Nagmamadali akong umakyat ngayon papunta sa rooftop ng main building. Paano kasi baka maabutan na naman ako ng Caleb na yun. Friday na ngayon pero hindi niya pa rin ako tinatantanan.
Hayaan ko lang daw siya na ipakita yung nararamdaman niya sa'kin, nung una okay pa sa'kin pero halos araw-araw para siyang linta na kung nasaan ako nandoon din siya, hindi ko na tuloy nagagawa yung mga dapat kung gawin.
Nasa 3rd floor na ko nang makarinig ako ng naiyak, kaya kusa akong napahinto. Lumakad ako para sundan yung tunog hanggang napunta ako sa classroom.
May dalawang estudyante, hindi ko makita yung babae kasi nakatalikod sa'kin pero sigurado ako na yung lalaki ay si Blaine Mavy, imposible kasing si Caleb yun kasi ang alam ko hinahanap ako ngayon nun.
"Mavy, i love you.. please pagbigyan mo naman ako." Nahikbi yung babae habang sinasabi yun, nakakaawa naman siya bakit kailangan niya pang magmakaawa.
"Sorry, but I don't love you, I don't even like you." direstyong sagot ni Mavy, ang sakit nun sa part ng babae, mas lalong lumakas ang iyak niya, napailing na lang ako. Poor girl.
Hindi na kinaya ng babae kaya dali-dali itong lumabas ng room, nabigla naman ako kaya hindi na ako nakaalis sa pwesto ko malapit sa pinto, napahinto pa yung babae at tinignan ako pero hindi na siya nakapagsalita pa at umalis na agad.
Aalis na rin sana ako nang mapansin ko na nasa pinto na rin pala si Mavy na nakatingin sa'kin. Hindi ko alam ang gagawin ko kaya ngumiti na lang ako ng pilit. "H-hi!" sabi ko hindi ko na inantay yung isasagot niya tumakbo na rin ako papunta sa rooftop.
Nakakahiya baka sabihin nun chismosa ako. Tss.
Hinihingal pa ko bago ako nakapunta sa rooftop, gusto ko talaga rito e, tahimik kasi at ang lakas ng hangin, tanaw ko pa ang malawak na school. Hanggang ngayon namamangha pa rin ako sa ganda at laki ng Yellow Blaine University.
Umupo ako sa sahig, isinandal ko naman ang likod ko sa gilid ng rooftop habang ang mga hita ko ay naka-straight, mas gusto ko yun gantong pwesto kaysa naka-indian sit.
Kinuha ko na sa backpack ko ang aking favorite meryenda. Piattos sour cream and onion flavored potato crisps at mineral water. Kahit ito lang solve na ko.
"Ang sarap talaga nitong Piattos green."
"Pero mas sasarap yan kung bibigyan mo ko!" nagulat ako sa nagsalita kaya nilingon ko kung sino yun, tss. Si Caleb lang pala, nahanap na ko ni Baliw.
"Bakit tinakasan mo ko ha?" hinahingal na sabi nito habang naglalakad papalapit sa'kin, inirapan ko lang siya. Tumabi siya sa'kin at nag-indian sit.
"Penge!" at akmang kukuha siya pero nilayo ko sa kanya yung Piattos. "Damot!" bulong nito pero rinig na rinig ko.
Isinandal niya rin ang likod niya, pati ang ulo. Nagtataka ako kung bakit hindi na ata siya nagsasalita kaya tinignan ko si Caleb sa mukha. Nakapikit pala ito na parang hindi nakatulog ng ilang araw.

BINABASA MO ANG
Don't Blame Me, Blaine!
RomanceLumapit siya lalo sa akin, isang dangkal na lang yata ang pagitan namin dalawa. Hindi ko alam ang gagawin ko, nakatingin lang ako sa kanya, tumahimik din bigla rito sa court, ano bang gagawin nito? Tumingin siya sa mata ko, sa ilong ko, at sa labi k...