抖阴社区

Twelve

614 13 7
                                    

"Sobrang nabusog ako. Nag-enjoy ka ba?" Nilingon niya ko.

Tumango ako. "Thank you for this, boss. Nag-enjoy ako ng sobra." Ngiti ko sa kanya.

"No. I should be the one thanking you. If it wasn't for you and your unique taste, hindi ko matitikman ang lahat ng 'yun." I blushed. "So, saan mo gusto pumuntang sunod? Movie? Walk sa may beach? Anywhere you want to go?"

"Hindi ko na alam, e. Ikaw, baka may alam ka." Sagot ko.

Umiling siya.

Napatingala ako dahil sa isang ligaw na paputok. Parang isang bulaklak na nagbibigay ng liwanag sa malungkot at madilim na gabi.

"Alam ko na! Can I drive?" Ngiti ko sa kanya.

"Sure." Sabay hagis ng susi sa akin na agad ko naman nasalo.

Hinila ko siya papunta sa sasakyan niya at inutusan ko siya na sumakay na. Sumakay siya sa passenger's side sa unahan at ako naman ay sa driver's seat.

"Ready for a ride of a lifetime?" Sarcastic ko siyang tinanong.

"Ah... Oo yata. Dahan dahan lang ha? Wala pang one year ang kotse ko. Babayaran mo ako kapag naaksidente tayo." Takot niyang sagot, pero tinawanan ko lang siya.

Dahan dahan kong pinaandar ang kotse niya. Sa una mabagal tapos habang tumatagal medyo binibilisan ko ng unti-unti. Mabilis pero swabe lang ang pagmamaneho ko. Nakangiti lang siya habang nagmamaneho ako pero halatang kinakabahan.

"Ang galing mo pala magdrive. Sana pala I hired you as my driver instead of a secretary." He complimented me pero bumawi agad ng pang-aasar.

"Grabe ka naman, boss. But I'll be better as your girlfriend, don't you think so?" I winked at him.

Hindi siya nagreact. I felt bad, baka na-offend ko siya in some way. As a result, tumahimik na din lang ako habang nagdadrive. I can see him looking at me sa rear view mirror. Feeling ko may gusto siyang sabihin pero hindi niya masabi kaya hinayaan ko na lang siya. The whole trip, nakatingin lang siya sa labas ng bintana, mukhang malalim ang iniisip.

"Anong drama mo? Bakit hindi ka nagsasalita?" sabi ko nang hindi ko na natiis ang katahimikan.

"Wala. Ganito ako kapag busog." He smiled.

I know he's lying. He can't even look at me.

"Well, that's weird. Inaantok ka?" I played along.

"Yes."

He lied again. Bakit kailangan niyang magsinungaling? Kung ayaw niya akong kasama, I can easily turn this car around or I can stop and get in a taxi para maka-uwi. And because, I don't want to ruin the night further, hahayaan ko na lang siya.

***

"We're here." Sigaw ko nang itigil ko ang sasakyan sa isang cliff. "Baba tayo? Or dito na lang tayo?" Pag-aaya ko sa kanya.

"Baba syempre. Sayang ang view kapag hindi bumaba." Sagot niya kaya sabay kaming bumaba.

Malakas ang hangin at madilim ang paligid. Kitang kita namin ang liwanag galing sa matataas na building at bahay sa syudad. Halatang manghang-mangha siya sa nakikita niya ngayon.

Pumwesto kami sa harap ng kanyang sasakyan. Iniupo niya ako sa hood at siya naman ay nakasandal lang sa tuhod ko. Parehas kaming nakatingin sa city night lights.

"Ngayon ka lang ba nakarating dito?"

"Hindi." Sagot niya habang nakatingin sa view. "Second time ko na siguro."

Niyakap ko ang sarili ko. Masyadong malamig ngayon dito.

"Talaga?" Nakatingin lang ako sa kanya. "Kailan yung una?"

Bigla na lang siya umalis sa tabi ko. I was speechless for a second, sinundan ko siya ng tingin. Binuksan niya ang pinto sa backseat at may kinuha. Akala ko naman kung ano lang kaya hindi ko na pinansin. Ibinalik ko na lang ang tingin ko sa bright city lights. Hinintay ko siyang bumalik sa tabi ko, without saying a word. And, true enough, bumalik nga siya at nagulat ako nang ipinatong niya ang coat niya sa balikat ko. I blushed a little. Well, who wouldn't?

