抖阴社区

Status 2: Nasaktan.

2.9K 49 2
                                    

Eyebags + Mugtong mga mata = Monster Alert!

Mamayang hapon pa ang klase namin pero sindaya ko talagang agahang pumunta sa napakatahimik naming paaralan, pag sinabi kong tahimik ibig sabihin nuon ay kabaliktaran. xD

Pumwesto ako sa sa isang mesa sa CAS Park. Umupo ako at ipinatong ang ulo ko sa mesa at makapikit na nga muna kahit saglit. Inaantok ako at pagod na pagod. Di ba halatang puyat ako kagabi? Walangyang pangyayari naman kasi ang nangyari kahapon oo. (-____-)

"Lessandra!" isang pamilyar na boses ang narinig kong tumawag ng pangalan ko kaya itinaas ko ang aking ulo at lumingon.

"Oh, hi Inna ikaw pala!" bati ko naman kay Inna, malapit kong kaibigan na kumukuha ng BS Biology. Iisang college lang naman kami kasi BS Chemistry naman yung kinukuha ko.

Napatigil sya saglit nang makita ang itsura ko. Bet niya na atang tumakbo papalayo dahil sa monstrous kong awra ngayon. Pero joke lang yun, lumapit siya sa akin at kitang-kita ang pagtataka at pag-aaalala sa mukha niya. "Anyare sayo Madam Lessandra at ang laki ng eyebags mo with matching mugtong mga eyes pa?" opo curious po sya, may pagka-ala Toni Gonzaga rin 'tong kaibigan ko eh kung maka-interview.

"Ha?? Sa'n banda? Di naman ah!" todo deny kahit obvious na obvious na; parang feelings lang, kahit kitang-kita na ayaw pa ring aminin. HAHAHAHA. #HUGOT3. Ako na, ako na talaga ang wagi. Ano, gusto mo pa bang ipagpatuloy ang pagbabasa sa napakawalang ewang kwentong 'to? :DV

"Naku, wag ka na dyan Lessandra Tizon, di uubra yang pa'deny-deny epek mo sa'kin," pangungulit niya parin sa kin. Alam ko namang di ko malilinlang itong kaibigan ko eh

"Ano.." panimula ko, "nagkita kasi kami ni Jim kahapon."

"HAAAAA?? WHAATTTT?? AS IN??" OA nyang reaksyon. ?__?

"React agad? Sandali lang, makinig ka muna. Akala ko ba gusto mong malaman?" 

"Oo nga, sorry. Sige pagpatuloy mo. Mamaya pa naman yung klase namin eh." So Inna decided to stay with me at makisagap ng chika. 

"Ayun, nagkita kami accidentally sa Hamburger Zone. Tapos...", naiiyak na ako habang nagsasalita. Kanina ko pa 'to pinipigilan pero ayaw papigil eh. Si Inna kasi! "may kasama syang isang babae na sigurado ako babae nya este girlfriend nya at kaklase nya", tuluyan na ngang nahulog ang mga luha na kating-kati ng makawala mula sa aking mga mata.

Tinapik at hinagod-hagod ni Inna ang likod ko as a sign of consoling her friend. At that moment, I feel like yun ang pinaka-kailangan ko. Niyakap nya ako.. Drama scene talaga 'to mga teh!

"Ilang buwan na nga kayong break?" tanong nya habang yakap-yakap parin ako.

"Tatlong buwan na Inn, tatlong buwan na akong nagtatanong sa sarili ko kung may kulang ba sa'kin o ano bang mali sa'kin, o minsan naitanong ko na rin sa sarili ko kung ganun ba ako ka'pangit. Tatlong buwan na akong nagpapakatanga na umaasang baka babalik pa sya. Tatlong buwan na akong nasasaktan Janinna." HUHUHUHUHU. Iyak parin ako ng iyak with matching tulo sipon pa.

"Huussshhh.." She tried to ease the pain at saka nagpatuloy sa sasabihin "Uhm, alam mo ba yung 3-months rule?" tanong niya sa akin. 


---------

February 14, 2010

"I don't know what's going on with me. I am still stuck up on the same ground where you left me. I still couldn't take that first step away from that place. Am I still hoping for you to come back and pick me up? How can I forget you? If all those things around me remind me of you? Insanity. Stupidity."

Isang short stupid note ang nabasa ko sa likod ng binder ko. Isa sa mga katangahan ko a month ago. </3

3-months rule. 3-months rule. Move on. Be happy.

Her List to Move OnWhere stories live. Discover now