抖阴社区

Chapter: 9

154 4 0
                                        

Minsan Lang Kitang Iibigin

Chapter:9

Nakangiti si Alex habang, pinupunasan si Adrian. Dinalaw niya ito at ngayon ay tila pinalitan ng kasuotan, "Tuwang-tuwa si Shan ng makita mommy niya, alam mo ba- ayaw niya umalis sa tabi niya si Kierra." Natawa pa si Alex habang nagke -kwento, huminto siya at pinagmasdan ang kambal. "You must, be strong and- bumangon ka na... Para makasama mo na sila." Sambit niya at ang luha ay kusang pumatak, natawa siya nang wala sa oras at pinunasan iyon. Hinawakan niya ang kamay ni Adrian. "You right, hindi ko dapag ipagkait sayo si Shan, kasi- naranasan na natin dalawa ang broken family. And- ayoko na din mahirapan ka, dahil nag suffer ka na nuon." Muling napaluha ang kanyang mga mata. "Magpapakasal na kami next week, but your name will be my name. Para naman, kapag nagising ka na, Kierra and Shan will be on your side." Hinaplos niya ito at pansin niya ang luha na pumatak sa mata nito. "Nadidinig mo pala ako, don't worry. Hindi ko pababayaan ang mag ina. Basta magpagaling ka at gumising." Lumapit siya at hinagkan ang noo ng kanyang kapatid.


*

"Adrian Greyson, you may kissed your Bride." Saad ng Pari.

Napahinga nang malalim si Alex, itinaas na niya ang belo ni Kierra. Lumapit siya, pansin niyang pumikit ang babae pero sa pisngi lamang niya ito hinagkan.

Hindi na nagtanong si Kierra, pero masaya siya dahil sa wakas ay makakasama na niya ang lalaking para sa kanya.



"Feeling ko parang style ko nuon." Bulong ni Nathan kay Larry

"Oo nga, sa pisngi mo lang hinalikan si Jill nuon." Tugon nito.

"Sa tingin mo kaya?" Tanong ni Mark kay Lester.

Napailing lang si Lester. "I'm not sure, sana nga lang. Hindi siya masaktan sa ginagawa niyang sacrifice ngayon." Sabay buntonghininga ni Lester.


**


Naging maayos din naman ang reception, hindi naman nagpapahalata si Alex, at hindi naman siya dumidistansya kay Kierra. Lamang nga lang ang pakikipag usap niya sa mga kakilala, mabuti na lang at hindi masyadong kilala si Adrian dahil sa state na halos ito naninirahan, at mabuti na lang din ay walang masyadong nagtatanong kay Kierra.


At dahil nga natural na sa mag asawa ang Honeymoon, kinuha muna nila Nathan at Jill si Shan.

Sa kwarto ay tila hindi mapakali si Alex, napapailing siya at panay ang pabalik-balik nang lakad. Nadinig niyang bumukas ang pintuan ng banyo, kaya siya napalingon. Nakita niya si Kierra na halos naka night tie na color red satin, pansin niyang lumapit ito.

"Okay ka lang ba?" Tanong ni Kierra at mas lalung lumapit.

Nang humaplos ang palad nito sa kanyang dibdib ay natumba siya.

"Adrian!"

Napangiti lang si Alex, para kasing lumambot ng tuhod niya. Talagang hindi niya kaya ang ganitong eksena. Muli siyang tumayo at lumunok ng sunod-sunod. "Mag restroom lang ako." Paalam niya.

Napatango si Kierra at lumapit na sa kama, pansin niyang pumsok na sa banyo si Adrian. Humiga na muna siya at tila napapangiti, sa wakas ay nabuo na din ang pamilya na nais niya nuon.


*

Hindi naman magka intindihan si Alex habang nasa banyo, panay kasi ang palakad-lakad niya. Naisip niyang kunin ang cellphone at tawagan ang barkada.

Nagising si Nathan nang mag ring ang kanyang cellphone, kaya sinagot ang video call.

Naudlot naman ang pakikipag kiss ni Larry ng tumawag si Alex kaya sumali na din sa video call.

Si Mark naman na kalalabas lang ng banyo ay agad din napalingon sa kanyang cellphone at naki join na din sa video chat.

Si Lester na nakikipaglaro pa sa anak nila ni Fei ay sumali na din sa video group call.


Nathan:

Nasaan ka?

Alex:

Nasa banyo

Larry:

Honeymoon ninyo, bakit ka andiyan

Mark:

Baka magtaka si Kierra

Alex:

Anu gusto ninyo? Tabihan ko siya, heller.

Lester:

Bakla, masarap yun!

Alex:

Tumigil ka Lester ah.

Napaupo siya sa bowl

Alex:

Sana makatulog na siya.

Nathan:

Special night ninyo, baka di yan matulog.

Alex:

Anu, bang- ginawa mo nuon, nung kayo ni Jill?

Tila napaisip si Nathan.

Nathan:

Sabi ko na, hindi mun kami pwede magtabi. Kasi may priority pa kami. Nakalimutan ko na din.


Napahinga nang malalim si Alex.


"Larry.." Malambing na tawag ni Jackie at hinagi ang kanyang undies dito.

Napalingon si Larry at sumenyas.

Mark:

Mukhang may kababalaghan ang dalawa

Lester:

Nakakainggit ang mga yun.

Nathan:

Tulog na si Jill, kaya hindi na ako makakagaya kay Larry.

Larry:

Sige na, kaya mo yan alex. Mauna na ako mag out. Babush!

Lester:

Sabi na, lalayas na yun. Sige na gudluck alex!

Mark:

Ba-bye na din. Gudluck Alex.

Nathan:

Kaya mo yan Alex, promise... Bye!


Napahinga ng malalim si Alex at muling napailing, tumapat siya sa salamin at pinagmasdan ang sarili, humugot muli siya ng paghinga at lumabas na nang banyo.

Pansin niya si Kierra na tulog na, kaya nakahinga siya ng malalim.

Lumapit na siya at nahiga sa tabi nito, pansin niya talaga na tulog na ito marahil ay sa pagod din. "Sorry." Bulong niya at tila pumikit na din.






#AuthorCombsmania

Minsan Lang Kitang Iibigin (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon