抖阴社区

                                        

“May I?” Inilahad niya ang kamay niya sa harap ko matapos niyang mailagay nang maayos ang crimson robe na susuotin ko mamaya.

I smiled then took his hand. Sakto namang palabas kami ay pumasok si Zandra na naka-velvet high neck sleeveless empire gown na may naka-attach na dirty white cape na may white furs aa paligid. Simple lang ito pero bumagay naman sa maputi niyang balat at sa buhok niyang nakalugay.

“You’re pretty ah,” I told her habang palabas kami sa kwarto.

She smiled then she quietly put my tiara which I already wore back at my birthday.

Sinarado niya ang pinto matapos niya itong maisuot sa akin at sumunod sa likuran namin. “You look fabulous!”

I chuckled. “Thank you.”

Habang naglalakad kami ay nakayuko lang ako. Hindi ko maitago-tago sa mga katabi ko ang kaba.

“Ate, kalma ka lang. It's your day kaya dapat ‘wag kang kabahan.” Narinig ko ang boses ni Zandra sa likod ko.

“You can do this,” sabi ni Callix habang tinatapik-tapik niya ang kamay kong nakapulupot sa braso niya.

Hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa hall kung hindi pa aalisin ni Callix ang pagkakahawak ko sa braso niya.

Napatingin ako sa kanya habang isinusuot niya sa akin ang royalty robe. “Kaya mo ‘yan.” He said to make me feel better.

I nodded then took a deep breath. I hugged the both of them for the last time before walking towards the beginning of the red carpet.

A group of royal guards can be seen in two lines ahead facing each other while holding their own swords upwards. Their swords meet forming an x-like figure. Mabagal akong naglakad sa gitna nila at napansin kong kapag lumalagpas na ako sa pwesto nila ay sabay nilang ibinababa ang kanilang espada, in a very disciplined manner.

While walking, I can hear the lively but welcoming music that the marching band plays. Ngunit pahina ‘yon ng pahina dahil mas nakatutok ako sa nilalakaran ko.

Mabilis ang kabog ng dibdib ko habang tinatahak ko ang mahabang pathway. Pakiramdam ko, lahat sila ay nakatingin sa akin. Ramdam ko rin na pinagpapawisan ang kamay ko. Ngunit kahit na ganon ay sinubukan ko pa ring iayos ang postura ko habang naglalakad. Gano’n ang itinuro sa akin.

Maayos naman akong nakarating sa upuan ko sa gitna kung saan pinalilibutan ako ng council at kasabay no'n ay ang pagtigil ng pagtugtog ng banda. Their seats are arranged in a c-shape, and of course, the seats of my mother and father are a bit higher compared to the rest. Our seats are also placed in a wide elevated platform.

Hinawakan ko ang gilid ng magkabilang parte ng gown ko at bahagyang yumuko upang magbigay galang sa kanila. Pagkatapos ay humarap ako sa mas maraming tao. Iniwasan ko na lang na tumingin sa kanila, bagkus ay tumingin ako sa pinto sa kabilang dulo para makapagfocus.

Mas lalo pa akong ni-nerbyos ng marinig ko na ang nakakabinging katahimikan. Buti na lamang ay binasag ito ng prime minister ng tatlong lungsod: Cepheus, Xenophilia, at Tyran.

“People of Cepheus, sirs, and mada’ams, I hereby present to you Anastasia Kenzie Monterene, whom from now on will be crowned as the Queen of Cepheus. Do you all agree that she can perform her duties as a queen, to her people, and to her country?”

I almost stopped my breath, afraid that there are people who doesn't believe in me and there are some who will disagree. But thankfully, I heard the people's of applause and their approval. Ang iba pa sa kanila ay nakikita kong tumatango. Doon lamang ako nakahinga nang maluwag.

The Princess In Disguise (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon