanceMarch 8, 2021 - June 6, 2021 Can Euna Jane Meija live the happiest again? Walang mahirap na problema sa kaniya o sa madaling salita, wala siyang pinoproblema. Despite being her siblings' most hated person and a parent's pet, she remained unbothere...