抖阴社区

CHAPTER 22

7.8K 273 6
                                        


SHANTEL POINT OF VIEW

“Archi. Lopez." Napalingon ako sa aking likuran ng marinig ang pamilyar na boses. Bumungad sa akin ang isang magandang babae, nakasuot ito ng simpleng dress ngunit bagay na bagay sa kanya.

“Cassandra?" Lumapit siya sa akin habang may nakaguhit na matamis na ngiti sa kanyang labi.

“Long time no see." Kaagad akong tumayo mula sa aking pagkaka upo at sinalubong siya ng yakap.

“I miss you!" Masayang ani ko, noong kasal pa kasi nila Jaxon at ng kapatid niya ang huling pagkikita namin dahil lumipat na din siya sa France.

“I miss you too!" Masayang aniya din at bumitaw sa aming pagyayakapan. “How are you? Mas lalo kang gumanda."

“Ayos naman, fresh pa rin." Proud kong ani at ngumiti ng malawak sa kanya.

“Wala ka pang asawa?" Napairap naman ako sa tanong niya. Obvious ba?

“Wala!"

“Bakit? Sa ganda mong 'yan imposibleng walang nanliligaw sayo."

“Sino bang nagsabing walang nanliligaw sa akin? Asawa lang ang wala ako, wala pa akong time para d'yan." May mga nanliligaw pero hindi ko pinagtutuunan gaano ng pansin. “Work first."

Napairap naman siya at naupo sa katabing upuan ko kanina. “Work first? Baka naman may hinihintay ka?"

Napalingon naman ako sa kanya. “Hinihintay?"

“Oo, baka mamaya may nagugustuhan ka pero hindi ka naman niya gusto."

Napahawak naman ako sa aking dibdib. “Wow ah, hindi naman masakit." Abot hanggang bituka.

“So, sino?"

“Wala!" Tanggi ko, wala naman talaga. Tyaka imposibleng hindi niya ako magustuhan, titigan ko lang ang mga taong type ko bibigay na sila sakin, duh. “Anyway, kamusta na pala ang bruha mong kapatid?"

Napataas naman siya ng isang kilay. “Bruha pa rin, bibisita din ako sa kanila mamaya." Pinakita niya sa akin ang mga paper bags na dala niya na mayroong iba't ibang sikat na brand. “Pasalubong ko galing France para sa kambal."

Napatango naman ako. “Hindi ko na din nakikita ang kambal, noong nakaraan ay si Jaxon lang din ang nakausap ko."

“Anong sabi?"

Naalala ko naman ang pag uusap naming dalawa, ayoko mang magsalita pero wala akong magagawa dahil pinsan ko pa rin siya at close kami simula pagkabata, ayoko lang sa ugali niya ngayon at dahil na din sa kagag*hang ginawa niya kay Ethan.

“Nangamusta, business matter na din." Pagsisinungaling ko, hangga't maaari ay kailangan ko munang itago ang lahat lalo na't kapatid niya din si Chloe kahit papaano.

“Oh, nga pala.."

“Hmm?"

“May balita ka pa kay Ethan? Matagal na din nung huli ko siyang nakita at hindi pa maganda ang nangyari."

Napaiwas ako ng tingin at ibinaling ito sa project na ginagawa ko. “Ayos naman siya, may pamilya na din siya sa ibang bansa."

Napabuntong hininga na lamang ako, naiisip ko din kung kailan ko mararanasan ang saya niya habang nakikitang maayos ang kanyang pamilya.

Pero, alam kong mahihirapan siya once na bumalik sila dito sa Pilipinas dahil ayon din kay James na nakausap ko kahapon ay uuwi na sila dito.

“May sasabihin ako pero 'wag kang maingay, lalo na kay Chloe at Jaxon." Naguguluhang naman siyang tumingin sa akin ngunit tumango din. “By next week uuwi na sila Ethan, gusto mo bang sumama sa akin? Bibisitahin ko sila."

The Favored One Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon