抖阴社区

27

114 8 1
                                        

Madali kong nahanap si Oli sa kaniyang kwarto. May kung anong ginagawa at mukhang hindi napansin ang pagpasok ko. Dahan-dahan ko namang isinara ang pinto sanhi nang pagkagulat niya na makita ako.

Mula sa gulat na ekspresyon at unti-unti siyang ngumisi sa akin.

"Okay na kayo ni Kuya? Ano? Kayo na?"

As much as I don't want to burst her bubble, it shouldn't be tolerated. I don't know with Oli's weird behavior recently.

"Oli, I..." I sighed, mahirapang hanapin ang saktong mga salita para maintindihan niya.

Bakit tuwing iniisip ko ay ang dali lang? Pero ngayon, ni hindi ko alam kung paano ko sisimulan o paano siya pakikibagayan.

Kung ano ang nararamdaman ko, iyon na lang ang sasabihin ko. As it is.

"I love Crane"

Dahil iyon naman talaga ang dahilan kung bakit hindi matigil-tigil si Oli sa paninira kay Crane dahil hindi niya alam na nahuhulog na ako. Na natututunan ko na itong mahalin kaya hindi ko kayang hindi piliin.

Sa panahong nagdaan na magkasama kami, I have developed feelings with Crane. Hindi naman kasi mahirap magkagusto sa kaniya. He's very ideal and I consider myself lucky to have him already in the first place.

Ang unang naging reaksyon ni Oli ay tumawa. Pero hindi umabot sa kaniyang mata iyon.

"Oh please, Euna. You don't have to force yourself into this! I know you better!" Aniya at mapait na ngumisi.

Kumalabog ang dibdib ko. She's so different.

"Oli, matagal ko nang gustong sabihin ito pero hindi ko magawa, kasi alam kong hindi ka matutuwa—"

"Oo! Hindi ako natutuwa!"

I looked at her painfully. Her eyes watered. "Bakit ba kailangan mo pang magustuhan siya? Ano bang mayroon sa kaniya, Euna? Kaya ba ayaw mo nang sumasama sa akin?"

Napalunok ako at nagulat sa pagsabog niya. Umiling ako para sabihing hindi ganoon ang ibig kong sabihin. I held her hand.

"Oli, Please. Understand me? I love Crane... so much" Puno ng sinseridad kong sabi ngunit hangin lamang 'yon para sa kaniya.

Umiiling siya sa bawat salitang sinasabi ko. Her eyes watered more as she pull her hands from me.

"Bakit kay Crane pa? Bakit sa kaniya ka pa nagmahal?! Euna!" Naiiyak niyang sabi.

Naguguluhan akong tuningin kay Oli. Nagsalubong na ang aking mga kilay at bahagyang naguluhan sa kaniyang inaasta.

She changed. At ngayon ko lang talaga nakikita.

"Oli, hindi ba dapat suportahan mo ako sa kung anong gusto ko? Magkaibigan tayo. Why don't you understand me?" Nanghihina kong sabi.

Nanatili niyang pinipigilan ang kaniyang luha at umiling sa akin.

"Simula pagkabata, magkasama na tayo. Walang nagboyfriend ni isa sa ating dalawa, hindi ba? Because you want us to be with each other f-forever!" Oli broke down. Nagsibagsakan na ang mga luha niyang kanina pa pinigilan.

No tears came to me. Hindi ko maramdaman ang pagkalungkot sa nangyayari pero nasasaktan ako sa inaasta ni Oli.

Why can't she understand me now? She's been with me ever since and she understands me every time. Bakit ngayon, hindi niya ako maintidihan?

It hurts me. She's my bestfriend and she's already a family to me. Ngayong nagmahal ako, bakit siya ang hindi makaintindi?

"Oli, why are you being like this?" Nanghihina kong tanong at nilapitan siya.

Tangled under the Stars (AS#2) [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon