Paulit-ulit na naririnig ko sa utak ko."Possessive kaya talaga siya sa mga naging secretary niya?"
"Anna? Coffee break? Or Soda break?" Sumilip si Lance sa cubicle ko.
"Soda break." Sagot ko.
"Okay. My treat. Think of it as a welcome present." Ngiti ni Lance.
"Baba tayo?"Tanong niya.
Sabay kaming lumabas ng office at pumunta sa pinakamalapit na coffee shop.
"Do you smoke?" Tanong niya nung naka-upo na kami sa isang table sa labas ng coffee shop.
"Dati, pero I quit."
"Bakit?"
"Health problem. Asthma."
"Wow! Sakit mayaman."
"Ano naman ang nakaka-wow sa asthma?" tanong ko sa kanya. I want him to know that I am offended.
"Wala naman. Natutuwa lang ako sa mga taong may asthma tapos feeling kawawang kawawa."
"Why? Asthma is a very serious disorder. Hindi ba dapat naaawa ka sa kanila?"
"Didn't you notice my sarcastic tone?" he sounded so serious. "Yes, nakakaawa sila pero may magagawa ba yung awa ko? Gagaling ba sila?"
Hindi ko na alam ang sasabihin ko. Medyo nakakatakot na siya. Mukhang may pinaglalaban talaga.
"And besides, I saw you smoking the other day." He smirked.
I was there, caught off guard. He saw me? Saan siya nakapwesto? Bakit hindi ko siya napansin? Invisibility cloak? Asa! This is no Harry freakin' Potter story. There's no such thing.
It was getting awkward dahil wala akong maisip na isagot. Buti na lang may dumating na waiter.
"Ma'am? Sir? Can I take your orders?"
"Coke in can please. Thank you." Sagot ko sa waiter.
"Frap. Please. Thanks."
Wala na ulit nagsasalita sa amin. Nakatingin lang ako sa kanya. Nakatingin din lang siya sa akin. Then finally, he said something.
"Hey, Anna. You want one?" kinuha niya sa left pocket ng suit niya ang isang rectangular na metal box.
Hindi ako sumagot. Hindi ko naman kasi alam kung ano ang laman ng box na un.
"She doesn't smoke." Sabi ng isang lalake sa likod ko.
Alam ko naman kung kaninong boses 'yun. Pero gusto ko masiguro kung sa kanya nga 'yun.
"Gabriel?" Gulat kong sinabi ang pangalan niya. "What are you doing here?"
"Nagtaka ka pa? I'm looking for you. Gusto ko ng coffee."
"I didn't know our boss doesn't know how to make his own coffee." Pang-aasar ni Lance, pero hindi siya pinansin ni Gabriel.
I felt offended. Feeling ko nakakulong ako. Parang hayop sa circus na kapag sinabing perform ay mag-pe-perform na lang. Pero wala naman akong magagawa kung hindi ang sumunod sa kanya. Hindi ko na hinintay ang soda na inorder ko. Tumayo na lang ako at nagpaalam kay Lance.
"Mauna na ako Lance. Thank you."
Hindi na ako lumingon. Wala akong pakialam kung kasunod ko si Gabriel o hindi. Napansin ko na lang na magkasabay na kami. Hindi ako ngumingiti. Hindi ako nagsasalita. At hindi ko rin siya tinitignan.
Nakarating kami sa office niya nang hindi ko siya pinapansin. Dumiretso ako sa pantry para magtimpla ng gusto niyang kape. Si Gabriel? Nasa may pinto siya. Hawak ang isang tasang kape.

BINABASA MO ANG
Stand Still: Please Stay
AdventureDISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual event...