抖阴社区

                                    

"Magkaharap lang ang kwarto namin." ngiting banggit niya. "Ahh" ang tugon ko.

Pagbukas niya ng kwarto niya. Wow, malinis at mabango. parang hindi kwarto ng isang lalaki. "kwarto mo ba talaga 'to?" tanong ko kay Caleb. "Oo naman. Bakit?" tanong niya habang napasok kami.

"Wala. Natanong lang." nilibot ko yung kwarto niya, tinignan ko ang CR, binuksan ko yung mini ref niya maraming lamang chocolates. "Favorite mo ang toblerone?" tanong ko.

"Hindi ba obvious?" ngisi niyang tanong. napa-"tsk" na lang ako sa kanya.

Pumunta rin ako sa study table niya. May isang black notebook na nakalagay.

Binuklat ko at medyo nagulat sa nakita. Ang nakalagay sa front page. "Diary" tinignan ko pa yung next page. "Dear Pogi.." pa lang ang nababasa ko hinablot na agad sakin ni Caleb ang hawak-hawak ko.

"Bastos ka nakikita mong binabasa ko pa diba." 

"Eh, hindi mo pwedeng basahin 'to. Diary ko 'to."

Hindi ko mapigilang matawa. "Ano nag da diary ka? akala ko gawain lang ng mga babae yan? Talo mo pa ko ah! Ako nga walang ganyan, eh. Atsaka bakit Dear pogi.." 

"Bakit hindi ba pwedeng mag diary ang mga lalaki? saka kaya Dear pogi.. kasi pogi yung diary ko." sabi niya sabay tago ng diary niya sa cabinet. "Nakasanayan ko yan nang umalis si Mommy nung bata kami para mag punta sa Amerika para alagaan si lola, sabi ni Mommy isulat daw namin yung mahahalagang nangyari sa amin ni Mavy araw-araw para raw pag uwi niya alam niya kung anong nangyari sa amin noong panahong wala siya." paliwanag niya.

"ibig sabihin si Mavy may diary rin?"

"Noong bata kami, oo meron siya. Pero ngayon hindi na. Pang gay raw kasi."

Natawa ako sa sinabi niya. "Eh, bakit ikaw nag da diary pa rin?"

"Nakasanayan ko na rin kasi." sabi niya. "Ang diary na 'to ang lahat ng nakakaalam ng kalokohan at kadramahan ko sa buhay." dagdag pa nito.

"Corny mo." natawa siya. "Hayaan mo na pogi naman ako." natatawang sambit niya.

"Pero teka, uso naman ang telepono dati ah, bakit hindi na lang tumawag ang mommy mo para makausap kayo para di na kayo nag da-diary." 

"Ang dami mo namang sinasabi. Oo, tumatawag si Mommy pero gusto niya pag uwi niya mabasa niya yung mga pinag gagawa namin, sa telepono raw kasi hindi namin nakwekwento lahat, pero pag sa diary nasusulat namin yung lahat ng nangyari.. Ahh basta ganun yun. Unawain mo na lang."

Natawa na lang ako dahil parang naiirita na siyang mag paliwanag. "Siguro natutuwa yung Mommy mo kasi hanggang ngayon ginagawa mo pa rin yan kahit wala na siya."

Ngumiti siya. "Siya lang.. siya lang ang taong pinapayagan kong basahin ang diary ko. Naalala ko pa habang binabasa niya yung diary ko, humahagalpak lagi siya ng tawa." naglakad siya papunta sa veranda kaya sinundan ko siya. "Nakakamiss.. nakakamiss si Mommy."

Don't Blame Me, Blaine!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon