IT'S 7:45 PM on my watch nang matapos na sa wakas ang webinar na inatttendan ko sa araw na ito. Four consecutive days na akong ginagabi sa office dahil sa maghapong webinars dahil kailangan kong maging updated sa ilang mga rulings tungkol sa succession at labor law. I was about to leave the office para umuwi na nang pigilan ako ni Rica at yayain na sa opisina na mag-dinner kasama sina Janice at Alexis. Nag-overtime din sila tonight dahil sa dami ng tasks na gagawin.
Kinuha ko ang pouch ng gamot galing sa bag ko and popped a pill in my mouth. Maliban sa isang tasa ng kape, naalala kong hindi ko na nagawang kumain man lang sa haba ng discussion at lecture kanina. Naliipasan yata ako ng gutom kaya siguro sumasakit ang ulo ko. Pabagsak akong naupo sa sofa na katapat lang ng desk ko para sandaling itulog ang nararamdaman ko habang hinihintay bumalik sina Janice at Alexis na nag-volunteer para bilhin ang mga pinakisuyo ni Rica na pagkain galing sa Chinese restaurant sa tapat ng office.
Mga kalahating oras lang akong nakatulog pero hindi ko maintindihan ang kakaibang bigat ng pakiramdam ng mga mata ko nang subukan kong dumilat nang ginigising na ako ni Rica."Val, andito ng yung pagkain," tawag niya kasabay ang maingay na kaluskos ng paglapag niya ng paperbag sa mesa.
"Hmmmm..."
Sinubukan kong sumagot pero impit na pag-ungol lang ang kaya kong gawin dahil hirap rin ako kahit na magsalita at parang naiipon lang sa dibdib ang bawat hininga ko.
"Uy, ayos ka lang ba?" narinig kong muili siyang nagtanong habang niyuyugyog ang kanang balikat ko. But I guess the way I looked was that alarming to further fuel panic; dahil maya-maya pa ay narinig ko na ang mga boses nina Alexis at Janice na natatarantang tumakbo sa loob ng kwarto matapos marinig ang paghingi ni Rica ng saklolo.**
I WOKE UP TO A DROWSY FEELING and a strange pain on my right hand. Pero pinilit kong imulat ang mata ko just to know where I was. My senses are telling me na wala ako sa bahay dahil may kakaibang amoy na umiikot sa buong kwarto na napapaligiran ng kulay puting pintura ang dingding. Walang nakaupo ni isang tao sa kulay khaki na leather couch na nakadikit malapit sa tinted na salamin ng bintana.I am lying alone inside a hospital suite at wala sa kwarto sina Rica na ang huli kong naaalala ay nagpapanic sa office kanina. Hindi ko alam kung umalis lang kaya sila sandali o iniwanan na talaga ako ditong mag-isa.
Narinig kong bumukas ang pinto sabay pasok ng isang maputi at matangkad na lalaking naka-white coat at nakasuot ng pamilyar na black metal-framed eyeglasses habang tinitingnan ko ang kamay kong may nakakabit na IV drip."Kilala ko raw yung pasyente dito," nakangiting bungad ni Migo bitbit sa kamay niya ang isang chart.
Agad kong pinakita sa kanya ang naka-swerong kamay ko. "Para saan 'to?"
Inilapag niya ang dalang chart sa katabing mesa at naupo sa gilid ng kama para tabihan ako.
"Antihistamine medications yan," paliwanag niya saka hinahawi ang buhok na tumatakip sa mata ko. I know I look like a mess pero bukod sa nakakabit na swero sa kamay ko, hindi ko magawang magkikilos dala na rin ng epekto ng gamot. "Kamusta ang pakiramdam mo?""Antok na antok ako. Like I just got out of anesthesia or something."
"Ganyan talaga ang side effect ng diphenhydramine. They gave you a strong drug sa ER to act fast against anaphylactic shock," paliwanag niya. "Mabuti na lang din at dito ka dinala ng mga kaopisina mo."
"Ana— what?" I asked puzzled. Sana lang ay inexplain niya in layman's term para mas madali kong maintindihan.
Kinuha niya mula sa side pocket ng suot niyang white coat ang first aid pouch ko at ang foil pack ng gamot. "You had a severe allergic reaction to this."

BINABASA MO ANG
The Seventh Secret Wish
RomanceWith the good life that she has, people around Valerie thinks she's one lucky lady who had it all: A kindhearted parent, challenging career, supportive colleagues and a best friend who encourages her to live a life filled with adventure. But one tra...