抖阴社区

Chapter 5

135 6 0
                                    

Hindi ko alam kung pagpapakatanga ba ang tawag dito, pero ilang araw na akong nagsushoot ng sulat sa pinto ni Stell. Paulit ulit naman yung sinasabi ko dun.

Stell, balik na tayo sa dati. Let's save our friendship.

Willing akong pilitin na tanggalin yung feelings ko sa kaniya pero sana ipangako niya na babalik kami on how we used to be before.

Pero mag-iisang linggo ko na yun ginagawa pero parang walang epekto. Tuloy pa rin ang pag-iwas niya. Sa almusal nga siya na lang ang nilalagyan ko ng sticky note kasi gusto ko talagang maayos kami.

------------------------

Paluto na ako ng breakfast ngayon, tulog pa ata sila. Kasi madilim pa dito sa baba. Sunday ngayon so rest day. Wala silang commitment to do.

Nagkagulatan pa kami ni Stell pagbukas ko ng pinto.

"Uminom lang ako, Ash. Magluluto ka na ba?"-how i miss this times na nagkekwentuhan lang kami na walang ilangan.

"Can you help me?"- i tried na magpaawa sa kaniya pero it didn't worked.

"Kaya mo na yan. Inaantok pa ako eh."-sabi niya, pero masaya na ako kasi after a week ng pag-iwas niya ito na ata ang pinakamatagal naming pag-uusap.

Paakyat na siya pero pinigilan ko siya.

"Teytey."-tawag ko dito at lumingon naman siya.

"Im sorry. Im sorry na minahal kita. Kung alam ko lang na masisira friendship natin sana hindi na lang, sana pinigilan ko na lang. Sana mas pinili ko na lang isave friendship natin kaysa nag take ako ng risk na aminin sayo yun."

"Magiging okay din lahat, Ash pero hindi pa siguro ngayon. Iwas muna sa isa't isa."-sabi niya na hindi matanggap ng puso ko. Masyado na akong nagpapakababa sa pagsuyo sa kaniya. Mali ba ako? Ano bang mali sa minahal ko siya?

"Stell naman. Huwag mo naman akong pahirapan."

"Pahirapan? Ikaw lang ba, Ash? Nahihirapan din ako."

"Nahihirapan? Alam mo ba kung gaano kahirap yung araw araw na gusto kitang kausapin. Na kapag gusto kong tumawa gusto kitang lapitan pero palapit pa lang ako paiwas ka na. Kung makaiwas ka akala mo may sakit ako."-hindi ko na napigilan ang sarili ko, tumulo na ang luha ko.

"Sa trabaho nahihirapan din ako. Ang hirap kumilos na may taong umiilag sayo. Alam mo ba yun? Hindi mo alam."-humihikbi hikbi na ako dahil tuloy ang karera ng luha ko.

Hindi siya nagsasalita at bahagyang nakayuko.

"Kalimutan mo na ako. Walang pag-asa yung binubuo mo sa isip mo."-nagunaw ang mundo ko.

"Aalis na lang ako. Hindi ko kayang magtrabaho ng may dalang sama ng loob."

"Then sige, kung yan ang makakatulong para sa ati----"

"Ano yan?"-bumaba si Pablo

"Wala."-sabay akyat ni Stell

Bumaba ng tuluyan si Pablo para icomfort ako.

"Wala yun. Siguro...."

"Anong meron? Bakit ang ingay..... oh bakit ka umiiyak?"-nagulat ako at napapunas sa luha ko noong bumaba si Ken.

"Siguro magreresign na lang ako."-sabi ko kay Ken at kay Pablo

"Resign? Bakit? Maayos naman tayo ha?"-sabi ni Pablo

"Dahil nanaman ba kay Stell to??"-bumakas sa boses niya ang galit.

Dali daling umakyat si Ken at kinatok ang kwarto ni Stell.

Not An Ordinary A'TinWhere stories live. Discover now