Nagmumukha na nga akong tanga.
Siya masaya samantalang ako nasasaktan.
Ano 'to pelikula? Hindi pwede 'to.
Kaya iniwan ko yung papel at ballpen na kanina ko pa hawak-hawak.
Hinabol ko sila.
"JIM RAFAEL HERNANDEZ!!"
"JIIIMMM!"
Di pa rin sya lumingon kaya't tinanggal ko ang isang pares ng sapatos ko at ibinato ito sa'kanya. Kaya naman napalingon sya at pati na'rin yung babe nya. Nagulat silang dalawa ng makita nila ako lalo na sya.
Nilapitan ko sila.
*BOOOGGG!* Sinuntok ko sya sa mukha. "Para sa hindi pagreply sa mga texts ko."
*TUUGGGGG* Sinipa ko sya sa paa. "Para sa lahat ng sakit na ibinigay mo sa'kin."
"Break na tayo."
Sunod kong nilingon yung "babe" nya.
"Sa panahon ngayon, pag kinuha ang sa'yo bawiin mo. Pero dahil mabait akong tao, di ko na pinupulot pa ang basurang itinapon ko na."
*End of Imagination*
Pero syempre, puro imahinasyon ko lang lahat yun. Sana nga kaya kong gawin ang lahat ng yun. Pero na'realize ko na may sense ang huli kong sinabi.
"Sa panahon ngayon, pag kinuha ang sa'yo bawiin mo. Pero dahil mabait akong tao, di ko na pinupulot pa ang basurang itinapon ko na."
Isang basura na lang sya sa buhay mo Lessandra na di na pwedeng i'recycle. Move on girl.
Bigla akong napangiti. Opo, pagkatapos kong magdrama ay nangiti na lang ako.
"Oh ba't bigla kang napangiti. Kani-kanina lang eh tumutulo pa luha mo kasama pa ang sipon mo ah." Maraming salamat sa sipon Jhelyn. -______-
"Hala! Hala! Nababaliw na ata 'tong si Lessandra eh, iiyak tapos mamaya ngingiti. Naku! Naku! Maniniwala na talaga akong nakakabaliw nga ang pag-ibig." Dagdag naman ni Lara.
"Oo, nakakabaliw nga kaya ikaw Lara, wag ka munang ma-inlove ha." Sinakyan ko na lang yung mga pinagsasabi nila.
"Eh ba't ka ba kasi biglang napangiti dyan Lessandra ha?"Tanong sa akin ni Emory.
"Wala lang, narealized ko lang kasi kung gaano na pala ako katanga sa isang basurang itinapon ko na. HAHAHAHA!" Pahayag ko.
"Ha? Basura?" Di ko ma-gets te, pa'explain naman po" Saad ng tamad mag-isip na si Jhelyn.
"Ang ibig nyang sabihin ay basura na nyang itinapon si alam mo na." Ang laki talaga ng talino nitong si Emory, sana mahawaan nya si Jhelyn. Please naman po.
"Naiisip mo ba ang naiisip ko ngayon Lara?" para akong bata na na'excite bigla.
Iniabot nya ulit sa'kin ang papel at ballpen. Pati sya ay nangiti na'rin. Ilang segundo pa ay na'gets naman na ito nina Emory at Jhelyn.
"AAHHHHH! OPERATION IBASURA NA SI JIM!" Sabayan niyo ng tunog ng lightbulbs dahil sa wakas ay nagka tugma-tugma na ang aming mga brain cells.
LUNES
"LESSANDRA! LESSANDRA!" Isang masakit sa tenga na pambungad sa'kin ni Nash.
Kakapasok ko lang ng building namin ng makita ako ni Nash.
Nash. Lunes na Lunes eh. Wag mong sirain ang unang araw ng Linggo ko.
Sa di inaasahang pangyayari ay bigla bigla syang tumakbo papalapit sa'kin at bigla akong niyakap.

YOU ARE READING
Her List to Move On
Short StoryA short story of a girl who once thought he could be her forever. But everything changed because of a text message he sent her three months ago. Her Status: Brokenhearted