MOST OF THE TIME, may dalawang dahilan lang kapag pumasok ako at nakitulog sa kwarto ni mommy: either I am sick, or dahil brokenhearted ako. But none of those reasons are applicable tonight. Sa pagkakataong ito, next to co-sleeping with her, nandito ako para manood muna ng palabas sa Netflix habang hinihintay tumalab ang ininom kong pain reliever galing sa hangover care package na binigay ni Migo kanina.
"Ano'ng tingin mo kay Migo?" bigla kong naitanong kay mommy habang naka-focus ako sa paghahanap ng magugustuhang palabas sa flatscreen TV na nasa pader ng kwarto.
"Yung bisita mo? Well, I can say that he's very well-mannered. Mukha naman siyang mabait," sagot niya habang nakaharap sa salamin para lagyan ng cream ang noo niya.
"You think so kahit kagabi mo lang siya nakita?"
At that very moment ay inilapag niya sa dresser ang hawak na bote at itinigil na niya ang ginagawa niyang pagpapahid ng cold cream sa mukha at hinarap ako."Sa nakita kong pag-aasikaso niya sa 'yo kagabi, I know you're more than just a stranger to him."
Napabangon ako mula sa pagkakasandal sa headboard ng kama. "Pag-aasikaso? Hinatid lang naman niya ako 'di ba?"
"Lasing ka nga kasi kaya hindi mo alam!" umiiling niyang sinabi. "Sa itsura mo kagabi na wala kang malay, hindi siya agad umalis para makasigurado lang na hindi ka kailangan itakbo sa ER. Alas-dos na ng umaga nung umuwi siya," she said before crawling beneath the fluffy comforter. "Magagaya ka pa dun kay Sahara if not for him."
Tinutukoy niya ang kaklase kong si Sahara Sevilla, whose one-time drunken escapade led her crashing on the doorstep of someone else's condo unit.
"I know. But Sahara and Dan ended up becoming a couple anyway!""Yun na nga. Mabuti sana kung lahat ng lalaking makakaharap mo pag nalasing ka eh matinong tao gaya ni Dr. Almendras," she reasoned out.
I can still smell the argan oil na inilagay kanina ni mommy sa buhok niya matapos magsuklay nang mahiga siya sa bakanteng pwesto ng kama. Sumunod na rin akong humiga katabi niya at niyakap ang isang unan.
Sandali siyang tumitig sa akin saka ako pinagsabihan ulit. "Maswerte ka lang kagabi. Kaya huwag mo siyang susungitan dahil nagmalasakit na nga siya sa 'yo at magpakabait ka na next time, okay?"Tulala akong napatitig sa kisame habang iniisip ang mga bagay na sinabi ni Mommy.
2 am na siyang nakauwi pero nagawa pa rin niyang pumunta dito kanina. Am I really worth that kind of effort? Sa mga narinig ko mula kay mommy, gusto kong mahiya kay Migo at matakot at the same time para sa sarili ko. What if hindi na talaga ako nagising? Paano kung natuluyan talaga ako? Pagkatapos kong marinig ang mga sinabi ni mommy, saka ko naisip na hindi pala biro ang naging aftermath ng ginawa kong pag-inom sa party dahil hindi lang si Mommy ang natakot para sa akin. Dumating pa sa point na bukod sa binigay kong abala masigurado lang niya na ligtas akong makakauwi ay nag-alala rin pati si Migo.
"He asked me if we could date. May pinadala rin siyang flowers sa office kahapon for my promotion."
"Bakit alam niyang promoted ka?" nagtatakang tanong ni Mommy."Sinabi sa kanya ng boss ko. Stepson siya ni Atty. Mendez," I confessed.
"Ayan! See what I mean?" Narinig ko ang pag buntong-hininga niya. "He won't be that upfront and won't go the extra mile kung hindi ka talaga mahalaga sa kanya."
"But what if that's just part of his normal behavior as a doctor?" katwiran ko.Bigla siyang napabangon sa tanong ko at tiningnan ako nang may halong paghihinala.
"Wait, was he the doctor who kissed you? Yung kaibigan ni Paolo?
"Yes," tipid na sagot ko.

BINABASA MO ANG
The Seventh Secret Wish
RomanceWith the good life that she has, people around Valerie thinks she's one lucky lady who had it all: A kindhearted parent, challenging career, supportive colleagues and a best friend who encourages her to live a life filled with adventure. But one tra...