Hindi na napigilang bumagsak ng luha ko. Gustong gusto ko na siyang yakapin pero hindi ko pa magawa.
"Mine, wear this ring as a sign of my love and loyalty. In the name of the father, the son, the holy spirit, AMEN."
"I now pronounce you man and wife. Congratulations Mr. and Mrs. Stellvester Ajero."
Narinig ko ang palakpakan ng mga bisita.
"You may now kiss your wife."
Unti unting lumapit ang mukha ni Stell sa akin. Inilapat niya ng unti unti ang labi niya sa labi ko at nilabanan ko yun.
Maraming beses na nagtama ang labi namin pero totoo ang sinabi nila na iba ang halik ng bagong kasal.
Unang lumapit ang pamilya ni Stell sa amin upang icongratulate kami at magpicture kasama kami.
Sumunod naman si Papa at si Jela tapos ay sumama din ang pamilya ni Stell para sa aming family picture.
Sunod sunod ng lumapit ang mga bisita. Meron kaming picture kasama sila tatang at sir kim, miss hong at miss rizza.
Mga pamilya ng bawat member.
And lastly solo pictures ng isang member sa amin tas group photo namin.
Sa kabilang kwarto ay nandun na ang catering, dito na lang din namin idadaos ang reception para hindi na delikado na maspottan ng fans.
"So ayun nga since nandito na tayo lahat, umpisahan natin sa paspeech. Unahin na natin ang tatay ng ating groom."-sabi ni Ate Rose dahil sila ni Kuya Yani ang MC.
Agad na lumapit ang papa ko at kinuha ang mic.
"Hindi ko alam ang mga paganito kasi first time ko lang naman mag ganito. Basta Stell hijo, alagaan mo lang ang anak ko. Ipinagkatiwala ko siya sa iyo kaya sana huwag mong sirain."
Sumunod naman si Mama ni Stell, siya na lang ang magsasalita para sa pamilya nila.
"Noong unang sinabi ni Lester na ikakasal na siya, natakot ako kasi nasa isip ko hindi pa siya handa. Pero noong naalala ko na si Ashanti pala ang papakasalan niya aba'y pumayag agad agad ako dahil kilala ko ang hilatsa ni Ashanti napakabait na bata. Mga anak, mahirap ang buhay mag-asawa lalo sa sitwasyon ninyo pero lagi ninyong pag-uusapan ang lahat. Laging gustuhin ayusin."
Lumapit lang sa amin si Mama Mylene at bumeso sa amin.
Sumunod na sila tatang robin, sir kim, miss hong, miss rizza na nagbigay ng speech nila. Naiyak pa nga ako kasi sobrang supportive nila knowing na nakataya ang career ni Stell dito.
Tumayo na ang mga miyembro ng SB19 para magbigay ng speech nila.
"Ayun ako pa inuna ako yung walang alam sa ganito. Magjojoke na lang ako, anong tawag sa bagong kasal?"-jusko sabi ko na nga ba at walang matinong sasabihin to si Bujah.
"Ano?"-sumigaw naman ang mga bisita.
"Edi sila."- sabay turo pa sa amin. Halos lahat kami ay napakamot na lang sa ulo.
"Pero pwera joke, alagaan niyo ang isa't isa. Alam naman namin gaano niyo kamahal ang each other."-yun lang ang medyo matino sa sinabi ni Justin. Sumunod sa kaniya si Pablo.

YOU ARE READING
Not An Ordinary A'Tin
FanfictionAshanti is a solid fangirl of this ppop boy group. One night, she won a contest and the prize is to have a date night with the boy group. How will their story start?
Chapter 10
Start from the beginning