MALIK'S POV
"Nasaan si Nathan?" Tanong ko ng mapansin ko na siya lang ang hindi macontact at ang wala pa sa bangka. Nakaalis na ang iba gamit ang helicopter na hinighjack nila.
"Kailangan na nating umalis." Kumento ng isa naming kasama.
Paalis na ako to find Nathan at alam ko kung san siya hahanapin dahil sa tracking device niya. "Pagwala ako in five minutes, umalis na kayo." Sagot ko.
"Wait..." Di ko na pinansin si Troy at tumalon na ako sa bangka.
Maingat akong tumakbo palikod at iniiwasan ang mga ibang gwardya at tao. Bigla akong nakarinig ng malakas na pagsabog kaya dali dali akong pumunta. Napakadaming debri at madilim na sa lugar na ito kaya hindi ko siya makita.
Base sa tracking drvice niya ay malapit lang ako sa kanya but I can't pinpoint where. Tumitingin-tingin ako and found nothing hanggang sa nakita ko ang nakahandusay na lalaki.
Di ko mamukhaan kong siya to dahil madilim pero pagkabaliktad ko, si Nathan nga. Kinapa ko kung may pulso siya. Meron pero mahina at namumutla na siya.
"Malik!" sigaw ni Troy na nasa likuran ko.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.
"Di ko kayo kayang iwan." Sagot niya.
"Tulungan mo ako alalayan siya." Tag-iisa naming nilagay ang kamay niya sa balikat namin at inakbayan siya palayo sa lumalakas na apoy.
"Yun may motorboat." Sabay turo si Troy sa motorboat sa gilid.
Dun na kami tatakbo ng may marinig kaming alingawngaw galing sa putok ng baril na pinapatamaan kami. "Ikaw na bahala kay Nathan, I'll cover you." Utos ko.
Binuhat na ni Troy si Nathan habang nakatago kami sa isang bato. Nagbilang ako ng tatlo at kasabay nun ay ako naman ang nagpaulan ng bala sa kalaban habang tumatakbo kami papunta sa bangka.
"Sh*t!" Wala na akong bala. Mabuti nalang at walang tinamaan samin ng makasakay na kami at paandarin ang bangka.
"Okay ka lang?" Tanong ko.
"Okay lang, ikaw?" Sabi niya.
Sinagot ko siya na okay lang din ako at tinignan ang kalagayan ni Nathan. Inalis ko na ang suot niya pan-itaas para makita ang tinamo niyang sugat. Gamit ang sarili niyang damit ay yun ang ginamit ko para takpan ang sugat niya at pigilan ang paglabas ng dugo.
"Wala siyang pulso." Biglang sabi ni Troy kaya minadali ko na nilagay ang pareho ko na kamay sa kanyang dibdib at nagsimulang magchest compression.
"Come on, di mo pa oras g*go." Saad ko hanggang sa maramdaman ko na ang paghinga niya.
Di pa dun natapos ang kalbaryo namin dahil sa malayo ay naririnig naming may humahabot saming motor jet na bigla kaming pinaulanan ng bala.
Alam namin na anim ang sumusunod samin dahil kita ito sa radar na nagpapakita sa relo na suot namin.
Bigla itong tumunog ng may madetect siya na bombang patungo samin. Mabilisan ang reaksyon naming dalawa ni Troy kaya sabay kaming tumalon sa dagat kasama si Nathan.
Biglang lumiwanag sa ibabaw ng tubig ng nagpirapiraso ang sinakyan namin at kinakain ito ng apoy.
Lumangoy kami kahit nahihirapan para makalayo ng kaunti. Pagkaangat namin ay nawala na sa radar ang mga sumusunod samin pagkatapos ng pagsabog. Nag-alert na ako ng mensahe sa kasama namin para malaman nila kong nasaan kami and hoping that they would be here bago pa mahuli ang lahat lalo na at nag-aagaw buhay si Nathan na hindi pa nakatulong na palutang-lutang kami.
Kada minuto ay tinitignan namin ang kalagayan ni Nathan, himala na hanggang ngayon ay may pulso pa siya. Umabot na ng ilang minuto o baka isang oras na kami ng mapansin namin ang isang isla. Kahit pagod, pinilit naming lumangoy hanggang sa makarating kami sa tabing-dagat.
