抖阴社区

Status 2: Nasaktan.

Start from the beginning
                                    


*Flashback*

1 Hour Ago.

"Alam mo ba yung 3-months Rule?" tanong ni Inna sa akin. 

Kumawala ako sa pagkakayakap sa kanya "anong ibig mong sabihin?" na'curious ako. 3-months rule?

"Hmm, ayos lang masaktan ka, ma-broken hearted pagkatapos ng break up syempre normal naman yun eh. Pero ayon sa rule na yun ay kailangan after 3 months ay mag-move on ka na. Bumangon ka, mahalin mo ang sarili mo. Tama na.  As in STOP! Red light. Ganun!" pagpapaliwanag nya.


*End of flashback*


"BE HAPPY LESSANDRA. BE STRONG. AND STAY GORGEOUS. Wag kang papatalo sa pagiging broken."

Ang mga huling habilin este ang mga huling salita ni Inna sa'kin kanina. Ang galing nyang mag-advice pero wala naman syang lovelife. Tssss!

Pero may point naman si Inna. Hindi pwedeng ganito na lang ako lagi. 3-months rule. 3-months rule. Move on. Be happy. Paulit-ulit kong inintindi ang sinabi niya sa akin.

"3-MONTHS RULE!"

"3-months rule? Alam mo rin yan Less?" May biglang sumingit.

"Ayyy inihaw na kabayo!!!" Gulat na gulat ako.

Pabigla-biglang sulpot naman 'tong si Lara mula sa'king likuran at kasama nya pa sina Emory at Jhelyn. Kararating lang nila, eksaktong isang oras bago ang klase namin sa araw na 'to.

"Anong inahaw na kabayo ka dyan? Gutom ka lang ata eh. Ba't ba kasi ang aga mo?" si Emory na ngayon ay umupo na rin malapit sa akin.

"Kayo naman kasi, nang gugulat kayo eh," tugon ko sabay irap sa kanya dahil feel ko biglang nag travel ang aking heart papalayo sa akin sa gulat.

"Bawas-bawasan mo na kasi 'yang pagkakape mo iha at ng mabawas-bawasan na rin 'yang pagka-nerbiyosa mo ano." singit naman ni Jhelyn sabay tawa.

"Excuse me, di ako nagkakape ano. Fan kaya ako ni Ginoong Milo. Hihihihi!" Panangga ko kay Jhelyn.

"Tse! Teka, balik tayo ano yung sabi mong 3-months rule? May nalalaman ka pang mga rule-rules na yan ha!" balik na tanong ni Lara sa'kin. Ayaw nya talaga akong tantanan. Ba't ba kasi. Minsan sana may two-second amnesia na lang 'tong si Lara ano at ng makalimutan nya agad. Pero mas maganda ata kung ako na lang ang may amnesia at ng makalimutan ko na 'rin sya. #HUGOT4

"Ano bang alam nyo sa 3-months rule. Pa-share nga?" tanong ko sa kanila dahil tingin ko mas may ideya sila kesa sa akin. 

"May bayad. Hahahaha! Pero pwera biro, naalala mo yung movie nina John Lloyd at Bea? Yung ano.. yung One More Chance? Yun!" pagsisimula nya. Nasingit pa si Papa John Lloyd.

"Oo, parang naalala ko. Ano namang connection aber?" at ako po ay naguguluhan pa rin. Di maka konek ang aking matatalinong brain cells.

"Kasi, diba nga nag break sila dun after their 5-year relationship? Tapos si Popoy (played by JLC) nasaktan sya ng todo-todo. Pero after 3 months nag move on sya, inayos nya buhay nya at nakilala nya si Maja. Yan yung tinatawag nila na 3-months rule. Move on." Naks naman, ang galing ng paliwanag ni Lara.

AAAHHHHH.. Ganun ba! Yun pala ang connection nina Popoy at Basya sa 3-months rule na 'to. Now I know, now you know too? Hahahaha.

"Ahhh, ganun ba. Tama nga pala talaga si Inna. Yan kasi yung sabi nya sa'kin kanina." saad ko.

"Inna? Yung taga BS Bio, yung medyo boyish pero maganda?" biglang komento ni Emory.

"Oo sya nga." pagsang-ayon ko sa kanya.

"Oo sya nga, yung crush mo Emory. Ayeeeee!" Panunukso ni Jhelyn sa kanya, nakisali narin si Lara at syempre akooo. HAHAHAHA. Biruin mo, may crush pala 'tong si Emory kay Inna. Ayeee! Lumalablayp po ang kaklase ko.

"Mukhang nagkakasiyahan tayo ngayon ah?!"

