抖阴社区

                                    

"Single na single po."-as a leader si Pablo ang unang sumagot. 

"Single din po."-sabi naman ni Josh.

"Hihihi single din po ako."-sabi naman ni Jah na napakacute.

"Hindi na po ako single. Double na po ako, medyo tumaba po kasi."-nagtawanan ang lahat sa loob ng kwarto sa sagot na iyo ni Stell. 

"Pero biro lang po. Never po magiging single kasi nandiyan po ang A'TIN."-sabay tingin nito ni Stell sa audience. Sa kanilang lahat si Stell talaga yung masasabi kong sobrang malapit sa fans. 

"Wala po akong girlfriend, pero may nagugustuhan po."-bahagyang tumahimik ang kwarto sa isinagot ni Ken, ang ineexpect ko lang ay sasagot siya na single siya kagaya ng ibang miyembro. 

"Name drop name drop name drop."-sabi ng mga A'TIN.

Pero nag move forward na sa next question ang mga nagiinterview. After an hour ay totoo ngang natapos ang interview. Noong maiwan na ang SB don ay agad akong lumapit hawak ang tissue. At inabutan sila isa isa. Noong makarating kay Stell ay inilebel niya ang mukha niya sa akin, senyas para ako ang magpunas ng pawis niya. Kaya agad ko namang pinunasan iyon. 

Inabot ko din ang kaniya kaniyang tumbler nila para naman makainom inom sila. 

"Uhm, huy guys. May dalawa akong friend dun. Baka pwede namang magpapicture sila."-sabi ko sa kanila.

Pero tinawag na sila ni Tatang Robin para sa rehearsal. Isa isa silang kumaway sa A'TIN. Si Pablo at si Ken ay nag alabyu pa sa mga ito. 

"Tara. Nasaan?"-kayag ni Stell sa akin. 

"Pero tawag na tayo dun ni Tatang."-sabi ko pa kay Stell.

"Hindi naman matagal ang pagpapapicture."

Agad kong pinuntahan si Rielle at Maris at dinala sa gilid kung nasaan si Stell.

"Hala. Hello Teytey."-sabi ni Maris na halos hindi naa magkandaugaga sa kilig.

"Hello."-sabi naman ni Stell na sobrang hyper.

Pumwesto na si Maris sumunod naman si Rielle. Inalok ko na pipicture-an ko silang tatlo at pumayag naman sila. 

"Sige girls ka, tawag na kami nitong magandang to eh. Mag- iingat kayo pauwi ha? Salamat sa pagpunta."-sabi ni Stell sa kanila. 

"Thank you, Teytey. Thanks po ate Ashanti."-sabi pa ni Rielle sa akin. 

Naglakad na kami ni Stell papasok sa rehearsal room. Nagsisimula na mag ayos ang ibang miyembro. Magpapalit na din sila ng mas comfy na damit para masimulan. Kagaya ng sabi ko in 3 days performance na nila. May 4 na performance sila don. Una is Go Up, Alab tas Tilaluha at sa huli is Rainbow ng southborder.

"Hoy, Nosus. Anong special someone sinasabi mo kanina?"-bulyaw ni Josh kay Ken. 

"Special someone di mo alam?"-seryoso at malalim na boses ni Ken ang sumagot kay Josh. 

"Hindi naman ganun sinasagot mo dati."-sabi naman ni Jah

"Hayaan niyo na yan si Ken, matanda na iyan. Alam na niya ginagawa niya."-sabi naman ni Pablo

Hindi naman mahigpit ang management sa kanila, as long as hindi naman makakasama ang ginagawa nila. Pero dapat ay pinaalam pa rin ni Ken ang isasagot niya. 

Matapos ang ilang practice nila sa Alab ay nakita ko ang pagod sa mga mata nila kaya naman kinuha ko ang pinrepare kong sandwich para sa kanila, syempre may sticky notes ulit yun. 

"Alam mo, Ashanti, first time namin mag ka P.A kasi sa sobrang dami na ng gawain namin, need na talaga ng gagabay sa amin. Pero sobra pa sa sobra ginagawa mo, first day mo pa lang ha?"-sabi ni Josh na ikinatuwa ko naman kasi naaappreciate nila kami.

Not An Ordinary A'TinWhere stories live. Discover now