Good to know na may mga nakatira dito dahil sa mga bangka na pangisda kaming nakita at may mga ilaw.
"Tulong!" Sigaw ko sa mga mangingisda na dumadaan sa di kalayuan.
Agad naman silang dumating at tinulungan kami ni Troy para buhatin si Nathan.
"May hospital ba malapit dito?" Tanong ni Troy.
"Nako po, malayo ang ospital dito pero meron kaming maliit na pagamutan dito." Sagot ng isa sa kanila kaya dun kami nagpunta para kahit papaano ay maayos naming mapigilan ang pagdudugo ni Nathan at tanggalin ang bala na nakabaon sa laman niya.
"Pasensya na kayo, wala tayong doctor ngayon." Saad ng babae na gumamot kay Nathan. "Matanong ko lang po, ano po nangyari sa inyo?" Saad niya.
"Mahabang kwento." Di ko alam kong paano sasabihin o kung ano ang ikukwento ko na kapanipaniwala.
Alam ko na pinagsususpetyahan na kami ng mga taong tumulong samin pero hindi ko na ito pinansin. Ilang minuto nalang ay dadating nadin ang sundo namin ng makuha nila ang alert ko.
"Nagbabagang balita... Patay sa kamay ng hinihinalaang mga miyembro ng terorista ang iba't-ibang politiko at malalaking pangalan pagdating sa ating kapulisan at maging sa larangan ng sikat na mga negosyante matapos ang isang event sa isang pribadong isla na pagmamay-ari ng RPL group of companies..." Sabi ng balita na hindi ko dapat papansinin pero nabaling ang atensyon ko dun ng banggitin nila ang ilang pangalan.
"Makikita sa litrato ng kuha ng CCTV na nilabas ng kapulisan na ang imahe ng dalawang lalaki na natukoy nila sa pangalang Nathan Keil Castro at Jack Natividad na sinasabing isang taon ng nawawala." Pagpapatuloy ng balita.
Binasa ko ang reaksyon ng mga kasama ko dito na mukhang may ideya na sila sa nangyayari. "Malapit lang ang isla na yan a." Sabi ng lalaki sabay tingin samin ni Troy.
Di ko din maipinta ang itsura ni Troy na balisa at hindi mapakali.
Sa wakas ay nakarinig na kami mula sa communication device namin, "Troy, Malik! Do you copy!" Sabi sa linya na narinig ko saking taenga.
Lumabas ako saglit para di nila ako marinig. "Copy! Nasan na kayo?" Tanong ko.
"May papunta dyan na bangka na susundo sa inyo. Binabantayan na namin ang lugar para tignan ang galaw ng kalaban dahil hawak na naman nila ang lumalabas sa media ngayon." Paliwanag niya.
Bumalik ako sa loob to find out na may kaguluhang nangyayari kung saan nakatutok na ang baril ni Troy sa kanila. "Troy! Ginagawa mo?" Napataas ang boses ko sa natunghayan ko.
Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang baril niya at dahan-dahan na kinuha ito sa kamay niya, "Andito na sundo natin. Tignan mo na muna si Nathan." Utos ko.
I can see his trauma at kinakain na siya nito. Di na ako makatingin ng deretso sa kanila pero ramdam ko takot sa mga mata nila lalo na ang isang babae na gumamot kay Nathan. Pagpasok ko loob, naimulat na ni Nathan ang kanyang mata pero masyado pa siyang mahina kaya inalayan namin siya palabas dahil meron na ang sundo naming bangka.
"Thank you." Sabi ko sa babae at pati sa kasama niya na nananaig parin ang takot sa ginawa ni Troy.
------------------------------
Show support by voting,
following
and commenting.
Thank you!
Enjoy!

BINABASA MO ANG
Upshot: Divulge the Truth (SPG)
Science FictionThe future may seem bright but little did we know, future is ruined by us. Learning the truth and finding what / who is right - that is the CHALLENGE. My SECRET is MINE. YOURS is for me to DISCOVER. One Incident took ONE YEAR to finally start solvi...