Lumipas na ang isang linggo, masasabi kong medyo tumahimik muli ang buhay ko. Balik kasi ulit ako sa dati. Walang pakialam sa mundo, kahit binabati ako ng mga taong nadadaanan ko.
Pero aaminin ko, hindi ako masaya. May kulang. Namimiss ko siya. Namiss ko yung kakulitan niya, namimiss ko ang lambing niya, namimiss ko ang lahat sa kanya. Corney ko nu? Pero hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito. Kinulam ata ako ng taong yun.
Simula nang sinabi ni Caleb na hindi na niya ko papansinin. Totoong ginawa niya yun, parang hindi na kami magkakilala. Kahit nagkakatagpo kami sa school, parang hangin lang ako sa kanya. Tulad ngayon sa cafeteria.
"Ate, piattos green po yung malaki." sabi ko sa tindera. Ngumiti siya at inabot sa akin yung binili ko.
Pagtalikod ko, may nakabunggo ako dahilan para malaglag yung binili ko. "Sorry" bigkas ko bago ko kukunin ang snack ko.
Hindi ko napansin na kukunin din pala nang nakabungo ko yung piattos. Hindi tuloy sinasadyang nahawakan ko yung kamay niya. Dahilan para mabigla ako, dahil parang may kuryenteng dumaloy sa kamay ko.
Pag-angat ko ng tingin. Si Caleb pala! Siya pala. Hinayaan ko na siya na lang ang kumuha at iabot sa akin ang pagkain.
"Thanks." sabi ko. Tumingin lang siya sa akin saglit at umalis na. Parang hindi na niya talaga ako kakilala. Ang sarap sanang mag-emote kaso ako naman ang may gusto nito kaya hahayaaan ko na lang.
Kaysa pumunta ako sa rooftop para doon kumain, naisipan ko na lang mag-stay sa cafeteria. Umupo ako sa malapit sa table nila Caleb. Teka lang? Parang stalker lang ang peg ko ah?
Kasama niya sa table si Mavy at ang mga classmate nilang lalaki. Pasimple lang akong tumitingin sa kanila. Sige ako na! Ako na ang stalker!
"Caleb sino yung kasama mong chicks kagabi, ang ganda, eh."
"Wooh! Pakilala mo naman yun."
So, nakikipag-date na sa iba ni Caleb? Bakit parang ang sakit sa puso, para bang naiinis ako na nasasaktan. Ang hirap iexplain. Nakakainis.
"Miss, may nakaupo ba rito?"
Pag-angat ko ng tingin, isang lalaki na naghahanap na mapupwestuhan. "Wala" simpleng sagot ko. Umupo siya sa tabi ko.
Pasimple ulit akong tumingin sa table nila Caleb, pero inalis ko agad ang mga mata ko sa kanila kasi parang sa table ko naman sila nakatingin ngayon. Tinignan ko na lang yung label ng Piattos na kinakain ko.
"Alam mo ba crush na crush kita! Wala na ba kayo ni Caleb? Diba kayo? Hiwalay na ba kayo?"

BINABASA MO ANG
Don't Blame Me, Blaine!
RomanceLumapit siya lalo sa akin, isang dangkal na lang yata ang pagitan namin dalawa. Hindi ko alam ang gagawin ko, nakatingin lang ako sa kanya, tumahimik din bigla rito sa court, ano bang gagawin nito? Tumingin siya sa mata ko, sa ilong ko, at sa labi k...