抖阴社区

                                    

"Meron boss madam."-wika ni Stell

Lumabas na sila at lumipat sa kabilang apartment at naghilamos na lang ako ng kaunti at kumatok na sa kanila. 

"Hmm, Ashanti, ito oh, kopya ng keys dito sa unit namin. In case you needed to wake us up or needed to do anything for us, you are free to go inside. May kanya kanyang kwarto naman kami so no need to worry na makaabala sa amin."-abot ni Pablo sa akin ng susi nila. 

Kita na agad ang ref nila kasi pagpasok ay sala lang tapos kusina at banyo tas hagdan paakyat na. 

"Makikialam na ako ha?"-sabi ko sa kanila

"Feel free to do whatever you want, apartment mo na din ito."-wika ni Josh.

Binuksan ko ang ref, ang nakita ko ay repolyo at carrots lang tsaka mga panggisa. Hmmm ano kayang pwede iluto? Ah igigisa ko na lang tapos onting oyster sauce. 

Nagsimula na akong maghiwa ng mga gagamitin. 

"Tulungan na kita."-sabi ni Stell at kinuha ang repolyo at carrots.

"Salamat."- at ipinagpatuloy ko na ang paghiwa sa mga panggisa.

Noong matapos na ang paghihiwa ko ay sinimulan ko ng initin ang pan na may onting mantika. Nagulat na lang ako nung nasa tabi ko na si Jah. 

"Panood ako Boss Madam ha?"-wika ni Justin, bakit kaya Boss Madam tawag sakin nitong mga to hahaha loko loko. 

"Sure sure baby bujah."-yes naman komportable na ate niyo.

"Samin kasi sa bahay, hindi ako pinagluluto ni mama. Minsan kasi kapag nagluluto ako nasusunog ko yung pagkain, kung hindi naman dumidikit sa pan yung niluluto ko."-ang baby pa talaga nito ni Jah kung magkwento parang bata.

"Ganito lang yan, kapag mainit na yung pan, ilagay mo yung mantika onti lang since non stick naman to. mga dalawang kutsara tapos, kapag medyo uminit na mantika lagay mo na bawang, kapag brown na, lagay mo na din sibuyas kapag malabo na, lagay mo na yung carrots, inuuna ko carrots kasi matagal siya lumambot."-pagpapaliwanag ko kay Jah habang sinimulan ko na ang paggigisa. 

Kitang kita ko ang pagkamangha sa mukha ni Jah. 

Noong matapos ko na ang niluluto dapat ay magsasaing na ako pero nagulat ako na tapos na. Nagsaing na pala si Josh habang nagluluto ako. 

"Guys, kukuha na lang ako ha? Kain na kayo. Balik na ako sa apartment."-sabi ko sa mga ito. 

"Anong babalik sa apartment?"-nagulat ako sa pagsasalita ni Ken.

"Para makakain na kayo."-casual na sagot ko dito. 

"Baliw. Dito ka din kakain. Sabay tayo mag aalmusal, tanghalian, hapunan, midnight snack. Kung pwede nga dito ka sa unit namin, babalik ka lang sa apartment mo kapag matutulog ka na."-wika ni Stell.

Kumuha ako ng isa isang pinggan at sinandukan sila na parang mga anak ko. 

"Thanks mommy."-sabi ni Jah, siya kasi ang una kong hinainan ng pagkain kasi syempre siya ang baby ng apartment.

"Thanks Boss Killah."-sabi naman ni Ken, ano ba tong mga to abnormal hahahahaha. Boss Killah tas kanina Boss Madam ano ba yan? HAHAHAHAHA

"Thanks, Ashanti. Don't be like this everyday, baka masanay kami, maspoil kami."-sabi naman ni Pablo. 

"Thank you, Ashanti."-sabi ni Josh sabay sunggab sa pagkain. 

"Maupo ka na."-sabi ni Stell. 

"Wala ka pang pagkain."-hindi ko pa kasi siya nasasandukan. 

Not An Ordinary A'TinWhere stories live. Discover now