抖阴社区

                                    

Lahat sila ay nagthank you. Natutuwa ako kasi nakikita ko sa mukha nila na masaya sila sa nababasa nila sa sticky note. 

"Hmm. Bat ang tahimik? Pagod?"-napansin ko kasing tumahimik si Stell sa gilid. Tumango lang siya at kinain ang sticky note. 

May problema ba ito? Bigla na lang tumatahimik. 

5pm na natapos ang pagrerehearse nila kaya napagdesisyunan namin na umuwi na din para sa bahay na maghapunan. As usual hinatid kami ng van. 

Imbis na dumiretso sa unit ko, sa kanila na ako dumiretso para makaluto na. Inuna ko na ang pagsasaing para saktong pagkatapos ko magluto ay tapos na din ang sinaing. 

Nagprito lang ako ng manok at gagawa ng gravy since ito na lang meron ang sa ref. 

"Huy guys. Wala na pala tayoong stock para bukas. Mamimili ako sa palengke. May nakita akong malapit na palengke jan, nakita ko kanina sa byahe. Wala naman tayo schedule for tom."-sabi ko sa mga ito. 

"Hindi kita masamahan mommy. Uuwi ako malabon. Kapag walang work, umuuwi ako sa malabon."-sabi ni Justin sa akin na parang ang cute kasi parang nagsosorry yung mata niya na hindi niya ako masasamahan. 

"Uy may laro kasi ako bukas nakapangako na ako ng livestream sa a'tin."-sabi ni Josh sa akin.

"Hindi niyo naman ako need samahan baliw."-sabi ko sa mga iyon.

"Sa supermarket ka na mamili, mas safe."-sabi naman ni Pablo

"Okay po."-sagot ko 

"May pera diyan, diyan ka kukuha ng mga bayad sa gastos dito sa apartment natin."-i love how Pablo emphasized the word NATIN feel ko na belong na belong ako dito sa unit. 

"Sorry, boss madam nakapangako ako kila lola na uuwi ako Las Pinas."-sabi ni Stell, nag expect ako na sasamahan niya ako pero hindi. Huhuh pero okay lang, kaya ko naman talaga mag-isa kasi kami ni Jela ay salitan din sa pamimili sa apartment. 

"Samahan kita."-wika ni Ken, naalala ko na OFW parents niya kaya okay lang kahit hindi siya umuwi. 

"Ayun pala si Nek eh. Alagaan mo na lang prinsesa natin."-sabi naman ni Josh, nung kay Josh nanggaling ay wala naman akong kilig na naramdaman pero bakit kapag galing kay Stell grabe yung kilig na nararamdaman ko. 

"Huwag na, Ken. Kaya ko naman yun promise. Pahinga ka na lang dito."

"Mabigat yun syempre. Samahan na kita, ako tagabuhat."-sabi niya kaya wala na din akong nagawa.

After that, kumain na kami. As usual sinandukan ko sila isa isa. Masayang masaya sila at masaya din ako na pagsilbihan ang mga ito. Mukhang mamahalin ko ang trabaho na ito. 

Pagkakain ay nagligpit na ako at naghugas ng pinggan. 

Hindi sila matigil kakapasalamat ang kukulit, sinabing bayad naman ang mga ginagawa ko at obligasyon ko to bilang p.a nila. 

Nakapagpaalam na ako sa kanila kaya naman hinatid na ako ni Stell sa kabila. 

"Salamat Teytey."-sabi ko dito,

"Bukas ha? Text mo lang ako kapag di ka inalagaan ni Ken ha?"-sabi niya na seryoso ang tono.

"Baliw ka talaga."-sabi ko pa na tumatawa tawa.

"Uuwi din po ako kaagad."-sabi niya pa. 

"Mamimiss ka ng mga kapatid mo."-sabi ko at nagpapanggap na nanay niya.

"Mga anak natin."-itinama niya ang sinabi ko.

"Ano?"-kinikilig na ako mga bweh.

"Char"-sabi niya sabay hagalpak ng tawa.

Not An Ordinary A'TinWhere stories live. Discover now