抖阴社区

CHAPTER 9

9.1K 328 47
                                    

ETHAN POINT OF VIEW

Patuloy siya sa paghila sa akin at ng makarating kami sa parking lot ay kaagad niya akong pinapasok sa kan'yang kotse.

“Get in!" Inis na ani niya at kita ko ang pagpipigil niya na may gawing masama sa akin. Patuloy naman ako sa pagpupumiglas ngunit mas hinigpitan niya ang hawak sa aking braso dahilan ng pag–daing ko. “O-Ouch! Nasasaktan ako!"

“Get in or i will f*ck you right f*cking here." Ano daw?! Dahil sa gulat ay hindi ako kaagad nakagalaw sa aking kinatatayuan at nanlalaki ang mga matang tumingin sa kan'ya. “You hear me, i can do whatever i want."

Dahil sa takot ay napipilitang sumakay ako sa loob ng kan'yang kotse, napangisi naman siya at umikot para magtungo sa drivers seat.

Hindi ko alam kung bakit ayokong sumama sa kanya, maybe nagulat lang ako at may tampo pa ako sa kanya sa hindi niya pagpansin sa akin nitong mga nakaraang araw.

“Saan ba tayo pupunta?" Hindi maiwasang tanong ko ng paandarin nito ang kan'yang kotse. Deretso lang siyang nakatingin sa daan ngunit pansin ko ang pag igting ng kan'yang panga.

“Home." Maikling sagot niya na hindi man lang ako nilingon kahit saglit.

Nabalot ng katahimikan ang buong paligid, napasandal nalamang ako sa aking upuan at tinanaw ang labas. Iyon na 'yon? Akala ko pa naman ay aayusin niya ang tungkol sa amin at ipapaliwanag ang lahat.

Nag expect ako na magso-sorry siya at gusto niyang magkaayos kaming muli ngunit sa tingin ko ay ako pa ang gagawa ng way para sa aming dalawa. Kahit anong gawin ko ay hindi ko magawang magtampo at mainis sa kanya ng matagal dahil muling pumapasok sa isip ko ang mga masasayang memorya naming dalawa.

Huminga ako ng malalim at tumitig sa kanya, those pair of green eyes never failed to amaze me. Hindi siya palangiting tao pero once na ngumiti siya sa mismong harapan mo ay baka hindi kayanin ng puso mo sa sobrang bilis ng tibok nito.

Ang isa pang nagustuhan ko sa kanya ay, paulit ulit niyang sasabihin sayo na ikaw lang yung taong nakikita niya, nakikita niya na makakasama niya hanggang sa ikalawang buhay. 

“Okay pa ba tayo, Jaxon?" Hindi ko namalayan na nabigkas ko na ang mga salitang matagal ko ng iniisip. Simula noong mga nagdaang araw na sobrang gulo, na hindi ko na maintindihan pati ang sarili ko.

Napahinto ito sa pagmamaneho at itinabi sa gilid ng madilim na daan ang kan'yang kotse, siguro ay nagulat siya sa biglaang tanong ko. Bumaling siya sa akin at tumitig sa aking mga mata.

“What do you mean?" Tanong nito na parang walang ideya sa mga sinasabi ko. Oh Jaxon, i know that you know everything, you know what i mean.

Umayos ako at humarap sa kanya. “Us." Tuloy ko. “Does our relationship still working? Is everything still okay?" Tanong kong muli.

Natahimik naman siya at nanatiling nakatingin sa akin, wala pa siyang sagot pero nasasaktan na ako sa posibilidad na mga sasabihin niya.

“Yeah, everything is alright." Ramdam ko ang halo halong emosyon ng sambitin niya iyon, bahagya din siyang umiwas ng tingin sa akin ngunit pinanatili ko ang titig sa kanya.

“Really?" Mapait akong napangiti. “Then, why?" Naguguluhan itong tumingin sa akin. “Bakit kailangan mo akong iwasan kung ayos naman pala lahat? Bakit kailangan mo akong itulak palayo?"

“Dahil kailangan." Nakita ko kung paano dumaan ang lungkot sa kan'yang mga mata ngunit kaagad din itong naglaho.

Naguluhan naman ako sa kan'yang sinabi. “Kailangan? Anong dahilan?" I can feel my hand shaking, I'm not ready for his answer.

The Favored One Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon