抖阴社区

CHAPTER 18

9K 345 33
                                    


ETHAN POINT OF VIEW

Nasa sala ako ngayon at prenteng nakaupo habang kumakain ng mangga, hindi ko alam pero simula nung mag 1 month ang pagbubuntis ko pakiramdam ko ay gusto ko ng mangga.

Naaalala ko pa kung paano nahirapan si James na maghanap ng mangga dahil wala naman kami sa Pilipinas mabuti nalang ay mayroong mabibilhan dito.

Kumakain lang ako at nanonood ng cartoons, wala akong ibang magawa dahil bawal din daw akong magpagod.

“Iho, eto na yung sauce." Napatingin ako kay manang ng ilapag nito ang pinakuha kong sauce.

“Thank you po." Pasalamat ko at kaagad na isinawsaw doon ang mangga.

“Hindi kaya sumakit ang tiyan mo dahil diyan?" Tanong ni manang.

Napailing naman ako. “Konti pa lang po ang nakakain ko."

“Osya sige, tawagin mo nalang ako kapag may kailangan ka." Ngumiti at tumango naman ako sa kanya.

Pinagpatuloy ko lang ang pagkain. Wala din dito si James dahil nag grocery siya dahil mabilis ng maubos ang mga pagkain sa kusina dahil daw sa akin.

Wala din ang lola at lolo ko dahil may pinuntahan sila na about business. Kahit may katandaan na sila ay marunong pa rin silang magpalago ng negosyo at patakbuhin ito ng tama at maayos.

Kaya ako at ang mga kasambahay lang ang nandito, may mga bantay din naman sa labas.

Kaagad naman akong napahawak sa aking tiyan ng may maramdaman mula doon, bigla nalang itong sumakit.

“A–Aww!"

Hanggang sa napasigaw na ako dahil sa sakit na nararamdaman, manganganak na yata ako!

“M–Manang!" Sigaw ko at mas napahawak sa aking tiyan. Kaagad namang dumating si manang at inalalayan ako.

“Tawagan niyo si Sir!" Utos nito sa iba na kaagad din nilang sinunod.

Habang ako ay patuloy lang sa pagdaing “A–Aray! Ahh!"

“Tiisin mo muna iho!" Natatarantang aniya at dumating na din ang mga tauhan ng aking lolo. Kaagad nila akong inalalayan at binuhat, napahawak nalang ako sa kanila habang patuloy pa rin sa pagdaing.

“B–Bilisan niyo! Masakit!"

“Opo, humawak lang po kayo." Kaagad silang nagtungo sa parking lot at isinakay ako sa isang kotse. Puro sigaw ko nalang ang maririnig habang sila ay natataranta at hindi alam ang gagawin.

Hindi ko alam na ganito pala kasakit ang mararanasan kapag manganganak na, tila ayoko ng umulit! Ayoko na ulit magkaanak!

Parang ang unfair din sa mga asawang lalaki dahil sila ay nagpapakasarap lang habang kaming mga babae— I mean buntis ay magpapakahirap pagkatapos may mabuo, pakiramdam ko ay dito ako mamamatay sa sakit.

Nasaan na ba si James?! Kanina pa siya umalis pero hanggang ngayon ay wala pa, siya dapat ang umaalalay sa akin! Papatayin ko talaga ang lalaking yon kapag bakita ko siya!

“Arayyy!" Kaagad na umandar ang kotse pagkalagay ni manang sa mga gamit na sa tingin ko ay sa akin. Pinuntahan din ako ni Abby at nasa tabi ko na siya ngayon habang tinitiis ang higpit ng pagkakahawak ko sa kan'yang kamay.

Abby is my cousin, dito din siya sa mansion nakatira dahil siya ang kasama nila lola. She's already 10 years old.

“Calm down kuya." Aniya at pilit na pinapakalma ako ngunit hindi ko talaga kayang tiisin ang sakit.

The Favored One Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon