抖阴社区

Chapter: 11

148 4 0
                                        

Minsan Lang Kitang Iibigin

Chapter: 11

"Alam mo Adrian, naloloka ako!" Reklamo niya habanh pabalik-balik ng lakad.

Sa tuwing uuwi siya mula sa trabaho, ay laging may handa itong pagkain. Sa umaga ay maagang gigising si Kierra para handaan sila ni Shan, minsan lumalabas din sila para ipasyal ito. Pakiramdam niya na sobrang saya ng mag-ina. At sa gabi, lagi siya nauuna matulog o kaya ay hihintayin niya makatulog si Kierra. Dahil hindi niya kaya ibigay dito ang pangangailangan nito. 

"Promise, naloloka ako." Sabay buntong hininga niya. Napatingin lang siya sa kakambal niya, halos isang buwan na din mula makasal sila ni Kierra. Ginagampanan niya naman ang pagiging mabuting asawa, syempre dahil siya si Adrian. "Pero di ako makabawi sa kanya, i really don't know kung anong gagawin ko?" Labis-labis ang guilty niya sa ginagawa nito, naupo siya at muling binuksan ang box nang kapatid. Pansin niya ang diary na may pangalan ni Kierra.  "Carry, lang ba na— basahin ko eto, Adrian?" Tila tanong niya. "Para akong tanga, buti kung sasagot ka nga." Sabay buntong hininga, binuklat na niya ito. Pansin niya pa ang tila orchid na nakaipit dito, ngumiti si Alex at tumingin kay Adrian. "Ganito ka ba, ka - sweet?" Sabay muling tingin sa diary.


*



Kierra POv

Hindi ko inaasahan na si Adrian, ang bubuo ng buhay ko. Kahit na ganito ang buhay ko, tinanggap niya ako ng buong puso. 

Bawat araw ay palagi niya akong binibigyan ng bulaklak, kinkantahan niya ako gamit ang gitara. Pakiramdam ko, araw- araw ay nililigawan niya ako. 

Ang pagmamahalan namin ay walang kasing tamis, kapag may pagakakataon ay laging inuubos niya sakin ang oras. Masaya ako sa piling ni Adrian, at si Adrian. Alam ko na masaya din siya sa piling ko. Ngunit hindj ang kanyang ina, pilit akong pinalalayo kay Adrian.

Labis akong nasaktan ng paalisin ako sa eskwela, dahilan kaya namatay ang aking ina. Pinagkalat niya ang isang balita na iba't-ibang lalaki ang kasama, pero hindi naniwala si Adrian, nanatiling tapat siya sa pagmamahal niya. 

Ang buong akala ko na wala nang hadlang, ay hindi natupad. Pilit siyang inilayo sa akin, labis akong nasaktan pero pinanghawakan ko ang pangako niya na magbabalik siya. 

Sa pagbalik niya, ay walang kasing saya ang aking puso. Sobrang katuwaan na talagang siya ang itinadhana sa akin. Kaya ibinigay ko ang nararapat sa kanya, pero tuso pa din ang kanyang ina at pilit kaming pinaghihiwalay kahit alam na buntis na ako. Wala siyang awa, hanggang sa itinakas na ako ni Adrian.


**


Huminto si Alex sa pagbabasa, pansin niyang pumatak ang luha niya sa diary, agad niyang pinunasan. "Grabe si Mama." Sabay tingin niya kay Adrian. "Pero, grabe din dinanas ko kay Papa. Kaya ako naging ganito, Adrian." Sambit niya.

Huminga siya ng malalim, hindi niya naisip na sobranv higpit ng kanyang ina kay Adrian, pero mas lalu naman siya.

Naranasan niyang ikulong siya nuon ng kanyang ama, hindi siya pinapakain ng maayos. Lalu ng malaman nitong may pagka malambot siya, ay mas lalung tumindi ang galit nito sa kanya.

Ramdam niya ang takot nuon, at pangungulila sa ina at kapatid. Madalas siya nuon, na hindi pansinin ng ama, hanggang sa nakilala si Lester. Payat lang siya sadya, at tila marami nuong latay. Tampulan pa siya ng tukso dahil sa salamin na suot, idagdag pa ang paglalakad niya na may kaunting kembot. 

Si Lester naging tagapagtanggol niya, hanggang nakilala nila si Mark at ang mag bestfriend na Nathan at Larry. Sadyang lalaki pa ang dalawa, at nahawa sa kanilang kabaklaan, si Nathan ang pinakamatanda.

Sa tantya niya nasa 38 na ngayon si Nathan, si Larry at Mark ay 37 habang si Lester ay 36 at siya, siya ang tinuring na bunso sa kanilang lima. 34 lang ang edad nila ni Adrian. Kaya sa G-5 siya ang bunso. 

Bumuntonghininga siya at tumayo, lumapit siya kay Adrian at hinawakan ang kamay nito. "Ipangako mo sa akin, na lalaban ka. Para pagka gising mo, makasama mo ang pamilya mo." Bulong niya.




***

#AuthorCombsmania

Minsan Lang Kitang Iibigin (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon