抖阴社区

                                    

Gavriel Dela Riva: Bumalik ka sa akin, tapos ang usapan. 

Gago ba to? After everything i went through with him? Hinding hindi na ako babalik. At bukod pa dun, i already have Stell in my life. 

Ashanti Mikaela Cruz: Gav, im already happy with my life now. May boyfriend na ako and we are good. Please? 

Sineen niya na lang yun at hindi nagreply. Alam kong hindi lang dun titigil si Gav. Kilala ko siya. Marami itong gagawin lalo na't alam na niya kung saan ako nagtatrabaho. Napasapo ako sa ulo ko sa mga naiisip ko.

"Mine? Hindi ka pa umiidlip?"-nagulat ako noong balutin ako ng kamay ni Stell. 

"Hindi pa mine. May sinilip lang ako."-sabay baba ng laptop agad agad.

"Are you sure okay ka lang? Parang may iniisip ka."

"Okay lang, Mine."

----------------------------------------------------------

Lumipas ang mga araw na super okay naman at wala namang kakaibang nangyari. Since nandito din si Stell hindi ako nagkaroon ng chance na kausapin ang papa ko. 

Pauwi na kami ni Stell sa apartment dahil balita namin ay nandun na ang apat. 

"Sinong namiss niyooo?"-wika ko pagpasok sa apartment. Agad akong niyakap ni Josh, Pablo at Justin.

"Ikaw di mo ako namiss?"-sabi ko kay Ken na nakaupo lang. 

"Syempre namiss."-tumayo si Ken at ginulo ang buhok ko. 

"Kamusta mga bakasyon niyo?"-tanong ni Pablo

"Okay lang masaya, may jowa eh."

"Sana all."-sabi ni Jah

We almost spent our day na nagnetflix and chill lang. 

Hindi ko maiwasang matulala at mag-isip. Para bang bumabalik ang takot ko kay Gav. 

------------------------

Paakyat na kami ngayon sa company. Magrerecord nanaman ang SB19.

"Mikaela."-siya lang naman ang tumatawag sa akin ng ganun kaya alam kong si Gav yun. 

"Anong ginagawa mo dito?"-sabi ko pa dito

"Im here to take you out."

"Nandito boyfriend ko and i have a work to do."

"You know what i can do kung tatanggihan mo ako ngayon."

Wala akong nagawa kundi sumakay sa kotse niya. 

"Baka naman pwede mo akong hayaan na imessage ang boyfriend ko?"

"Go."-maangas na sinabi niya

Ashanti Mikaela Cruz: Mine, may emergency lang. I will be back in few minutes.

Stell Ajero: Are you sure? Ikwento mo sakin to ha?

Ashanti Mikaela Cruz: Yes mine. I will. I love you. 

Huminto na din si Gav sa kakamaneho at bumaba na kami sa isang mamahaling restaurant. 

"Ano bang gusto mo?"-i immidiately asked him.

"I want you back. Kung babalik ka sa akin, i will tell Dad na kalimutan na ang utang ni Tito. And i will guarantee you that i will do everything and i will give everything to you." 

"Gav, please respeto na lang. May boyfriend na ako. About sa utang ni Papa, nakausap naman na ni Papa si Tito. Nagbabayad naman kami hulugan."

"Are you sure about that?"

Not An Ordinary A'TinWhere stories live. Discover now