"Naku! Sa wakas dumating din ang Hugot King ng klase namin!" tawang-tawa pa'rin si Lara na winelcome ang Hugot King naming si Nash na nagmana ata kay Papa John Lloyd. Hahahahaha! "Halika, maupo ka Nash. Sabayan mo kami sa aming napakagandang usapan. Hahahaha!" Di parin matigil ang tawa ni Lara.

Naupo nga si Nash at nakisali na'rin sa usapan.

"Oh ba't parang namumula ata si Emory? Kinagat ka ba ng bubuyog pre?" hinarap niya ito.

"Naku, hindi yan kinagat ng bubuyog Nash. Kinagat yan ng kilig." Banat ni Jhelyn. Kawawang Emory, napagkaisahan na naman ng klase. 

"Hoy mga baliwwww! Tantanan nyo nga ako." Pagrereklamo niya pero halatang halata namang kinikilig sya sa pang-aalaska namin sa kanya.

Pero sa palagay nyo ba titigil kami dahil lang pumalag na sya? Naku, HINDI. Hahahahah! Mas lalo pa naming tinukso lalo na ng malaman ni Nash ang dahilan ng pag-bublush nya. HAHAHAHA. *_____*

"AAAYYYEEEEE!" <3

<3____<3

Ganyang-ganyan ang itsura ni Emory kanina. Animo'y nagsilabasan ang mga hearts sa mga mata nya. Hahahahaha! Nakakatuwa syang kiligin. First time ko atang nakakita ng lalaking kinilig. Ang kyuuuttt pala!

"Tara na nga. Pasok na tayo!" at tinapos na nga ni Emory ang magulong usapan. HAHAHAHA.

Sa sandaling mga oras na yun nakalimutan ko ang pinagdadaanan ko. Kaya mahal na mahal ko 'tong mga kaklase ko eh. >:DD

---------

"GUYSSS! MAY FINAL PRACTICE TAYO SA SABADO PARA SA HUMANITIES NA'TIN", Maingay kasi dahil uwian na kaya napasigaw si Donna, ang Mayor ng klase namin, sa anunsyo nya.

"Anong oras?" tanong ko.

"Mga ala-1 ng hapon. Bawal Filipino time ha kundi manlilibre ang ma'lalate." Saad nito. Kaya natahimik ang buong klase at sumunod ang mga masasamang balak na ngiti ng bawat isa.

"Wooaaahhh! Deal!" Pagsang-ayon namin. Masaya 'to! Tiyak mag-uunahan ang mga kaklase ko. xD

----------------

SABADO.

"Haaayyy sa wakas natapos rin ang practice. Nakakapagod!" Sabi ni Jhelyn sabay salpak sa upuan. Tagatak ang mga pawis namin.

Katatapos lang ng practice namin at kasalukuyang tumatambay sa CAS Park.

"Oo nga eh, sayang walang na'late kanina. Ang aga pa nga nila eh. Kuripot talaga mga kaklase natin ayaw manglibre. Hahahahaha!" komento naman ni Emory. Lahat kasi 12:59 pa lang, kompleto na. xD Isang himala! Akala nyo walang himala? May himala! (with ala-Nora Aunor voice).

"Lessandra, halika dito bilis", tawag sa'kin ni Jhelyn. Kagagaling ko lang sa kabilang canteen, ako ba naman ang nautusang bumili ng softdrinks. Ang babait talaga!

"Bakit? Ano yun?" ako naman 'tong nagmamadali bitbit ang mga inumin at saka isa-isang ibinigay ang mga ito. 

Lumapit ako kay Jhelyn at may ibinigay sya sa'kin.

"Ano 'to?" inabot ko ang ibinigay niya.

"Obvious namang papel at ballpen yan diba?" ay ang gandang sagot ng Jhelyn. Pwede ka ng magturo sa Philosophy class natin. >________<

"Oo nga, alam ko. Pero ba't mo naman ako bibigyan ng papel at ballpen? Aanhin ko 'to? Eh may ballpen naman na ako wala nga lang papel. Hehehehe :DV".

Nakatayo pa ako. Hawak-hawak ang papel at ballpen. Nalilito. Anong gagawin ko dito?

"Uy, si Jim oh!" Pabulong na sabi ni Emory kay Jhelyn. Pero dinig na dinig ko naman.

Si Jim at yung babe nya.

Lumingon ako at nakita ko nga sila. Naglalakad sila galing ata sa building nila. Hawak kamay. Sweet na sweet. Feeling naman nila sila lang ata yung tao sa paligid. Aissh! >_____< Ampait ko.

Wala akong ibang nagawa kundi ang titigan lang sila at maiyak. Hindi ko na napigilan, o hindi ko talaga pinigilan. Hinayaan ko na ang sarili kong ilabas ang masakit na nararamdaman ko.

Ang sakit-sakit na.

Nagmumukha na kong tanga.

Her List to Move OnWhere stories live. Discover now