抖阴社区

37

134 6 0
                                        

"Para sa'yo 'yon, Euna." Pag-uulit niya.

Napakurap ako at bumagsak ang balikat. Hindi alam kung maniniwala dahil nananaig ang katotohanang puro kasinungalingan ang mga sinabi niya sa akin.

"Stop lying, Crane. Just tell me the truth" bulong ko.

Napakagat siya ng labi at napayuko. Huminga siya nang malalim pagkatapos at tinignan ako nang deretso.

"I planned it all. My proposal was suppose to be the morning after your friend got in an accident."

My lips parted, unable to refute it.

I remembered that night. He was extra sweet and clingy.

"Isinantabi ko muna 'yon dahil alam kong kailangan ka ng kaibigan mo." Dugtong niya.

Natulala ako sa kaniya. Iniisip ang mga araw na 'yon.

But why didn't he visited me those days? Anong ginagawa niya noong kailangan ko ng kakapitan dahil sa paghihirap ng kaibigan?

"B-bakit hindi mo ako na ako binisita? Pagod ako kahit naroon naman sila Tita pero hiniintay ko lagi ang pagbisita mo, C-crane. Dahil ikaw lang ang nakakapitan ko noon, p-pero hindi mo ako pinupuntahan"

His eyes gets teary again. He looks so much in pain that I could really see in him what I'm feeling right now.

Suminghap ako. "T-that night, umuwi ako dahil pinauwi muna nila ako. And you know what? Inaasahan ko ang pagsalubong mo sa akin at yakap man lang. 'Yon lang, Crane. Pero b-bakit mo ako kailangang saktan nang ganoon?"

Hindi siya nakapagsalita. Natulala habang pinapanood akong maglabas ng hinanakit sa kaniya.

"Sa bahay pa natin, Crane. B-bakit mo nagawa sa akin 'yon? M-may kulang ba sa a-akin?" Nilapitan ko siya.

Gusto ko ng sagot mula sa kaniya. Gusto kong malaman ang dahilan kung bakit niya ako nagawang lokohin.

And for the second time, I broke down. Nanghihina akong yumakap sa kaniya. Hindi dahil tinatanggap na siya kun'di dahil gusto ko nang makakapitan sa panghihina.

I cried in his arms, dahil ito iyong hinahanap at inaabangan ko mula sa kaniya sa mga panahong naghihirap ako.

He soothe me for a while. Hindi muna siya nagsalita at inalo lang ako sa pag-iyak. Ilang sandali bago ako tumigil at lumayo. Aalis na sana nang magsalita siya.

"I had a family problem, Euna." Halos pabulong niyang sabi na ikinatigil ko.

Hindi ako nagsalita. May parte na sa akin na gusto ng eksplanasyon mula sa kaniya dahil alam kong bibigat ang aking loob pagkatapos ng pangyayaring ito nang walang sagot na makukuha.

"Muntik nang maghiwalay sina Mommy at Daddy" nanginginig ang boses niyang sabi.

Napakurap ako at pinunasan ang luha. Hinarap na siya nang buo at gustong pakinggan pa ang mga susunod niyang sasabihin.

"K-kaya hindi kita nabibisita. I'm sorry. Kailangan din ako ng pamilya ko"

Yumuko siya, ayaw ipakita sa akin ang kakaibang panghihina niya tungkol sa pamilya.

"At hindi kita pinagpalit, Euna. Wala akong iba habang—"

Doon ako nagkaroon ng lakas na magsalita.

"I saw Coleen that night I went home. Lumabas siya ng kwarto mo at suot na ang damit mo." Sabi ko na mabilis na ikinaangat ng tingin niya.

Natigilan siya roon at tila nagulat sa sinabi ko. Pinunasan ko ang luhang lumandas sa pisngi at huminga nang malalim.

Tangled under the Stars (AS#2) [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon