抖阴社区

Chapter 3

131 8 0
                                    

Noong makarating kami sa company ay unang bumaba ang mga nasa harapan na si Jah, Josh at Pablo sumunod dun si Stell at inalalayan akong bumaba. Bitbit ko ngayon ang isang bag na hindi nila alam ay naglalaman ng sandwiches at water tumblers nila in case they needed. Diretso rehearsal kasi sila for a tv show after ng interview nila. One hour ata ang interview tapos the whole day ay talaga namang pupuspusin nila ang rehearsals kasi tatlong araw na lang iyon. 

"Will you be okay here, Ashanti?"-tanong ni Pablo sa akin kasi sa audience lang ako habang iniinterview sila dala dala ang mga gamit nila like cellphone and other stuffs.

"Yes yes, i will be okay here. Goodluck, Pinuno."-and i gave him my sweetest smile.

All of them handed me their cellphones and some stuffs. Wait? Nasaan si Teytey?

"Ken, nakita mo si Stell?"-tanong ko kay Ken kasi siya ang last na nag-abot ng gamit sa akin.

"I haven't seen him, Ash. Maybe nasa cr."-maikling tugon niya.

Agad akong pumunta sa cr pero abnormal muntik na ako pumasok, male nga pala ito at babae ako potek na yan. 

Maya maya lang ay lumabas na nga si Stell dun. Nagkagulatan pa kami. 

"Gamit mo? Bilis po, malapit na po magstart, nag bibriefing na dun."-wika ko sa kaniya.

"Ito na po Boss Madam."-sabay abot niya sa akin ng mga gamit niya. 

"Goodluck, Teytey."-saka ko siya nginitian. 

"Ayan, hindi na ako kinakabahan."-sabi niya pa sa akin at tinap ang ulo ko. 

Sabay kaming bumalik ni Stell sa kwarto kung saan ang interview. Agad naman siyang pumwesto sa upuang laan para sa kaniya. Katabi ko ang ilang A'TIN na nandito personally para panoorin sila. Talagang hati hati sila. Kaniya kaniyang bias sila. 

"Hindi ba siya yung nanalo sa tiktok contest? Bakit siya nandito?"-wika nung isang babae

"Ang swerte niya, one date night lang tapos ngayon close na sila noh? Nakita ko kanina kasama niya si Teytey sa labas eh."-ibang babae naman ang nagsalita.

 Maya maya ay may isang babae ang lumapit at tumabi sa akin, ah yung isa dun sa nagsalita. 

"Hello. Asha..... ano nga po ulit pangalan mo ate?"-wika niya sa akin.

"Uhm, Hello, Ashanti.  "-pagpapakilala ko dito at nginitian. 

"Ayun, Ashanti. Im Rielle, A'TIN din ako. Diba ikaw yung nanalo dun sa tiktok? Close mo na po sila?"-kung iisipin niyo ay parang nagtataray si Rielle pero hindi, maayos ang pagkakatanong niya at parang curious lang talaga. 

"Ay oo ako nga yun. Hindi sa close, P.A kasi nila ako. Nag apply ako sa kanila and luckily natanggap naman ako."-pero sa tingin ko ay hanggang dito na lang ang pwede kong ikwento sa kanila. 

"Ate Ashanti, baka pwede mo naman kaming ilapit po para makapagpapicture."-tanong nito sa akin. 

Sasakit ang puso at kalooban ko kung hindi ko siya mapagbibigyan.

"Ilan ba kayo? Kasi syempre unfair sa ibang A'TIN na nandito."

"Kaming dalawa lang po ni Maris."-turo niya sa isa niyang kasama, yung kausap niya kanina. 

"Sige susubukan ko ha?"-sabi ko dito. 

Nagsimula na ang interview at binigyan ko ng thumbs up ang boys na sinuklian nila ng ngiti. Sa una ay kinamusta sila ng mga nagiinterview sumunod na dun ang maiinit na katanungan. 

"Sikat na sikat na kayo ngayon. Pero ang tanong ng karamihan, may girlfriend na ba kayo?"-wika ng mga ito. 

Nagtilian ang A'TIN sa audience dahil sa tanong. Syempre bawal pa silang mag girlfriend dahil malamang ay makasira sa image nila yun. 

Not An Ordinary A'TinWhere stories live. Discover now