"Go guys! You can do it!" Sabi ni Sir habang pilit kaming itinutulak sa loob ng van ng AV.
"Sir, you don't need to push us. Kaya naming pumasok mag-isa. We have our own legs and feet, in case you don't know."
Sir Kendeev snorted. "Don't care. Just go. Goodluck."
Sumaludo muna ako kay sir bago isara ang pinto pagkatapos ay bumuntong hininga.
"May pagkabatang-isip talaga si Sir Kendeev minsan, ano?" Saad ko kay Luk.
"Woah, you notice too?"
Hindi ko alam kung ipinaparating ba sa akin ni Luk na alam na niya 'yon dati pa at ngayon ko lang napansin o ano. I rolled my eyes and didn't answer his question.
I heard Luk cleared his throat kaya napatingin ako sa kanya.
"Fasten up your seatbelt and get ready to...rock and roll! Chaga, chaga chu, chuuu. The train is coming!" Biglang anunsyo niya nang pasigaw kaya nagulat ako. He then turned on the speaker of the van at maya-maya lang ay humaharurot na kami.
Habang nakapikit ako at dinaramdam kung gaano kabilis ang kotse, kinakapa ko na ang seatbelt at pagkatapos ko itong mailagay ay tsaka ko lamang binuksan ang mga mata ko.
Para akong nasa isa sa mga nakakatakot na ride sa sobrang bilis. Parang naiiwan ang kaluluwa ko sa likod kaya wala akong ibang magawa kun'di ang kumapit na lang nang mahigpit sa hawakan sa itaas ng bintana.
"PATI RIN PALA IKAW! MGA ISIP BATA! ARRGGHH!"
Sigaw ko lang at ang malakas na music ang maririnig sa loob ng van hanggang sa makarating kami sa aming destinasyon.
Bumuntong hininga ako at sinampal ang sarili nang ihinto na ni Umbra ang van. Umbra ang tawag ko sa kanya kasi nasa trabaho na kami.
"What are you doing?" Nagtatakang tanong ni Umbra sa akin.
I rolled my eyes, "I was trying to wake myself up, from this nightmare. Fudge!"
He chuckled at may iniabot siya sa aking bagay na kulay itim.
"Ano 'yan?"
Tiningnan ni Umbra ang hawak niya bago ibinalik sa akin ang tingin. "A gun?"
Napaface palm na lang ako sa harap niya. "I know. Ang tinatanong ko ay anong gagawin ko diyan."
"Para saan ba ang baril?" Balik na tanong niya.
I took a deep breath. "Di'ba alam mo namang ayoko sa mga baril?"
He nodded. "Yes, pero dapat kailangan mo nang masanay na laging may dala nito kapag nasa trabaho. It's for your protection. Tsaka isa pa, delikado ang operation natin ngayon, may mga kidnapper na hawak ang isang bata."
"Umbra, for your information, naranasan ko na ring makapunta sa ganitong krimen to rescue someone, and take note, I only have my stun gun with me, at mag-isa ko lang pinasok ang warehouse," sabi ko sa kanya.
"Yeah, but I reckon you have back-ups outside," he shortly said.
Tumango ako. "Ang point ko lang naman ay hindi ako magdadala niyan. Besides kasama naman kita eh."
Nakita ko siyang ngumiti kaya nagtaka ako. "What?"
"Wala. Bahala ka na nga," wika niya.
Tumingin ako sa loob ng abandonadong gusali. And out of nowhere there's a question popped out in my head.
"Bakit kaya hindi natin kasama si Tenebris? Mas masaya kung kasama siya," sabi ko sa kasama ko.
Napatingin siya sa akin bago nagsalita. "Di'ba sabi ni Kronos wala ng oras para tawagan pa siya. Tayo ang pinakamalapit kaya tayo na lang ang pinaggawa niya. Tsaka mas masaya kung kung tayong dalawa lang."

BINABASA MO ANG
The Princess In Disguise (Under Editing)
ActionAno nga ba ang tungkulin ng isang prinsesa? Pangalagaan ang kanyang nasasakupan? Kumilos bilang isang leader? Magpaka-prinsesa? Para kay Anastasia, tapos na siya sa mga ganyan. She had enough. Sawa na siyang maging sunod-sunuran at sumunod sa rules...