"Mine."-kinukulit nanaman ako ni Stell habang nagluluto.
"Mineee."-bulong nito sa tenga ko.
"Ano ba nagluluto akoooo, Mine."-wika ko dito.
"May sasabihin ako kasi."-sabi niya naman
"Ano?"
"Happy weeksary."-natawa ako ng bahagya sa sinabi niya.
"Itong si Mine parang bata. HAHAHAHA happy weeksary."
"Mahal mo ako?"
"Mahal na mahal po."
"Mahal din kita, mine."-sabi naman niya at yumakap from the back.
"Early in the morning, gigising ka tapos ito makikita mo. Haaay."-nagulat kami sa pagbaba ni Pablo.
Umupo na si Stell at nakipag-usap kay Pablo habang ako naman ay pinagpatuloy ko ang pagluluto.
"Wala si Ken sa kwarto niya. Gigisingin ko dapat eh."-sabi ni Josh sa amin.
"Di nanaman dito natulog?"-tanong ni Jah na nakatulala habang nagsasalita.
"Malamang wala nga sa kwarto diba?"-iritableng sagot ni Pablo.
Sa totoo lang naiinis pa rin ako sa sarili ko dahil sa nangyari. Hindi ko alam, masaya ako na kami na ni Stell pero malungkot pa rin knowing na nakasakit ako ng tao. At hindi lang basta basta na tao si Ken. Malapit na din siya sa akin.
May event pa sila mamayang 2pm, paano kaya si Ken? Aware naman siguro siya dun.
"Sorry."-wika ko sa kanila habang hinahain ang pagkain nila.
"Why are you saying sorry?"-tanong ni Pablo
"Kasi ako yung dahilan kung bakit nagkakaganyan si Ken ngayon. Naaapektuhan yung friendship niyo na dapat kami lang yung hindi okay."
Hinawakan ni Stell ang kamay ko at pinisil pisil yun. Maraming beses na akong kinocomfort ni Stell na kesyo wala daw yun, need lang daw ng oras at panahon ni Ken.
Sana nga ay ganun lang.
Pagkatapos kumain ay napagdesisyunan na nilang kumilos para maaga makapunta sa company. Ako naman bumalik na sa unit. Subukan ko kayang tawagan si Ken?
Calling Ken Suson....
Hindi niya sinasagot, pero uulitin ko ng uulitin hanggang sa sumagot siya. Siguro tinatawagan ko na lang siya ngayon bilang P.A dahil trabaho kong alagaan at bantayan sila.
"Hello."-hindi ko alam kung bagong gising ba ito o ano. Pero yung malalim niyang boses mas lumalim pa.
"K-ken? Buti naman sinag...."
"May sasabihin ka ba?"-parang tinusok nun ang puso ko, alam ko wala akong karapatang magreklamo dahil totoong nasaktan ko siya.
"May event kasi kayo ng 2pm diba? Eh pinatatawag na daw kayo sa company ng 10. Nasaan ka? Gusto mo ba daanan ka namin?"-sabi ko dito.
"Nasa condo lang ako. Hindi ko alam kung kakayanin ko kumilos. May sakit ako. Pwede mo bang kausapin sila manager?"
Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Sa ilang buwan ko first time ko maencounter ito na may nagkasakit sa kanila. Kilala ko silang lahat, kahit may sakit sila sinisikap pa rin nilang pumunta sa event. Siguro sobrang malubha ang sakit niya kaya hindi niya kaya.
Pagkatapos kong maligo ay agad akong nagpaalam sa boys na may pupuntahan lang ako pero hindi ko si Ken yun.
"Mine, aalis muna ako. May emergency lang."-sabi ko kay Stell sabay halik sa labi niya.

YOU ARE READING
Not An Ordinary A'Tin
FanfictionAshanti is a solid fangirl of this ppop boy group. One night, she won a contest and the prize is to have a date night with the boy group. How will their story start?