抖阴社区

Chapter: 32

103 3 0
                                        

Minsan Lang Kitang Iibigin

Chapter: 32

"Uy Nathan."

Lumingon si Nathan kay Alex. "Bakit?" 

"Bakit hindi mo sa'kin ininform. Na si Ivan, ay magiging ka team up ko? Ayoko nga! Kayo pa din gusto ko." May tampo ang boses niya

"Kami pa din naman,  kaso nga lang... Duon ka sa kanya na mag oopisina." Paliwanag ni Nathan.

"Is this your plan, para magkalapit kami?" Tanong niya.

"Nope, it's my idea." Sabat ni Ivan at lumapit.

Napalingon naman siya kay Ivan, pansin niyang may hawak itong folder at iniabot sa kanya.

Tinanggap naman ito ni Alex. "Anu 'to?"

"Please check all this item, paki sure na din kung wala kang idadagdag sa mga design." Sabay ngiti nito at tumalikod na.

"Mas bagay sa kanya na seryoso siya, na may konting pagka harsh." Sabay ngiti ni Nathan.

Napa crosshand si Alex at tiningnan ang kaibigan. "So, bet mo siya?" 

"Hmm." 

"Nathan!" 

Natawa si Nathan. "Like ko siya para sayo, i saw the sincerity to him. But—" sabay tingin kay Alex. "My JC ka na." 

"Whatever." Tugon ni Alex. 

"I check mo na 'yan. Para maayos na lahat. Back to work na, Ms. Alexandra." Sabay muling ngiti ni Nathan na may kaunting pang aasar ang tono.

Napasimangot si Alex at tumalikod na.


*


"Coffee?" 

Napatingin si Alex sa alok ni Ivan na kape, pansin niyang nilapag nito ang kilalang cup. "Thanks, but i prepared juice. Kasi mainit." 

"Mainit ba?" Tila tanong ni Ivan, "Bukas naman aircon natin." 

Tumayo si Alex at bahagyang lumapit ang mukha kay Ivan. "Are you trying, to seducing me?" Medyo malagkit ang boses niya

Hindi nakaimik si Ivan, lalu at talaga nga naman nakaka akit ang mukha ni Alex sa ngayon.

"If you wanted, galingan mo Mr. Harley." Sabay haplos ng palad niya mula sa leeg ni Ivan pababa sa tiyan. "What a muscle." Sabay kindat at umalis sa kanyang table sabay talikod.

Napailing si Ivan.

*


"Coffee." Alok ni Lester

"Thank you." Sabay kuha ni Alex. Ang totoo favorite niya pa din ang kape. Pero sinusubukan niya lang talaga si Ivan. "Nakaka miss ang kape dito."

"Mas masarap ang kape sa state noh." Tugon ni Larry.

"Bakit ka pala andidito?" Tanong ni Mark

"Boring ako duon, mas gusto ko dito." Tugon ni Alex.

"Mas gwapo ba kami keysa sa mga kasama mo duon?" Tukso ni Larry.

"Dislike." Sagot niya

"Alam mo pasalamat ka, babae ka na! Kundi nasabunutan na ulit kita." Si Lester.

"Aminin na ninyo kasi, na ako ang pinaka maganda talaga." Pagmamalaki ni Alex

"Speaking of maganda, darating na ulit ang model na si Patrisha Ingrid, siya kasi ang maglalabas ng mga bago nating designed." Sabat ni Nathan.

"At ang patner niya ay si Ivan." Segunda ni Larry

"Talaga?" Sabay crosshand ni Alex.

"Oh bakit, nagseselos ka? May jowa ka naman ah." Ani ni Lester.

"Di ba hindi naman na sila nagpakasal, bakit parang gusto pa makipag patner ni Ivan?" Bigla niyang tanong.

"Malay mo nagbalikan." Si Mark ang sumagot.

"Oo nga, sayang ung ginawa natin nuon." Segunda ni Lester kay Mark.

"Tama! Tapos hindi naman sumipot si Groom." Tugon ni Larry.

"Paano may priority si Groom, kaso ayaw ata nang isa." Si Nathan.

Hindi na lang siya umimik at uminom na lang ng kape, gusto niya magbingi-bingihan para hindi siya mahalata ng mga ito.

Na kahit anong tanggi niya, si Ivan pa din ang nasa puso niya.


**

#AuthorCombsmania



Minsan Lang Kitang Iibigin (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon