抖阴社区

Chapter 4: I Gotta Feeling

29 0 0
                                    


NAG-AAYOS AKO ng mga gamit sa kwarto nang pumasok si Mommy dala ang ilang mga damit at linens na maayos nang natiklop. Pinili kong ayusin ang laman ng cabinet ko kahit Linggo na ng gabi at maaga pa ang pasok ko kinabukasan para mabilis akong antukin at makatulog nang 'di na umiinom ng sleeping pills.

"Hindi pa kita nakukumusta tungkol sa bakasyon mo." Isinandal ni mommy sa headboard ng kama ang mga unan ko pagkatapos ilapag sa tabi ko ang mga damit.

Ilang araw din siyang wala sa bahay dahil umakyat siya sa Baguio at nanatili sa resthouse namin doon habang nasa Taiwan ako. I have always encouraged her to travel sa kahit saang lugar na gusto niya so she can relax at para maiba ang paligid niya. Mula kasi nang mamatay si daddy five years ago from cardiac arrest, at bumukod si Kuya Henry pagkatapos ng kasal nila ni Ate Mariel last year ay sila dalawa lang ni Manang Rosie ang madalas na naiiwan dito sa bahay.

  "Ayos naman po ang naging bakasyon ko. Sinabi ko na kina Eileen na I won't make it to their wedding kaya magpapadala na lang po ako ng regalo." Naaamoy ko pa ang fabric conditioner sa mga damit nang ilagay ko sa drawer ng cabinet.

 "Nakapamasyal ka man lang ba bago ka umuwi?"

  Tumango ako. "Sinamahan ako nung doktor na kaibigan ni Paolo sa Taipei 101 Tower."

 "Oh! So, you met someone!" Ramdam ko ang excitement sa boses ni Mommy kahit nakatalikod ako. "Single pa? Pogi ba?"

  "Not dashingly handsome pero sakto lang. Maputi, matangkad, at maganda ang mata niya." Hindi ko na namalayan na napapangiti ako habang binabalikan sa isip ko ang facial features ni Migo. I slightly became silent as I recalled those eyes. "Parang kay Ji Chang-wook."

 Hindi naman nila ako masisisi. That doctor's eyes had some resemblance to my Kdrama bias. Ang mga mata niya ang napansin ko nung unang pagkikita namin. Alam kong yun din ang sasabihin ng iba kapag nakilala siya ng mga ito.

 "Yung Kdrama prosecutor?" tanong ulit niya. "Eh di pogi nga! Did the two of you exchange numbers? Baka siya na ang The —"

 "Hinalikan niya ako!" I cut her off kaya naudlot ang sasabihin niya.

 Napadiin ang paghawak ko sa tinitiklop kong T-shirt dala ng sobrang kaba kaya nagkalukut-lukot iyon. Hinintay ko ang sasabihin ni mommy pero gulat ang nangibabaw na expression sa mukha niya nang lingunin ko. Nagmamadali siyang tumayo at nilapitan ako. Her eyes had that interrogating stare.

 "First base?"

  Todo-iling ako. "No, mommy! Sa pisngi lang." I sounded defensive kahit yun naman talaga ang nangyari.

 "Sa cheeks lang naman pala eh." She reacted laughing. She kissed the side of my head matapos haplusin ang buhok ko. "Maybe it was just a goodbye kiss, so calm down."

 Tumalikod na siya at palabas na ng kwarto pero humabol pa ako para magtanong. "Are you sure hindi ka galit? Disappointed?"

  "It's fine sweetheart." sabi niya nang muli akong lingunin. "At bakit ka ba natatakot? Hindi ka na bata, so it's okay to be flirty sometimes! Pero okay din naman sa akin kung naka- first base sana siya sa 'yo!" inasar pa niya ako bago tuluyang lumabas.

 Napaupo ako sa gilid ng kama pagkasara ng pinto. I sighed and covered my face with my hands. It's nice to have an open-minded mom. Pero minsan lang talaga, may mga bagay na hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil kumpara sa akin ay parang siya pa ang mas excited at nag-e-enjoy.


MIDNIGHT IS ONLY a couple of hours away pero sa halip na matulog ay nakaharap pa ako sa laptop ko checking my work email dahil may mga dumating pa rin sa inbox ko kahit pa naglagay ako ng out of office na automatic reply.

I took out my planner from my hand carry bag at para isulat ang mga task na dapat kong unahin pagbalik sa opisina kinabukasan nang mahulog ang mga papel na nakasingit doon. Para akong ibinalik sa huling araw ko sa hotel nang pulutin ko sa sahig ang kulay beige na sobre na may logo ng Mandarin Oriental Taipei.

 "Ms. Samaniego, someone left this for you earlier," nakangiting bungad sa akin ng receptionist sabay abot ng envelope nang isauli ko ang keycard ng ginamit kong kwarto.

  "Were you able to get the name?" kunot-noong tanong ko habang tinitingnan ang sobre.
Umiling ang receptionist. "I'm sorry but the guy quickly left after asking me to give that to you before you leave," paliwanag niya saka kinausap ang katabi kong guest na magche-check-in pa lang.

 Inilagay ko ang card sa bulsa ng pantalon ko at hinintay sa lobby ng hotel ang pagdating ng taxi na maghahatid sa akin sa airport. 45 minutes nang nakapag take-off ang eroplano nang saka ko na yon naalalang basahin.

I wish we still had time to talk some more last night. Maybe we can still keep in touch? I hope you can give me a call when you arrive in Manila.

Nakasulat din doon ang isang cellphone number at kung kanino ito galing.
The name read Migo Ramirez.

 And here I am tonight at home, with his note in my hand. Iniisip ko pa kung tatawagan ko ba siya para ipaalam na maayos naman akong nakauwi o kung may iba pa bang dahilan para gawin ko yon, because honestly, I can't see one in the first place.

 Ibinalik ko na lang ang card sa planner ko at nahiga na sa queen size kong kama. I scrolled on my Spotify playlist for calming bedtime songs and tried winding down to 101 Reasons Why I Love You playing in the background. For some reason, Ji Chang-wook's singing voice never fails to lull me to sleep.

**


MULA NANG MAKABALIK ako galing sa bakasyon, madaling napuno ang schedule ko ng mga meetings, court work at deadlines ng mga dokumentong dapat kong tapusin. Kung dati ay nakakauwi ako on time, madalas ay ako na ang huling nagpapaalam sa guard sa front desk sa gabi.

I must admit, may mga pagkakataon na nami-miss ko din bumalik sa Taiwan o pumunta sa kahit saang lugar lalo na kapag toxic ang araw ko.

 Dumating na rin ang mga newly-hired lawyers na nadagdag sa ibang departments. Pero nakakapagtakang may isang mukha na hindi ko na nakikita sa firm lately.

 "Is Chuck on leave? I haven't seen him for weeks," tanong ko kay Charlie habang nag-aalmusal kami sa pantry.

 "Oh, I guess the news has not reached you yet."

 "What news?" Napataas ang isang kilay ko habang umiinom ng kape. Mukhang may nangyari while I was overseas na hindi ko pa alam.

 "He resigned," casual niyang sagot as he ate his breakfast sandwich.

 What he revealed surprised me. "Talaga? Eh di ba for promotion na siya?"

 Next to the prestige of the position, maganda pa naman ang salary package na kasama ng promotion sa firm. Kaya mukhang may mas malaking dahilan para lang pakawalan niya yon.

 Charlie narrated what Chuck did while I was on vacation. "Nag-abot na pala siya ng notice weeks bago yung shouting match ninyo." It briefly brought me back to that stressful afternoon in one of the conference rooms. "He was just quiet about it. When you left for Taiwan, yun ang last day niya dito."

 In search of greener pastures daw ang rason sa pag-alis niya. Pero may mga bulungan na lumipat siya sa ibang law firm para lang makasama ang girlfriend niya na isang tax lawyer.
"Well, alam mo na..." Charlie rolled his eyes and chuckled. "May mga tao lang talagang pag tinamaan ng pag-ibig, nagiging tanga!" Nilagay niya sa tissue ang pickles na inalis sa sandwich. "Imagine, naunahan ka pa eh ikaw itong may planong umalis 'di ba?"

 "What the fuck?!" I whispered. Hindi ko napigilang pandilatan siya habang dinidiligan ng syrup ang waffles na nasa plato ko.

 Lumingon ako sa paligid at umasang walang nakarinig sa sinabi niya. Mahirap na, baka pagmulan pa yun ng kung anong kwento. si Alexis lang ang sinabihan ko ng tungkol doon kaya hindi ko alam kung paano yon nakaabot kay Charlie.

 "But at least no one's going to bully you now," katwiran niya. "Pabor pa sa 'yo yun!" Tumayo si Charlie para ilagay sa ibabaw ng trash bin ang pinagkainan niya and allowed me to eat my waffles in peace.


NAKAHINGA MAN AKO nang maluwag sa pag-alis ni Chuck, it also meant additional workload for me. The past few weeks ay ako ang pansamantalang nagha-handle ng mga trabahong naiwan niya habang hindi pa nakakakuha ang HR department ng bagong paralegal na papalit sa kanya.

 "Val, please update me sa status ng documents sa case ni Mr. Sanchez." Pinatawag ako ni Atty. Mendez sa office niya para pag-usapan ang ilan pa sa mga ongoing matters ng mga kliyente na aasikasuhin ko. "At yung special power of attorney ni Mrs. Fuentes, paki- email sa akin mamaya so I can check it first."

 I wrote it down. Mabuti na lang at familiar ako sa ilan sa mga clients namin. It will be easy to interact with them tungkol sa mga required documents na related sa cases na kinokonsulta nila. Masungit nga lang yung iba sa kanila but I can still deal with them professionally.

 "Sir, may bisita po kayo waiting sa reception." Naputol ang discussion namin nang kumatok sa pinto ang receptionist na si Liezl.

 "Please send him in." Maaliwalas ang mukha ni Atty. Mendez nang mag-angat ng tingin. Parang inaasahan na niya ang dumating na bisita dahil tinapos na rin niya ang meeting namin.

Kinuha ko na sa mesa ang dala kong notebook at ang mga client folders nang marinig ko ang boses ng isang lalaki mula sa pintuan ng kwarto.

 "May I come in?" I literally froze in my seat as I felt a lump form in my throat. Pero lalo akong nanlamig nang muling magsalita si Atty. Mendez.

"Hi son! Of course!" Abot tenga ang ngiti niya nang tumayo mula sa itim na swivel chair. "What miracle brings you here this early?" Narinig ko pang biniro niya ang kausap. Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses. My mouth parted as I recognized the guy standing by the door, wearing navy blue polo tucked inside a pair of dark gray pants. At kahit tama lang naman ang lamig sa silid, pakiramdam ko ay para akong binubuhusan ng malamig na tubig nang paulit-ulit.

The Seventh Secret WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon