抖阴社区

                                    

Nung huminto iyon ay mas lalong kumabog ang dibdib ko. Hindi ko na talaga alam kung ano ba itong nararamdaman ko.

"Dito lang ako mars ha?"-pumasok na si Jela at Papa sa loob ng conference room na idinisenyo ngayon para sa kasal namin ni Stell.

Nung buksan ang pinto ay bumulaga sa akin ang mga bisita. Ang gagawapo at ang gaganda din nila. Nagulat ako ng kayagin ako ni Papa, aba'y parang church wedding dahil inilakad ako ni Papa sa isle.

Hindi kalayuan ay natanaw ko si Stell at nasa likod ang apat na kamiyembro. Bakas ang luha sa mata niya.

Ang gwapo ng Mister ko. 🥺

Iniabot ni Papa ang kamay ko kay Stell at kinuha naman niya yun . Nagmano siya sa papa ko at siyang tapik naman ni papa sa kaniya.

Sunod ay nagfist bump siya sa mga kamiyembro sabay kaming lumakad patungo sa judge.

"Ashanti Mikaela Cruz, do you take Stellvester Ajero as your lawfully wedded husband?"

Napatigil ako sa tanong na iyon, hindi dahil hindi ako sigurado sa isasagot ko. Napatigil ako dahil hindi ako makapaniwalang ang lalaking pinapangarap ko lang noon ay pinakakasalan ko na ngayon.

"I do."

"Stellvester Ajero, do you take Ashanti Mikaela Cruz as your lawfully wedded wife?"

Walang padali dali ay sumagot ito.

"I do."

Bigayan na ng wedding vows. Bahagya akong tumingin sa mga taong sumasaksi ngayon sa kasal namin.

Nakita ko ang papa ko na teary eyed, ang mama ni Stell ay naiiyak na din. Sila tatang robin ay diretsong nakatingin at mukhang proud at masaya sa nasisilayan.

"Sabi ko sayo Tey, magsusulat ako ng wedding vow sa bahay, kaso naisip ko mas magandang hindi yun planado. Kaharap ang mga tao ngayon dito, sila ang sasaksi sa mga sasabihin ko."-panimula ko.

"I started as your fan. Opo, tama po. Isa lang po akong ordinaryong taga hanga ng SB19. Maswerte pong nakasama sila dahil nanalo sa isang contest online. At mas maswerte po noong matanggap na PA ng mga ito."

Nakita kong namumuo ang luha sa mata ni Stell.

"Malabo po kung iisipin pero yung lalaking pinapangarap ko, kasama ko na pong bubuo ng iba ko pang pangarap. TeyteyMan, Stell, Vester, Lester o kung ano pang tawag sa iyo, wala akong ibang gustong ipangako sa iyo kundi ang mahalin ka hanggang sa huling hininga ng buhay ko."

Humigpit pa ang hawak ni Stell sa mga kamay ko.

"Walang perfect sa mundo pero gagawin ko ang lahat para maging the best wife at mother sa future children natin. Gagawin ko ang lahat lahat para sa iyo. Stell, i love you, mahirap man ang tatahakin natin syempre dahil sa career mo na pinoprotektahan natin, kakayanin ko at kakayanin natin. Okay? Kasama mo ako sa lahat ng ups and downs ng buhay mo. Mahal na mahal kita."

"Ikaw naman, Mister."-sabi ng judge kay Stell

"Ano pang sasabihin ko ginalingan na ng misis ko?"-sabi nito na nagdulot ng pagtawa ng mga bisita.

"De joke lang mine. Hindi ako mahilig mangako, pero ang masasabi ko lang mamahalin kita hanggat buhay ako. Kakayanin ko lahat basta nandiyan ka. Gagawin ko ang lahat ng magpapasaya sa iyo. Gagawin ko lahat ng tingin kong tama para sa atin. At tatandaan mo, you're NOT AN ORDINARY A'TIN, kasi para sa akin hindi ka lang basta fan, ikaw ang buhay at lakas ko."

Not An Ordinary A'TinWhere stories live. Discover now