Nakaupo na kami ngayon sa mahabang sofa sa sala ng bahay nila Caleb. Nasa kusina raw kasi ang Tita Eve niya, kaya hindi ko pa nakikita ayaw raw kasi noon mag pa istorbo pag nagluluto. Kaya nandito kami ngayon may piattos na nakalagay sa bowl, tapos mango juice sa maliit na mesa.
"Mahilig pala kayo sa puzzle?" tanong ko kay Caleb habang mayroon siyang tinitext.
"Ahh, oo." sagot niya.
Napansin ko kasi sa bahay nila, may mga puzzle na buo na nakadisplay sa loob ng bahay nila. Sa unang tingin aakalain mong painting ayun pala mga puzzle.
Tumayo ako at lumapit sa pinakamalaking puzzle na nakita ko na nakadisplay sa sala nila. Ang design ng puzzle ay may iba't-ibang bulalak na iba-iba ang kulay pero mayroong malaking sunflower sa gitna, parang ayun talaga ang focus ng design ng puzzle na yun.
"Alam mo ba ayan ang pinaka favorite puzzle na binuo namin." sambit si Caleb na nasa tabi ko na pala.
"Talaga? Kayo ang bumuo nito? As in kayo? Ang laki nito ah! Feeling ko maraming tao dapat ang bumuo nito."
Ngumiti siya. "Matagal namin pinaghirapan bago mabuo yan..pero alam mo ba na kasama namin ni Mavy sina Mommy at Daddy na buohin yan.."
Tinitigan ko siya nakita ko yung lungkot ng mga mata niya. "Naalala ko pa, naging bonding namin buohin yan, kahit busy si Daddy sa pagtatrabaho mag bibigay talaga siya ng kaunting oras niya para tumulong saamin noon."
"Talaga?" ayun na lang ang lumabas sa bibig ko.
"Oo..matagal naming nabuo yan kasi madalas pagnagkasama-sama na kami nila Mommy sa kwarto kaysa buohin namin yan ang kinakalabasan ay naghaharutan kami. Ang saya.. Ang sayang ala-ala."
Hindi ko maintindihan parang sumakit yung puso ko sa tanawing nakikita ko ngayon. Malungkot na mukha ni Caleb habang titig na titig sa puzzle na binuo nila ng pamilya niya. Tumingin siya sa akin sabay ngiti pilit niyang tinatago ang lungkot na nararamdaman.
"Halika, ililibot kita sa bahay."
Umo-o na lang ako sa gusto niya. Hinawakan ko ang kamay niya. "Okay ka lang?" tanong ko.
"Oo naman. Okay pa ko sa okay!" sabay ngiti ng pagkalapad-lapad. Ang galing talaga nitong magtago ng nararamdaman niya.
"Papakita ko yung kwarto ko sayo. Halika!" sabay hila niya sa braso ko.
"B-bat sa kwarto mo? Baka kung anong gawin mo sa'kin doon?"
"Hahaha. Anong tingin mo sa'kin?" sambit niya sabay ngisi. "Teka? Ano bang iniisip mo ang gagawin ko sayo?"
"W-wala, masama bang magtanong? Halika na nga dun sa kwarto mo." nahihiyang wika ko sa kanya.
"Yes Yenyen kow!"
Umakyat kami sa second floor, "Ito ang kwarto ko." turo niya sa kanang pinto, "..at ito naman ang kwarto ni Mavy" turo niya sa kaliwang pinto.

BINABASA MO ANG
Don't Blame Me, Blaine!
RomanceLumapit siya lalo sa akin, isang dangkal na lang yata ang pagitan namin dalawa. Hindi ko alam ang gagawin ko, nakatingin lang ako sa kanya, tumahimik din bigla rito sa court, ano bang gagawin nito? Tumingin siya sa mata ko, sa ilong ko, at sa labi k...