Umingos ako habang kinakapa kung ano itong malamig na bagay na nakalagay sa kaliwang kamay ko. My forehead creased while thinking hardly. I instantly panic when I can't figure out what is this thing.
Agad na bumukas ang mga mata ko para tingnan kung ano ito pero hindi ko inaasahang masasalubong ko pala ang titig ni Luk. I froze.
Nakaposas nga pala ako...
We stared at each other for seconds pero ako na ang unang pumutol dito.
"What are you doing?" Tanong ko sa kanya. I saw him shifting his gaze to the ceiling.
Matagal siyang nanatiling walang kibo bago niya napiling sagutin ang tanong ko. "Appreciating your beauty."
I can feel it again, the rapid pounding of my heart. Para siyang sumasayaw kasabay ng ilang libong musika. Hindi ko alam kung bakit pero siya lang ang nakakapag-paramdam sa akin nito, maliban sa isa pang tao. And I don't think this is the right time to think about him, to think about the green-eyed man.
Umayos ako ng upo at gano'n din naman siya. "Ilang oras na kaya ang lumipas?" Bulong ko.
"Matagal-tagal din tayong natulog, siguro 12 hours na tayong naka-kulong dito," tugon niya habang nakatingin sa bintana.
Nanlaki naman ang mga mata ko. Labing-dalawang oras?! Gano'n na katagal? Pero hindi naman yun sigurado eh.
Kinapa ko ang bulsa ng suot kong short at nakapa ko ang isang kwadradong bagay. Tsaka ko lang naaalala na dala ko pala ang cellphone ko!
Inilabas ko ito para tingnan ang oras.
"You have your phone?" Tanong ni Luk na tinanguan ko naman.
"It's 9:45 in the morning, ibig sabihin matagal-tagal na rin tayong nandito," pagpapa-alam ko sa kanya.
"May signal ba? Naka-connect ka ba sa wifi? Maybe we can call them para ilabas tayo dito," suhestiyon niya.
Agad kong tiningnan ang status bar at napanguso ng makita kong wala itong signal, pati ang wifi ay wala rin. "Wala eh."
Ramdam kong napasandal siya sa headboard ng kamang inu-upuan namin at bumulong, "Signal jammer."
Ako naman ay nagpatuloy sa paghahalungkat ng laman ng cellphone ko gamit ang kanang kamay ko. Napunta ako sa albums at doon ko nakita ang latest picture na nakuha ko. Ito ang picture ng mga kasama ko sa bahay noong mga bata pa sila. I remembered taking a picture of them because I can't resist their cuteness, pero syempre iba na ngayon. No'ng bata lang sila cute hindi ngayong damulag na sila.
Napatigil ako sa nag-iisang solo pic ng bata. Medyo pamilyar siya sa akin pero hindi ko matandaan kung saan at kailan ko siya nakita.
"What are those?"
Nagulat ako ng magsalita ang katabi ko. I smiled at him and then I turned off my phone. Ibinalik ko na rin ito sa bulsa ko.
"Ah. Those were random pictures of the four of you. Nakita ko lang yun sa isa sa mga album sa sala," sagot ko sa kanya.
Tumango naman siya. "And the last picture?"
"That kid was familliar to me. Sino ba siya sa inyo?"
"Patingin nga ulit," sabi niya sa akin.
Umiling ako. "Wag na."
"Sige na. Baka masabi ko sa'yo kung sino siya," he insisted sabay abot ng bulsa ko.
"Wag na nga." Pinigilan ko ang kamay niyang may posas para abutin ang bulsa ko. Then I noticed something.
"Where did you get this scar?" Hindi ko pa rin tinatanggal ang tingin ko sa peklat na nasa kanang pulsuhan niya. I can sense that he looked away. Ayaw niya bang sabihin sa akin?

BINABASA MO ANG
The Princess In Disguise (Under Editing)
ActionAno nga ba ang tungkulin ng isang prinsesa? Pangalagaan ang kanyang nasasakupan? Kumilos bilang isang leader? Magpaka-prinsesa? Para kay Anastasia, tapos na siya sa mga ganyan. She had enough. Sawa na siyang maging sunod-sunuran at sumunod sa rules...