抖阴社区

                                    

"Ano bang problema mo ha?"-sigaw ni Ken kay Stell

"Wala."-simpleng sagot niya.

"Wala? Nakakasakit ka na ng babae ha?"

Sa sigawan nila ay nagbukas na din ng pinto si Josh at Jah.

"Bakit kayo ba hindi? Porket ba umiiwas ako kay Ashanti di na ako nasasaktan? Ni minsan ba may isa sa inyong lumapit sa akin para tanungin kung kamusta ako? Ikaw, Ashanti, alam mo ba kung bakit iniiwasan kita? Iniiwasan kita kasi naduduwag ako. Naduduwag ako na kung itetake ko yung risk na hayaan kong mahalin mo ako, eh baka mas lalong mawala ka sa akin."

His explanation left me in tears. Gusto ko siyang yakapin para magsorry.

"Eh tarantado ka pala eh. Edi sana sinabi mo yan kay Ashanti. Sana diniretso mo. Lalaki ka ba? For once, Stell magpakalalaki ka. Harapin mo takot mo. Hindi yung ilang beses mong papaiyakin, kasi itong babaeng sinasaktan mo, inaalagaan ko."

Gulong gulo na ako. Kasalanan ko ito lahat. Madadamay pa ang friendship nila.

"Tama na pwede ba? Hindi ba natin to pwedeng pag-usapan ng maayos?"-awat ni Pablo sa kanila.

"Guys ano ba?"-isa pa si Josh sa sumaway sa mga mas nakakabatang kamiyembro.

"Hindi madaling iwasan yung babaeng mahal mo, Ken. At sa araw araw na ginawa ng Diyos na nakikita kong ikaw yung kasama niya, nasasaktan ako. Gusto kong maging kasing tapang mo pero hindi ko kaya."

"Sige na Ken bumaba muna kayo ni Ashanti. Kami na muna dito. Kami na kakausap kay Stell."-payo ni Josh kay Ken.

Bumaba kami ni Ken at lumipat sa unit ko.

"Sabi ko naman sa iyo, Ash ako mag-aalaga sa iyo. Pero bakit ganun? Mas pinili mo pa ring masaktan. Ano bang meron si Stell na hindi mo makita sa akin?"

"Siguro may mga bagay na meron ka na wala si Stell, at may mga bagay si Stell na wala ka, pero Ken isang dahilan lang ang alam ko kung bakit hindi ko magawang suklian yung pagmamahal na binibigay mo. Si Stell talaga yung laman ng puso ko since day 1."

Nagulat ako ng bigla siyang sumapak sa pader. Natakot ako. Ngayon ko lang siyang nakitang ganon.  Ano bang nangyayari? Nasaktan ko yung isang taong ayokong masaktan.

"Sa kaniya ka ba talaga sasaya?"-tanong niya habang hawak hawak ang ulo.

"Oo."

Lumapit siya sa akin. Niyakap niya ako ng mahigpit.

"Masakit, Ashanti. Tipong hindi ko maramdaman yung sakit ng kamao ko ngayon kasi nangingibabaw yung sakit na nararamdaman ng puso ko. Pero kung sa kaniya ka sasaya, titiisin ko kaysa makita kong nasasaktan ka."

After he said those words he kissed me on my forehead.

"Sorry, Ken. Im very sorry."

"Sige na, akyatin mo na si Stell, mamaya magbago pa isip ko di kita pakawalan dito."

I don't know but i have this urge to kiss him. I kissed him in the cheeks tsaka dali daling pumunta sa kabila at agad na pumanik. I almost broke down when i saw the man i love crying. Umiiyak siya habang yakap yakap si Pablo.

Noong makita ako ni Jah ay kinayag niya si Josh at Pablo para bumaba.

"Iwan muna namin kayo, mag usap kayo. Ayusin niyo yan."-sabi ni Josh

"Si Ken, nasa baba na siguro. Please do everything to comfort him."-sabi ko sa kanila.

"Yes mommy. Basta magbati na kayo ni Daddy."-hay qt talaga justin.

Not An Ordinary A'TinWhere stories live. Discover now