"Hindi ko na maalala. Bata pa ako nung una akong makarating dito." Malungkot niyang sagot.

"Tumingin ka sa taas." Utos ko sa kanya. "Ang ganda di ba?" Hindi siya nagsalita kaya tinignan ko siya.

Titig na titig siya sa mga bituin, tapos nagulat ako ng biglang may tumulong luha sa pisngi niya. Hindi ko magawang magsalita. Bakit ba siya umiiyak? Naguguluhan ako. Akala ko siya yung tao na hindi umiiyak. Akala ko cold hearted siya, mali pala ako.

"Napuwing ako." Ibinaba niya ulit yung tingin niya sa mga ilaw ng syudad at pinahid ang luha niya. Matagal kaming hindi nagsalita, nakatingin lang kami sa view. Siya nakatingin sa mga ilaw, ako sa sbituin.

"Boss? Can you do me a favor?"

"Anything." Tipid niyang sagot.

"Pwede ka bang yakapin?"

"Bakit?" his eyes widened.

Hindi na ako sumagot. Niyakap ko na lang siya mula sa likod. In some way, naramdaman ko yung lungkot niya nung nakita ko na tumulo ang luha niya. This time, I know for sure na there's something in his past na ayaw na niyang maalala. At alam ko, parehas kami na ayaw nang bumalik sa nakaraan.

I didn't realize na umiiyak na pala ako habang nakayakap sa kanya. He just stood there na parang naiintindihan niya ko. It felt like alam niya din na nalulungkot ako. He gives me comfort na hindi ko inaakala na makikita ko sa kanya.

"Are you okay?" Tanong niya sabay hawak sa kamay ko na nasa tiyan niya. He even intertwined his with mine.

I felt silly. Who would cry while on a date with her boss? Me, of course.

"Opo, okay lang po ako." I answered in a child-like voice. Bumitaw na ako sa pagkakayakap ko, pinunasan ko na din ang luha ko.

Pagkatapos kong bumitiw, humarap siya. He's now directly in front of me. Nakakailang pero what could I do. Ang kamay niya ay naktuon sa hood ng sasakyan niya. And judging by the size of his arms, I couldn't go down without a fight.

"Alam mo, I'm finding myself na sobrang natutuwa sa iyo." Ngiti niya. Damn those leg-melting smiles!

"You're very strong." Dagdag pa niya.

"Strong? E, iyakin nga ako boss. Nakakahiya nga minsan. Ang hirap naman pigilan. Kapag naiiyak ako, umiiyak talaga ako."

"Strong 'yun. You're not afraid of letting everyone know na malungkot or nasasaktan ka." Ngiti niya. "And that will remind me na wag ka paiyakin sa public place. It'll make me look bad kapag nagkataon."

I laughed. "Thank you for making me realize I'm strong." Sabi ko sa kanya, tapos bigla akong napatawa.

"What's funny?"

"Wala." Sagot ko pero hindi pa rin ako tumitigil sa pagtawa.

"Wala lang? So bakit ka tumatawa?

"So, hindi ka strong?" sarcastic kong tanong sa kanya.

"Paano mo nman nasabi?"

"Kasi napuwing ka kanina." I smiled and he laughed.

"Ang dami mong alam, Miss Anna Miller. Halika na. Ihahatid na kita. Gabi na and may pasok pa tayo bukas."

Napatingin ako sa relo ko. It's already midnight.

"Okay, tara. Hatid mo na si Cinderella." Natatawa kong hirit.

Ako naman ngayon ang nasa passenger's seat at siya naman ang nasa driver's seat. Ayaw na niya na ako ang magdrive. Mukha na daw kasi akong inaantok. Well, he's right. Super inaantok na talaga ako.

Habang nasa byahe pa lang, nakatulog na ko. Wala nang ingay sa kalsada, maliban sa mga bukas pang bar. Konti na rin lang ang tao sa labas. Swabe din siya magdrive kaya hindi na ako nagising. Kahit nga nung tumigil ang sasakyan sa tapat ng bahay, hindi ko na rin namalayan.


Stand Still: Please StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon