STEP #8: Magpaganda ka! Baguhin ang hairstyle, mag diet, mag ayos. Ipamukha mo sa kanya na dyosa ka at magsisisi sya.
STEP #9: Bawal maging bitter! Wag kang hugot ng hugot.
STEP #10: Siguraduhin mong handa ka na sa gagawin mong paglimot at ng di mawala sa ewan ang mga steps na 'to.
2 MONTHS LATER
"LESSANDRA!" Tawag ni Jhelyn sa akin.
"O M G!!" napanganga ang reaksyon ni Lara. Pakisarado po.
"Anong nangyari sa buhok mo?" pambungan na tanong ni Emory sa akin ng makita ako.
"Bakit? Di ba bagay?" pabalik ko na tanong sa mga tanong nila.
Summer is up. Third Year is coming. Andito na naman ulit kami sa paboritong tambayan ng CAS Students at kahit Engineering Students o Nursing Students. Maingay na naman ang CAS Park. May mga pamilyar na mukha at may bago rin lalo na ang mga 1st year students.
Sa kabilang banda, nakita ko sina Inna at yung mga kaklase nya na masayang nagke-kwentuhan lalo na yung napaka-daldal nyang kaklase na kung hindi ako nagkakamali ay si Nova ata yun. (A/N: The Post-it Stranger, Post-it 1.) Libre Plug lang. xD
Bagong Semester, Bagong School Year, Bagong Buhay este Bagong Buhok! ^____^
"Naku, bagay na bagay nga sayo ang short hair eh. Ang ganda mo!" puri naman ni Lara.
"Talaga?" Nahihiyang sabi ko.
"Oo naman, mukha ka ng ate ni Dora ngayon. Hahahaha!" pambihirang Emory. Sinaway naman sya nina Jhelyn at Lara.
"Bagay sayo." tanging komento ni Nash.
"Hehehe. Salamat! STEP #8: Magpaganda ka! Baguhin ang hairstyle, mag diet, mag ayos. Ipamukha mo sa kanya na dyosa ka at magsisisi sya." Sabi ko sa kanila.
Nagtawanan naman kaming lahat.
"At dahil new hairstyle ka ngayon, libre libre libre!" Haaayyyy naku Emory! Ikaw ng may hawak ng korona ng mahilig sa libre. xD
Akala nyo magpapabola ulit ako? Syempre.... HIndi! Hahahaha. KKB kami o kanya-kanyang bayad. Hehehehe! Pero ako at si Nash yung naatasang bumili ng pagkain sa canteen. Para lang talagang pag-ibig yan, kahit ayaw mo wala kang magagawa kundi sumunod. HAHAHAHA. Joke lang, Step #9 Bawal maging bitter! Wag kang hugot ng hugot. Hehehehe.
Kakaisip ko ng hugot may nabangga ako habang papunta sa pila. Ayan kasi, sabi ng tigil-tigilan na ang kakahugot eh. Tsssss!
"Ahhyy, sorry!" sabi ko. (*___*)V
"Ayos lang." sagot naman nung taong nabangga ko.
Nung lumingon na sya, pamilyar sya..
"Lessandra?" sabi nya.
Hala, ba't kilala nya ako? May nautangan ba akong nakaligtaan ko?
"Ahhh, hi?!" @_________@
"Hahaha, di mo na ba ako matandaan? Si JM 'to yung kaibigan ni Dimple." pagpapaliwanag nya.
"AAHHHHHHH! Oo, oo. Hello! Sorry ha, may 2 months amnesia na ata ako eh. Hehehe!"
"Okay lang." ngiti nyang sagot.
"Hehehe, sige JM sorry ulit at mauuna na kami ha." pagpapaalam ko.
Pero kaibigan? Diba boyfriend nya ata yun? Hmmm..
"Uy, Lessandra? Ba't tulala ka na naman diyan? Tanong ni Jhelyn sa'kin.
"Hindi mo ba kakainin pagkain mo? Sa'kin na lang yan". Humirit na naman si Emory.

YOU ARE READING
Her List to Move On
Short StoryA short story of a girl who once thought he could be her forever. But everything changed because of a text message he sent her three months ago. Her Status: Brokenhearted